PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis and Isabel Oli talk about their breakup

Paolo and Isabel refuse to disclose the reason behind their breakup.
by Rose Garcia
Published Dec 7, 2008
Paolo Contis and Isabel Oli went steady for almost three years. Yesterday, they were interviewed in Startalk but refused to reveal the reason behind their breakup.

Finally, kinumpirma na nga nina Paolo Contis at Isabel Oli ang naganap na breakup sa kanila na unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang palitan na ni Paolo ang kanyang status sa Facebook account niya na from "In a relationship" to single."

Sa Startalk kahapon, ekslusibong nakapanayam naman ni Ricky Lo si Paolo tungkol sa kumpirmasyon nga ng breakup niya with his less-than-three years girlfriend na si Isabel.

Ayon kay Paolo, matagal na proseso rin naman daw ang nangyari sa breakup nila.

"It was a long process naman. Matagal naming pinag-usapan. Matagal naming sinubukang i-work-out. Pero of course, pinag-usapan din namin. The decision is mutual."

Ricky asked Paolo kung kailan sila officially nag-break ni Isabel.

"Ah, wala, hindi ko na maano...siguro mga two weeks ago..."

Is he in denial?

"Hindi naman. But of course, yung mga ganoon, ayoko nang isipin kung anong araw, hindi ko na inaalam yung mga ganoong bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Is he hurt kaya hindi niya matanggap?

"Tanggap naman. But of course, ipokrito ko naman kung sasabihin kong hindi masakit."

Diretsong tinanong ni Ricky si Paolo kung mas nasaktan daw ba si Isabel kesa sa kanya dahil si Paolo ang nag-initiate ng breakup and through text lamang?

"Ah, kasi, hindi siya... Mahirap kaharap. Mahirap talaga. Pinag-usapan namin. Pero eventually, when we decided, nag-text-an na lang kami. Nag-text back din naman siya. Mahaba-habang eksplenasyon din."

Ayaw nang i-reveal ni Paolo kung anuman ang naging cause ng breakup nila ni Isabel.

"Sa amin na lang yun. It's more on personal differences. We tried to work it out. She adjusted for me. I adjusted for her but...mahirap, e. Mahirap..."

May third party involved daw ba, especially sa side nga ni Paolo?

"Wala..." sagot agad ng binata.

How about sa side ni Isabel?

"Wala...wala...isa yun sa puwede naming masabi talaga. People naman will say baka meron. Pero talagang wala. Not on her side, not on my side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ricky then asked, bakit daw umabot pa sa desisyong maghiwalay rin sila after all their trying? At ilang beses na rin sila nag-cool-off?

"Siguro mga dalawa, tatlo. Minsan nagkakainitan kayo, then, you have to work it out again. Eventually nga lang, wala na...hindi na."

Umamin si Paolo na after ng breakup nila, talagang naputol na raw ang communication nila ni Isabel. Hindi na rin daw niya ito tinatawagan or tine-text.

"Ako rin naman...well, it won't help her or me either. I guess for now, it should be like that. Wala muna ang communication. I believe, it will help us both na wala. And I heard din naman na meron siyang mga ginawa para siya rin maka-move-on.

" I don't even know her number now. Nagpalit siya, e. Hindi naman niya ibinigay sa akin."

Diretso ring tinanong ni Ricky kay Paolo kung sumabay daw ba sila ni Isabel sa announcement din ng breakup nina Dindong Dantes at Karylle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi...nagkataon lang. Nagkataon lang talaga yun. Even noong time nila ni Karylle, ako rin ang isa sa kinakausap ni Dong. Noong time naman na kami ni Liv [Isabel's nickname], siya rin kinakausap ko.

"Pero siyempre, wala naman siyang kinalaman. Nagkataon lang na nagkasabay. Sabi nga namin, sasabihin nilang talaga, magkaibigan talaga tayo."

Kapag nakipaghiwalay ba siya, wala nang balikan?

"Ayoko namang magsalita ng tapos. I mean, kapag dumating yung time na may manliligaw or mamahalin siya ng tama, bakit naman hindi? Yun ang consequence ng paghihiwalay namin."

Mahal pa rin ba niya si Isabel?

"Of course, she will always be in my heart."

Ayon kay Paolo, nasabi naman daw niyang lahat ang gusto niyang sabihin kay Isabel.

"Sa loob ng halos tatlong taon namin, nasabi ko na sa kanya kung ano ang gusto kong sabihin. Lahat ng gusto niyang malaman. I did my best. We did our best actually."

ISABEL TALKS. Sa hiwalay na interview naman ng Startalk kay Isabel, inamin din nitong mutual naman ang naging decision nila ni Paolo na mag-break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinag-usapan namin yun and which is ano, bagu-bago lang din. Na-shock nga ako kasi parang, wow, kumalat na agad, e. Pero... well, bago lang yun," pahayag ni Isabel.

Nasaktan ba siya?

"Sobrang masakit. Ang sakit lang, pero, kailangan lang talaga kasing...siguro, kailangan lang mangyari."

Tulad ni Paolo, nakiusap din si Isabel na sa kanila na lang daw ni Paolo ang tungkol sa anumang naging rason ng hiwalayan nila.

"Siguro kung anuman ang nangyari, sa amin na lang po yun. Kasi since, dati pa private naman po kaming tao even before. Inamin lang namin talaga. Pero sa ngayon, sana, sa amin na lang din po. Sana maintindihan na lang din po ng mga tao."

Wala rin daw third party involved base sa pagkakaalam niya.

"Hindi rin naman yun ang cause, e. If ever man, walang mga ganyang girls-girls. Walang mga ganyang isyu. May mga away-away lang, pero, naso-solve namin agad, e. Kasi, kami naman ni Pao, we both don't want yung mga away. As much as possible, gusto namin bago matulog, solved talaga yung problem."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-grow naman daw sila ni Paolo sa naging rekationship nila.

"Siguro nag-grow kami, pero, we need to grow pa to be a better person. Parang ganoon siguro. Kailangan lang...ewan ko nga, hindi ko rin alam. Blur lang lahat. Until now, I'm hurting lang, but I'm okay.

"Alam mo yung nandoon lang yung sakit. Siyempre, mami-miss mo yung tao. Nanibago lang ako. Parang ganoon. And I know, I need to adjust. Ginawa naming yun, e, so, kailangan naming mag-adjust."

Para kay Isabel, hindi na muna niya kailangang makikipag-usap kay Paolo.

"To be honest, hindi siguro siya ang right na taong tatawagan ko sa ngayon. I have ano pa naman, ibang friends pa naman. May barkada pa naman kami. May kailangan lang talaga kaming i-settle siguro sa mga buhay namin. Never pa kaming nagkita. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction. Pero for sure, papansinin ko talaga siya, siyempre. Naghiwalay lang kami but it doesn't mean we're not friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa ni Isabel, "Ang importante lang naman sa akin, kung saan happy si Pao, okey. I'm sure, yun din ang sa akin. Kung saan ako happy, doon ako. Ganoon din siya sa akin."

Kung para kay Paolo, forever raw sa puso niya si Isabel, gayundin naman kaya si Isabel kay Paolo?

"Forever yun, mamahalin ko siya. He'll always be special to me. Hindi lang kasi siya boyfriend, best friend ko rin. Alam niya lahat. Halos araw-araw magkasama kami. Doon pa lang, mami-miss mo na yun.

"And yun...ang dami, e. Ang daming maganda kay Pao na nakaka-miss."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis and Isabel Oli went steady for almost three years. Yesterday, they were interviewed in Startalk but refused to reveal the reason behind their breakup.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results