PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Yllana reveals details about Martin-Pops concert in February 2009

Jomari says Pops does not want to have another baby.
by Nora Calderon
Published Dec 9, 2008
"Si Pops na ang unang nakipag-usap kay Martin noong October pa, at nagkaayos agad sila. Medyo mahal, pero hindi ako tumawad sa kanila. Pareho ang talent fee nila, walang mataas, walang mababa. And I guaranteed them na it will be the best Pops and Martin concert," says Jomari Yllana about the Martin Nievera-Pops Fernandez reunion concert that he'll co-produce.

Missing You ang title ng pre-Valentine concert nina Martin Nievera and Pops Fernandez sa February 6, 2009, sa Araneta Coliseum. It will be produced by Fearless Promotions, na pagmamay-ari ng boyfriend ni Pops na si Jomari Yllana and Congressman Ronald Singson.

Ito ang ibinalita ni Jomari sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press kahapon, December 8—ang mismong araw rin ng third anniversary nina Jomari at Pops bilang magkasintahan. Inamin din ni Jomari na magdi-dinner sila ni Pops sa Tagaytay Highlands to celebrate their anniversary as a couple.

Paano nagsimula ang pagpu-produce niya ng concert nina Pops at Martin?

"Ang totoo, gusto kong mag-produce ng concert ng isang international artist," sabi ni Jomari. "Pero alam ko hindi ko kayang magbuo ng isang concert, kaya kinuha ko si Pops as partner. Kabisado niya kung paano mag-handle ng concert, ginawa ko siyang line producer.

"During our meeting, pinag-uusapan namin kung sino ang kukunin naming international artist. Tapos nabanggit ni Pops na nagbabalak silang magkaroon ng concert ni Martin. Yun, bigla naming naisip na bakit hindi muna local artist, sila ni Martin ang ipag-produce namin ng concert. Five or six years ago pa ang huli nilang concert as Concert King and Queen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Jomari, "Si Pops na ang unang nakipag-usap kay Martin noong October pa, at nagkaayos agad sila. Medyo mahal, pero hindi ako tumawad sa kanila. Pareho ang talent fee nila, walang mataas, walang mababa. And I guaranteed them na it will be the best Pops and Martin concert.

"Naalaala ko kasi ang MaxiMedia. Hindi ba sila yung nagbibigay ng magagandang concert dito sa atin? Nagkaroon ng blank space nang hindi na sila nag-produce, kaya I want to regain that credibility. Kaya ibibigay namin ang best dito.

"Kung napanood ninyo ang Divas 4 Divas [concert nina Pops, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez], three times nito ang budget namin. Ito na siguro and pinakamahal na local production. Kinuha naming marketing arm ang Airtime Marketing and, so far, may mga pumapasok nang sponsors and advertisers."

Kung sure siyang panonoorin ng mga tao ang concert, bakit hindi Valentine show ang ginawa nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko kaya ang rent sa Araneta Coliseum," sabi ni Jomari. "Double or triple ang presyo nila pag Valentine show, kaya nag-decide kaming gawing pre-Valentine show na ito. Actually, matagal ko nang nai-reserve ang date na ‘yon."

Si Rowell Santiago ang magdidirek ng concert nina Pops at Martin. Wala rin silang guest, bagamat may participation ang mga anak nilang sina Robin at Ram.

"Ilu-launch namin si Robin," banggit ni Jomari. "Siya lang among the Nieveras ang tumutugtog ng musical instruments. Mahusay siyang tumugtog ng gitara at keyboard, at music pa ang kinukuha niya sa St. Benilde. He sounds like John Mayer.

"Ram will be involved in sketches. May LED screen kaming ilalagay dahil we want Martin and Pops travelling, at si Ram ang bahala doon."

May nagsabi kay Jomari na tuwing may concert daw sina Pops at Martin, lagi silang may kissing scene sa ending. Paano kung i-request ng mga fans na mag-kiss din sina Pops at Martin sa huli?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Okey lang ‘yon sa akin, part of the show iyon," nakangiting sagot ni Jom. "'Saka ako pa, fan ako talaga ng Pops and Martin love team."

Nag-usap na ba sila ni Martin?

"Oo naman," sagot ni Jomari. "Basta nandito siya, lagi naman kaming nag-uusap. Ang tawag ko sa kanya ‘My King.' Tawag naman niya sa akin, ‘Mr. Producer.' Nai-pictorial ko na sila ni Pops. Narito ngayon si Martin kaya tuluy-tuloy ang meetings namin. Aalis siya with Robin and Ram sa December 15, at sa January na siya babalik dito."

Paano yung balak nilang sa Las Vegas mag-Christmas?

"Dito lang ako sa Christmas, hindi ko maiwanan si Andrei [his son with ex-wife Aiko Melendez]. Baka magtanong siya na, ‘Nasaan si Dada?' at may sumagot na, ‘Wala, kasama ang girlfriend niya sa Las Vegas!'" nagbibirong wika ni Jom.

Dagdag niya, "Baka umalis din kami ni Pops after Christmas dahil gusto ko nang makipag-usap sa ilang tao na tutulong sa amin. Magkakaroon kasi ng tour ang Missing You next year sa U.S., Canada, Europe, Middle East, Hong Kong and Japan. Pero kailangan naming bumalik agad dito dahil may New Year's show si Pops sa Shangri-La Makati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman sila ni Pops ngayon?

"Wala kaming problema ni Pops," sabi ni Jomari. "Yes, nagtatalo kami tungkol sa negosyo. Iba kasi siyang mag-isip, nothing personal naman. Sa personal, hindi kami talaga nag-aaway ni Pops. Noon nga lang umalis siya for a series of shows sa States at pagbalik niya, naging busy naman siya sa preparation ng Divas 4 Divas. Naiwanan lahat sa akin ang trabaho, kaya pagod na pagod ako. Kaya bigla kong isinama si Andrei, nagpunta kami sa Punta Fuego para mag-unwind."

Paano sila naging magkaibigan ni Martin sa kabila ng ilang beses nang nag-away ang Concert King at si Pops?

"Mas may respeto kasi kami ni Martin sa isa't isa dahil naiintindihan namin ang lahat, dahil pareho ang aming pinagdaanan. Ganoon din si Pops, naiintindihan ko rin siya dahil nga napagdaanan ko na rin ang pinagdaanan niya.

"May respeto rin sa amin ang mga anak namin. Sina Robin at Ram, ‘Tito Jom' ang tawag sa akin. Si Andrei, ‘Kuya' ang tawag kay Robin, Ram ang tawag niya kay Ram, at ‘Tita Pops' kay Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, kahit sila nag-aaway, alam kong one way or the other, mag-uusap pa rin sila dahil may mga bata. Pinag-uusapan nila ang mga gastusin, lalo pa at nasa college na si Robin, at si Ram naman will graduate na from high school," kuwento ni Jomari.

Kung minsan ay napag-uusapan na nila ni Pops ang pagpapakasal, pero napag-usapan na rin ba nila ang pagkakaroon ng anak?

"Ang totoo, gusto naming magkaanak ng girl dahil pare-parehong lalaki ang mga anak namin. Pero ayaw na niya, kasi daw she'll turn 40 na rin. At ayaw ko rin naman niyang danasin ang dinanas nina Ate Vi [Vilma Santos] at Sharon [Cuneta], na para magkaanak, nagtiis silang naka-bed rest. If ever, hindi man namin pinaplano ay magkaanak pa rin kami, okey ‘yon sa amin, it's a blessing."

Speaking of Andrei, ipinagmalaki ni Jomari na isa na ring Bench model ang anak. Kasama ni Andrei sina Del-Del (anak ni Wendell Ramos) at Juliana (anak nina Richard Gomes at Lucy Torres). Ilu-launch na sila sa Bench Brats at magkakaroon din ng billboards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang bagong project si Jomari sa ABS-CBN. Pero bukod sa pagiging abala sa pre-Valentine concert nina Pops at Martin, may isa pang pinagkakaabalahan si Jom.

"Nagsusulat ako ngayon ng script para sa 2009 Metro Manila Film Festival," pagsisiwalat ni Jomari.

"Hindi ko muna ikukuwento ang story, baka may kumopya!" biro pa niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Pops na ang unang nakipag-usap kay Martin noong October pa, at nagkaayos agad sila. Medyo mahal, pero hindi ako tumawad sa kanila. Pareho ang talent fee nila, walang mataas, walang mababa. And I guaranteed them na it will be the best Pops and Martin concert," says Jomari Yllana about the Martin Nievera-Pops Fernandez reunion concert that he'll co-produce.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results