PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marky Cielo's remains moved to Baguio City for extended wake

Marky's classmates and relatives in Baguio City pay their last respects.
by Erwin Santiago
Published Dec 10, 2008
Marky Cielo's family extend the wake of the young actor in Baguio City until midnight tonight to accommodate all the people who want to see him for the last time.

Ibiniyahe kaninang ala-una y medya ng madaling-araw, December 10, ang mga labi ng pumanaw na batang aktor na si Marky Cielo mula sa kanilang tahanan sa Mission Hills Subd., Antipolo City para dalhin sana sa kanyang hometown sa Bauko, Mt. Province.

Pero hanggang ngayon ay nasa Baguio City pa rin ang mga labi ni Marky. Nabago kasi ang unang plano ng kanyang pamilya na tatlo o hanggang apat na oras lamang na pananatili roon dahil na rin sa dami ng mga taong dumagsa upang makiramay. Nagdesisyon ang pamilya ni Marky na i-extend ang public viewing hanggang mamayang hatinggabi.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali ng QTV 11 kanina, isinaalang-alang din ni Mrs. Mildred Cadaweng ang mga naging kaklase ng anak sa St. Louis University na may pasok pa at mga kamag-anak nilang nasa opisina pa. Mula sa kapilya ay inilipat ang bangkay ni Marky sa Cathedral of the Resurrection upang ma-accommodate ang mas maraming tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago sumali ng StarStruck si Marky noong 2006 ay first-year Architecture student siya sa St. Louis University.

Kumpara sa naging burol ni Marky sa kanilang tahanan sa Antipolo City, kung saan iilan lamang ang pinayagang makapasok dahil sa seguridad sa loob ng subdivision, naging maluwag naman ang ilang oras na burol ng batang aktor sa Baguio City.

Labis namang nagpapasalamat ang pamilya ni Marky sa lahat ng mga taong nakiramay sa kanila.

Kaninang umaga ay nagkaroon ng eulogy sa Cathedral of the Resurrection, kung saan pinarangalan ang naging kontribusyon ni Marky sa showbiz, kahit sa maikling panahon lamang, at sa kanyang pagmamalaki bilang isang Igorot. Kaninang hapon naman ay nagkaroon ng misa para sa kaluluwa ng yuomaong StarStruck winner.

Bukas ng madaling-araw, December 11, ay dadalhin na ang mga labi ni Marky sa Bauko, Mountain Province dahil tatlong araw na raw hinihintay ng mga kamag-anak nila roon ang pagdating ng yumaong aktor. Doon na rin ililibing si Marky, pero hindi pa sigurado ang ina ng aktor kung sa Sabado o Linggo ito gaganapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marky ay namatay noong December 7 sa murang edad na 20.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marky Cielo's family extend the wake of the young actor in Baguio City until midnight tonight to accommodate all the people who want to see him for the last time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results