The first night of Marky Cielo's (in photo) wake became a heartbreaking reunion for StarStruck graduates. Marky was the third StarStruck Ultimate Male Survivor and the first and only Sole Survivor.
A heartbreaking "StarStruck" reunion at Marky Cielo's wake
Monday, December 8, 2008
06:14 AM
StarStruck is now less than one, literally and figuratively, dahil sa pagpanaw ni Marky Cielo, the third Ultimate Male Survivor and the first and only Ultimate Sole Survivor.
Sa St. Peter Memorial Chapel sa Antipolo dinala ang mga labi ni Marky. Si Rommel Gacho, ang tinatawag na "tatay" ng mga taga-StarStruck, ang naging punong-abala sa pag-ayos ng katawan ng binata.
Marky's wake was the most heartbreaking StarStruck reunion ever.
Pagdating namin ng bandang alas-onse ng gabi, hindi pa nailalagak si Marky sa kanyang kabaong kung kaya't naghihintay nang tahimik sa loob ng saradong memorial chapel ang mga kaibigan at kamag-anak niya. Kailangang isara ang St. Peter Memorial Chapel dahil sa labas pa lang, puno na ng tao ang kalye at naghihintay ng mga magsisidatingang artista.
Parang walang namatay para sa mga nandoon at nagmistulang fiesta para sa kanila na kapag may dumarating ay nagsisigawang artista. Kasabay naming dumating sina Rainier Castillo (StarStruck Batch 1 First Prince) at ang GMA Artist Center handler na si Daryl Zamora. Ka-convoy namin si Ryza Cenon (StarStruck 2 Ultimate Female Survivor) na kasama naman ang ilang staff ng GMA-7. Halos hindi nakapasok sina Ryza at Rainier sa memorial chapel dahil kinuyog agad sila ng mga taong nagnanais makakita ng artista.
Maaga pa lang daw, nandoon na sina Aljur Abrenica (StarStruck 4 Ultimate Hunk) at ang ka-batch ni Marky na sina Iwa Moto at Gian Carlos (First Princess and Prince). Naabutan namin sa chapel sina LJ Reyes, Vaness del Moral, at Arci Muñoz ng Batch 2; sina Chariz Solomon, Mart Escudero, Prince Stefan, Stef Prescott, at Jan Manual ng Batch 4; at ang StarStruck Ultimate Female Survivor counterpart ni Marky na si Jackie Rice.
Nandoon din sina Glaiza de Castro, Jennica Garcia, Robert Villar, Tess Bomb, at Nanding Josef. Sumunod naman ang head ng GMA Artist Center na si Yda Henares at si Lou Gopez, na pareho nang nakaitim.
Nang nakapili na ng kabaong para kay Marky, pinauna na ang mga artista sa bahay ni Marky sa Sta. Isabel sa Mission Hills para hindi lalo magkagulo ang mga tao.
Nagkaroon naman ng maliit na aberya sa gate ng Mission Hills dahil walang pinapapasok na sasakyan kung kaya't nagmistulang traffic ang entrance ng subdivision. Biglaan daw kasi ang desisyon ng ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cielo na sa bahay na lang nila iburol ang anak. Ito ang bahay na napanalunan ni Marky bilang Ultimate Sole Survivor sa StarStruck. Una raw, hindi pumayag ang homeowner ng subdivision ngunit dahil sa awa sa ina, pinayagan na rin sila.
Hindi nga lang nagkaayos sa entrance ng pagkarami-raming sasakyan kung kaya't hinintay muna ng mga guwardiya ang go-signal para papasukin ang napakaraming sasakyan.
Isa lang ang naging request ng mga homeowners: limitahan ang media. Napagkasunduan na isa lang munang TV crew ang darating doon—ang Startalk. Kung may papasok mang ibang camera, lalabas muna ang staff ng Startalk para makapasok ang pangalawa.
Nandoon na sa bahay nina Marky ang ilan pang artista sa pangunguna nina JC de Vera at Rhian Ramos, na co-stars ng yumaong aktor sa La Lola. Nasa paligid din ang mga nagsisiiyakang sina Yasmien Kurdi (StarStruck 1 Ultimate Female Survivor) at Kris Bernal (StarStruck 4 Ultimate Loveteam, with Mart Escudero).
Dumating naman ang talent manager na si Leo Dominguez at ang kanyang alaga at ka-partner ni Marky sa La Lola na si Lovi Poe, na namumugto na rin ang mga mata kasama ang baguhang singer na si Chris Cayzer. Kasama nila ang isa pang manager na si Manny Valera.
Sumunod na rin si Mike Tan (StarStruck 2 Ultimate Male Survivor), na sa una ay nagpipigil pa ng luha; ang makapatid na Ehra at Michelle Madrigal; at Survivor Philippines castaway Jace Flores.
Sa mga taga-GMA-7, nangunguna si Ms. Lilybeth Rasonable; ang head ng creative team na si Jun Lana; ang mga naging executive producers at associate producers ni Marky tulad nina Helen Sese, Edlyn Tallada, Michelle Borja, at Nieva Sabit. Isa pa sa humabol ay si Jenny Donato ng GMA Artist Center na nanggaling pa sa Dasmariñas, Cavite para sa isang show roon ng kinatampukan ng ilang Kapuso stars.
Maganda, maayos, ngunit maliit ang bahay nina Marky. Sa sala inilagak ang kabaong na diretso sa pinto kung kaya't hindi puwedeng magsabay-sabay ang papasok. Sa dami ng naghihintay sa pagdating ng mga labi ni Marky, kahit kalahati nito, hindi makakapasok sa bahay nang sabay-sabay.
Alas-dos ng madaling-araw, December 8, na dumating ang karwaheng kinalalagyan ng kabaong ni Marky. Puting-puti ito na may silver at gold trimmings sa mga handle. Inayos muna muli ni Rommel Gacho si Marky bago binuksan ang pinto. Nagpahabol pa ng isang rosary ang ina ni Marky na inilagay sa kaliwang kamay nito.
Maayos ang pagkaka-makeup ng mga labi ni Marky. Suot niya ang kanyang suit na ginamit noon sa grand finals ng kanyang StarStruck season. Kapansin-pansing napakataas ng saradong kuwelyo ni Marky na takip ang kanyang leeg.
Ang unang grupong artista na pumasok sa bahay ay sina Rainier, Mike, at Ryza. Dito, hindi na napigilan ni Mike ang umiyak nang todo. Isa sa closest friends ni Marky si Mike na kasamahan din sa Station 168, ang Internet shop sa Tomas Morato kung saan sila regular na naglalaro ng online games. Sa iyak ni Mike, nagsimula na ring humagulgol ang mga nakapilang artista hindi pa man nila nakikita si Marky.
Halos wala nang iluha si LJ, na sa funeral parlor pa lang ay napansin na naming mugtong-mugto na ang mata at naduduwal na.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Dolphy advises Willie Revillame not to run for public office
- TNS National TV Ratings (Nov. 16-19): TV Patrol World and May Bukas Pa in a tight contest for primetime supremacy HOT
- Angelica Panganiban receives Hermes bag from boyfriend Derek Ramsay on her birthday
- Manny Pacquiao turns his victory party into a mini-concert
- AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven HOT
- Carla Abellana misses chance to work with Marian Rivera and Dingdong Dantes in separate projects
Elsewhere
-
Movies
20th Century Fox reveals movie lineup for 2010
Watch Charice's special appearance in Chipmunks 2: The Squeakquel.
-
Theater
PEP REVIEW: Sweeney Todd is deliciously perverse
Watch this Repertory Philippines production until December 13, 2009.
-
Fashion and Beauty
Rajo Laurel hosts cocktail party for men only
The party launched the first partnership between Wharton and Rajo Laurel.
-
Music
OPM artists aim to uplift the spirit of typhoon victims
Singers and bands from different labels will unite for the December 5 concert dubbed "Pilipino: Kaya Natin Ito."
Most Popular
- Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo
- YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman
- Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."
- Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao
- Manny Pacquiao wins by TKO over Miguel Cotto!
- Veteran actor Johnny Delgado succumbs to cancer at 61
- Joey Marquez denies tweet about mall rendezvous with Joanne Quintas; PEP releases their "holding-hands" photo
- Boy Abunda gives his take on Manny-Krista rumored affair
- Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"
- KC Concepcion would rather not support any politician openly


