PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel sees lifetime partnership with Zoren Legaspi without wedding rites

Carmina's views on her personal life are mature and practical.
by Bong Godinez
Published Dec 15, 2008
TV host-actress Carmina Villarroel says that her relationship with partner Zoren Legaspi remains strong despite the absence of marriage vows. "Kasi parang wala kasing kulang, 'tsaka wala kaming anniversary. Kaya kung tinatanong ako 'gagaano na kayo katagal', hindi ko alam kasi hindi kami yong yearly we celebrate...basta para sa ‘min lifetime na 'to, so huwag na tayong magbilangan."

Hindi nakakaramdam ng pressure si Carmina Villarroel kahit pa madalas siyang tinatanong ng entertainment press kung kailan ba talaga nila balak magpakasal ng kanyang long-time partner na si Zoren Legaspi.

Last Friday, December 12, sa press conference na inihanda ng Bioderm Family Germicidal soap para kay Carmina sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, sinabi ni Carmina na bagama't hindi naman nawawala sa isip nila ni Zoren ang ideya ng pagpapakasal ay kuntento at masaya naman sila sa kanilang set-up.

"Walang balakid, walang may ayaw, walang may ganito, wala... It's just that hindi lang namin napag-usapan, it's only because we don't feel na may missing or may kulang," diretsong pahayag ni Carmina nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Alam ng publiko na dati nang ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla, subalit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa. Marami tuloy ang nag-iisip na baka tuluyan na kasing nawalan ng gana si Carmina sa seremonya ng kasal kaya umiiwas na siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi dahil sa na-traumatized ako or ganito or ganyan," mabilis na paglilinaw nito. "Di ba, hindi ka naman maghahanap kung wala ka naman dapat hanapin?"

Aminado si Carmina na at the age of 33 ay mas praktikal na ang domestic views niya, hindi katulad noong mas bata pa siya at dalaga. Kung sakali man nga raw na ikasal sila ni Zoren ay mas pipiliin niya na simple lang ang seremonya.

"Okay lang naman, hindi ko naman kailangan ng engrandeng ganito... Kasi kung may ganung feeling ako na typical girl na, ‘Ay, dapat naka-wedding gown ako! Dapat naka-ganito!' Kaso parang lumipas na yata 'yong ganun kasi wala naman sa 'king problema. Like what I said, hindi naman ako nakukulangan."

ZOREN AND THE GUTIERREZES. Very happy naman si Carmina dahil maganda at maayos ang relasyon ni Zoren sa pamilya ng ex-girlfriend nito na si Ruffa Gutierrez. Nagbigay kasi ng pahayag dati ang mga magulang ni Ruffa na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez na gusto nila ang ugali ni Zoren dahil likas daw itong mabait at marunong makisama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin ay long overdue na ang obserbasyon na ito, pero naiintindihan naman ni Carmina dahil pareho pang bata sina Zoren at Ruffa noong mga panahon na sila'y magkasintahan. Alam naman din ng publiko kung gaano ka-protective si Annabelle kay Ruffa noong dalaga pa ito.

"Natutuwa ako kasi nagsimula ‘yan nung gumawa sila ni Tito Eddie, ni Chard 'tsaka si Zoren ng Mulawin. Simula kasi nung project na ‘yon, dun lang sila naging close ni Tito Eddie. Imadyinin mo all this time na, siyempre although it's understandable naman na dati, bata pa sila mga ganyan. Pero ito, parang na-touch ako kasi Tito Eddie said [to Zoren] na, ‘I'm so happy we were given this chance na makatrabaho ka at makilala ka nang husto," masayang kuwento ni Carmina.

Patuloy niya, "Kasi si Zoren talaga, akala mo lang talaga parang mayabang or ganito. Pero if you really get to know him, sobrang ang bait niyan na parang bata. Unang-una, hindi kami magla-last ng ganito kung hindi ganun ang ugali niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Very proud din si Carmina dahil maayos ang relasyon nila ni Zoren sa buong Gutierrez family, kahit na may nakaraan ang kanyang partner at ang unica hija nina Annabelle at Eddie.

"Okay ‘yong friendship namin ni Ruffa," ani Carmina. "Hindi naging hadlang ‘yong pagiging ex nila. So kahit na magkakasama kami, walang selos, walang ilangan. Kaya nga every time, kahit intimate party lang sa Gutierrez, we're always invited kaya sobrang na-appreciate ko talaga. At least, nakilala na nila yong totoong Zoren."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-actress Carmina Villarroel says that her relationship with partner Zoren Legaspi remains strong despite the absence of marriage vows. "Kasi parang wala kasing kulang, 'tsaka wala kaming anniversary. Kaya kung tinatanong ako 'gagaano na kayo katagal', hindi ko alam kasi hindi kami yong yearly we celebrate...basta para sa ‘min lifetime na 'to, so huwag na tayong magbilangan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results