Moymoy Palaboy brothers of "Bubble Gang" are now recording artists


 
Moymoy Palaboy is composed of brothers Rodfil (left) and James Obeso (right). After gaining fame from their music videos where they lip sync famous songs, they are now certified recording artists via the soundtrack of the animated film Dayo.

Moymoy Palaboy brothers of "Bubble Gang" are now recording artists

Glen P. Sibonga

Rating


Humahataw ang career nina Moymoy Palaboy ngayon. Pagkatapos maging sikat at instant sensations sa YouTube ang tandem nina Moymoy Palaboy at Roadfill dahil sa kanilang nakatutuwang uploaded videos at magkaroon ng segments sa MTV at Bubble Gang, ngayon ay certified recording artists na sila.

 

Isa ang Moymoy Palaboy sa featured artists sa soundtrack album ng Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, ang full-length digital animated movie na entry ng Cutting Edge Productions sa 2008 Metro Manila Film Festival. Ang kanilang kantang "Kapit"—na may music video sa CD produced by Cutting Edge released by Sony-BMG Music—ay tungkol sa pagkakaibigan.

 

Bukod sa kanta ng Moymoy Palaboy, kasama rin sa Dayo album na may music video din ang theme song na "Lipad," na inawit ng international star na si Lea Salonga with the Filharmonika as conducted by Gerard Salonga, at ang rock version ng "Lipad" by Roots of Nature. Ang iba pang tracks sa Dayo soundtrack ay "Daybreak" by Juan Lunar, ""Kasalo at Kasuyo" by Noel Cabangon, at ""Pang-surprise" by Jay Durias. Nasa naturang soundtrack album din ang original music score ng Dayo, kabilang na ang "Elementalia" performed by Joey Ayala.

 

BROTHERS IN REAL LIFE. Collectively, ang tawag sa tandem nila ay Moymoy Palaboy. Pero dalawa talaga sila—sina Moymoy Palaboy at Roadfill. Ang tandem na ito ay binubuo ng magkapatid sa totoong buhay na sina James Obeso, 25 years old, at Rodfil Obeso, 23.

 

Na-interview sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 11, sa Ratsky Bar and Restaurant sa Tomas Morato Quezon City, during the launching of Dayo soundtrack album; kasabay ng presscon para sa voice talents ng mga natatanging karakter sa Dayo na kinabibilangan nina Nash Aguas, Katrina Legaspi, Nova Villa, Pocholo Gonzales, at Peque Gallaga.

 

Ano ang feeling na recording artists na sila?

 

"Hindi nga namin alam recording artists na kami, e," pakengkoy na sabi ni Moymoy Palaboy gamit ang ibang boses.

 

Naitanong tuloy ng PEP kung bakit kailangang ibahin nila ang kanilang boses gayung totoong boses nila ang ginamit nila sa recording ng "Kapit."

 

"Sa ngayon po, ganun muna ang ginagawa namin dahil nga sa Bubble Gang ay iba't ibang boses at kanta ang nili-lip sync namin. Pero darating din po ang time na gagamitin din namin ang totoong boses namin," paliwanag ni Roadfill.

 

Hindi ba sila nanibago dahil sa mga videos nila ay nagli-lyp sync lang sila, pero ngayon ay totoong boses na nila ang ginamit nila?

 

"Hindi naman. Explore lang," sagot ni Roadfill.

 

Sinabi ba sa kanila ng producers ng Dayo na gamitin nila ang totoong boses nila?

 

"Kasi nakita nila kaming kumakanta. Sabi nila, ‘Sige nga i-try natin, kumakanta pala kayo.' So, ayun, nag-recording nga kami tapos may music video pa," pahayag ni Moymoy.

 

YOUTUBE SENSATIONS. Ine-expect ba na nila na dumating ang ganitong opportunity sa kanila?

 

"Hindi, trip-trip lang naman yung ginawa namin sa YouTube, e," sabi ni Moymoy.

 

Ayon kay Roadfill, sabit lang naman daw siya at si Moymoy ang talagang may pakana ng kanilang videos sa YouTube.

 

"Pareho po kaming may account sa YouTube, pero mas nakilala nga po yung Moymoy Palaboy," ani Roadfill.

 

Natawa ang dalawa nang tanungin ng PEP kung sino na ang mas mayaman sa kanila.

 

"Hindi naman po mayaman, kumikita lang," sabi ni Moymoy. "At saka pantay lang po kami ng kinikita. Kung tutuusin nga, sa dami ng hits ng videos namin, kung piso kada isang hit, milyonaryo na siguro kami ngayon!"

 

Ayon kay Moymoy, sa lahat ng videos na kanilang in-upload, pinakamaraming hits ang "Marimar" video nila. "Tinalo ng ‘Marimar' yung ‘Wannabe' ng Spice Girls. Yung 'Marimar' nasa 4.1 million hits na!" aniya.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement