news

Mart Escudero on Jennica Garcia: "Bukod sa mas gumaganda siya, may brains pa, kaya ang suwerte ko sa kanya."

by Ruel Mendoza posted on December 11, 2008  STATS: 16554 Views | 1 Comments

 

"Para kasing ang hirap mag-celebrate at maging sobrang saya kasi nabawasan kami ng kaibigan. Pero nag-iisip na kami ni Jen ng puwede naming gawin on our first anniversary. Baka kumain lang kami sa labas or manood ng sine," saya Mart Escudero about celebrating first anniversary with girlfriend Jennica Garcia.

Photo By: Noel Orsal


Very special ang date na December 26 para kina Mart Escudero at Jennica Garcia. Hindi lang kasi basta birthday ‘yon ni Jennica, who is turning 19 years old, kundi first anniversary rin nila ito ni Mart bilang magkasintahan. Sinagot ni Jennica si Mart noong nag-debut siya last year.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mart sa presscon ng Shake, Rattle & Roll X, wala pa naman daw silang plano ni Jennica para sa celebration ng kanilang relasyon. Sobrang busy raw kasi silang dalawa, tapos ay nagkataon pang namatay ang kaibigan nilang si Marky Cielo kaya medyo hinay muna sila sa kasiyahan.

"Magkakasama kasi kami nina Marky sa Boys Nxt Door," banggit ni Mart. "Noong pumasok sa cast si Jen, isa si Marky sa mahilig manukso sa amin. Kaya hindi namin siya makakalimutan ni Jen.

"Para kasing ang hirap mag-celebrate at maging sobrang saya kasi nabawasan kami ng kaibigan. Pero nag-iisip na kami ni Jen ng puwede naming gawin on our first anniversary. Baka kumain lang kami sa labas or manood ng sine. Kasi second day yun ng Metro Manila Film Festival, di ba? Pareho pa kaming nasa 'Nieves' episode ng Shake, Rattle & Roll X.

"Hindi ko lang kasi alam kay Jen kung matutuloy silang umalis ng bansa. Kasi nga sa December 27, may taping na kami for Gagambino. Parang mahirap na umalis sila na one day lang. Mag-uusap pa naman kami ni Jen tungkol sa pag-celebrate namin."

Ayon kay Mart, napansin niya na malaki na raw ang improvement ni Jennica, hindi lang sa pisikal na anyo nito kundi pati sa pag-iisip nito. Mature na raw kasi ito magsalita at kumilos kaya nagugulat siya minsan sa mga interview nito.

"Older kasi sa akin si Jen ng ilang months. Mas mauuna siyang mag-19 sa akin, e. Pero nakakatuwa siyang pakinggan kapag ini-interview siya. Marami siyang nasasagot at natutuwa ang mga nakikinig sa kanya. Bukod sa mas gumaganda siya, may brains pa, kaya ang suwerte ko sa kanya," sabay ngiti ni Mart.

NEW LOVELIFE OF JENNICA'S MOM. Nakausap din ng PEP sa press conference ng Shake, Rattle & Roll X si Jennica Garcia. Tinanong siya tungkol sa nababalitang bagong pag-ibig ng kanyang inang si Jean Garcia—ang businessman na si Jojo Manlongat.

Bagamat kasama rin sa pelikula si Jean, hindi nakarating ang aktres sa presscon dahil inabot daw ng umaga ang taping ng Gagambino sa Valenzuela City. Nagkaroon din daw ng skin allergy ang aktres kaya hindi na ito pumunta sa naturang presscon.

Kaya naman si Jennica ang sumagot sa mga tanong ng media tungkol sa balitang dine-date ngayon ng kanyang ina ang controversial ex-boyfriend ni Sunshine Dizon at ang ama ng pangalawang anak ni Angelu deLeon.

"Sa totoo lang, wala akong alam kung sino ang idine-date ni Mama ngayon," sabi ni Jennica. "Yung tungkol po diyan kay Jojo Manlongat, hindi ko pa po kasi siya nakikilala. Kung okey naman siya, ipapakilala naman siya ni Mommy sa akin, e. Pero as of this time, wala naman po siyang nababanggit sa akin tungkol sa kanya.

"Ngayon, siguro ang magandang tanungin na lang ay si Mama mismo. Kasi siya naman ang mas nakakaalam sa nangyayari sa kanya at sa lovelife niya. Ayoko namang magbigay ng kung anumang comment kasi buhay na ni Mama ‘yan."

Pero okey lang ba kay Jennica na kung kani-kanino nali-link ang kanyang ina at mostly ay sa younger men pa?

"I can't blame my mom kasi kita n'yo naman, bagets na bagets pa si Mama. Hindi na niya kasalanan na may young men na manliligaw siya. Si Mama naman, masaya siya sa mga nangyayari sa kanya, e. She works very hard and she deserves naman to have an inspiration sa trabaho. Kung sino man yung taong ‘yon, si Mama lang ang nakakaalam.

"Open naman si Mama sa akin, pero may ibang bagay na hindi muna niya sinasabi sa akin. Alam kasi niya na mapag-react ako, lalo na kung hindi ako pabor. Gano'n din naman ako, eh. I have other things naman na hindi ko muna sinasabi kay Mama. Mana ako sa kanya na madaling mag-react kapag hindi feel!" sabay tawa ni Jennica.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • princess_18yahoocom

    12/24/2009 | 05:50 PM
    i love ate jennica last year pinanood ko yung srr x eh ang ganda nya doon promise.tapos this year naman yung srr XI yung papanoorin ko...congratulations sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About