"Na-hurt ako sa kanya dahil kung ako ang
tatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan' o
‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.' Nagkaroon ng malisya ang pag
smile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako," says Marian Rivera about Karylle's answer when asked on The Buzz if Marian is pregnant.
FIRST READ ON PEP: Marian Rivera offended by Karylles pa-smile-smile
Monday, December 15, 2008
02:21 PM
Last to arrive si Marian Rivera for the second grand press conference of Desperadas 2, one of the two entries of Regal Entertainment in the 2008 Metro Manila Film Festival, at noon today, December 15, at Imperial Palace Suites.
Directed by Joel Lamangan, almost kumpleto ang cast na dumating including her four "sisters": Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, and Ogie Alcasid; pati na rin ang mga leading men nilang sina Jay-R, Christian Vasquez, TJ Trinidad, Will Devaughn, at Carlo Guevara.
Naka-cast pa rin ang paa ni Marian at doon muna siya tumuloy sa doctor niya para ayusin ito. Pag-upo ni Marian na katabi si Rufa Mae, isang unnoticed incident ang nangyari. Katapat niya ang isa sa mga beteranong manunulat na bago pa lang dumating si Marian ay may galit nang nagkukuwento sa isang insidente patungkol sa pagiging "plastikada" raw ni Marian. Nangako ang manunulat na sasabihin niya ito nang harapan sa aktres kung sakaling dumating ito.
Nagkataon naman na pagdating ni Marian, sa harap mismo ng manunulat siya napaupo sa presidential table. Nang nagkaroon sila ng eye contact, tuwirang sinabi ng manunulat, "Plastikada ka!" bago ito tumayo.
Nagulat din si Rufa Mae na nakasaksi sa pangyayari. Pero dahil nasa presidential table pa sila at tuluy-tuloy ang question-and-answer portion, hindi sila makatayo at makapagtanong-tanong.
Sa interview ni Karylle sa The Buzz kahapon, December 14, nag-smile lang ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes sa panghuling tanong ni Boy Abunda kung buntis ba si Marian. Kaya ang huling tanong kanina kay Marian sa presscon ay kung buntis nga ba siya, gaya ng mga nasusulat. (Click here to read related article .)
Ngumiti muna si Marian at dinaan sa patawa ang unang statement niya. "Puwede bang smile na lang din ang isagot ko?" aniya.
Pagkuwa'y sumagot siya nang harapan, "Hindi po ako buntis."
Patuloy niya, "Na-hurt ako sa kanya [Karylle] dahil kung ako ang tatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan' o ‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.' Nagkaroon ng malisya ang pag smile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako."
Ni minsan ay hindi binanggit ni Marian ang pangalan ni Karylle. Puro "niya" at "siya" lang ang naging pagtawag niya rito.
Dito na nagsimulang gumaralgal ang boses ni Marian at namula ang mata.
"Na-offend talaga ako," sabi niya. "Hindi naman ako tanga at lalong hindi na ako bata para magkamali ng ganoon na magpabuntis. Marami pa akong gustong mangyari sa career ko at kung mangyayari man yun, ako na ang magsasabi sa inyo. Isa pa, kung mag-boyfriend kami ni Dingdong, ako ang unang aamin dahil lahat naman ng naging boyfriend ko, naging proud ako."
Dagdag niya, "Makakasagot naman siya [Karylle] dahil may alam naman siya. Sana hindi niya na lang idinaan sa pa-smile-smile."
Mas lalong uminit ang interview nang mag-comment ang isang beteranong manunulat sa microphone na baka kaya naisip ito ni Karylle ay dahil baka raw may nangyayari na sa kanila ni Dingdong bago pa sila nagkahiwalay.
Napag-react ang napakaraming press sa statement na ito kung kaya't mabilisang pinutol ang question-and-answer. Si Marian na ang dinumog ng press.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Looking Back
Paulo Avelino admits he almost courted Jennica Garcia
Paulo moves to leading-man status via "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
-
Couples
Bong Revilla and Lani Mercado remain together despite the trials in their marriage
Lani: "Dapat alam mo kung ano ang dapat ipaglaban mo at kung ano ang hindi mo dapat ipaglaban."
-
Features
Shalani Soledad says she has a good relationship with Kris Aquino
The lady councilor thinks Kris's current issue with husband James Yap will not harm Sen. Noynoy Aquino's presidential bid.
-
Indie
Mon Confiado plays gay psychotic killer in Pilantik
This suspense thriller was supposed to be topbilled by Bb Gandanghari.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


