PEP EXCLUSIVE (Part 2): Riza Santos’s mom denies breach of contract with Mint

Allan Anthony Altera
Tuesday, December 16, 2008 @ 10:58AM  |  25 views

Riza Santos may go back to Canada and stay there for good if these intrigues persist.
Photo By: Noel Orsal













"Wala kaming ginawang breach of contract!" ang walang alinlangang sabi ng ina ni Riza Santos na si Dina Santos sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Isa sa pinakamalaking isyu na kinakaharap ni Riza Santos ay ang pagkakatanggal niya bilang endorser ng isang clothing brand. Nagulat na lamang daw ang 21-year-old actress noong mapanood niya sa telebisyon na inaalis na ang kanyang billboard at inanunsiyo na si Cristine Reyes na ang pumalit sa kanya.

Ang hindi pagsipot ni Riza sa mga mall tours ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit siya pinalitan.

Nakatanggap pa nga ng demand letter ang dating Pinoy Big Brother housemate noong October 29, 2008, kung saan isinaad ni Atty. Jorge Sandiego, ang abogado ng nasabing clothing brand, ang:

"demand is given to you (Riza Santos) to pay my client the amount of pesos: Three Hundred Thousand (P 300,000.00) as compensation for expenses made in the preparation of the said mall tours and other incidental expenses."

"Hindi namin alam ang mga scheduled mall tours," ang buwelta naman ng ina ni Riza.

Dagdag pa niya, "Nagpaalam si Riza sa Viva na pupunta lang siya sa Canada for military duties in two weeks, then babalik din siya by middle of October, then magugulat na lang kami na biglang magbabago ang lahat. Di ba pag may mga scheduling ay dapat nai-inform din yung talent? Dapat na-inform din kami about it so we can at least meet halfway, pero hindi, we were not informed...Then eto, makakatanggap na lang kami bigla ng demand letter na kailangan namin magbayad for damages?"

At pagkatapos raw nilang matanggap ang demand letter ay kaagad itong nakipagpulong sa kanyang lawyer. "We decided to take legal actions na..." saad niya.

Napag-alaman din ng PEP na pagkatapos matanggap ng clothing company ang counter-proposal ng kampo ni Riza ay nagkaroon daw ng pagpupulong kasama ang may-ari ng kompanya na si Jopet Sy.

Ayon kay Mrs. Santos, "Nagkaroon kami ng meeting with Jopet last November 25 and 27 para pag-usapan ang issue at demand letters. Nakiusap kami na para lamang hindi na lumaki nang sobra ang issue, we thought of just returning the talent fee that Riza earned when she started endorsing Mint and render her service for the Mint fashion show on February 2009 for free."

Ngunit hindi daw pumayag ang kampo ni Jopet sa nasabing proposal ng ina ni Riza at iginiit na kailangan pa rin daw silang magbayad ng "reduced rate" na "P300,000.00 for Brand Reimaging mula sa original charge nitong P910,000.00+."

Ang sabi ng mommy ni Riza, "Hindi ko alam kung ano pang gusto nila kahit handa na kaming makipag-deal ng halfway pero gusto pa nila kaming magbayad. Alam mo, wala namang kaso sa akin ang magbayad lalo na kung justifiable naman. Ang aking lang, kung magbabayad ako, babayaran ko, kaso feeling ko hindi tama, eh..."

Ang lawsuit ay nai-file sa Pasig City Regional Trial Court noong December 9, 2008. Ayon dito, "Riza Santos demanded the amount of at least One Million Pesos (P 1,000.000.00) for unearned income and damages to her reputation and standing as a professional artist..."

Bago pa man natapos ang interview ay hindi na napigilang maging emotional ang mommy ni Riza. Kung siya lang daw ang masusunod, mas gusto na lang niyang bumalik sa Canada ang anak.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name