Ang sabi niya, "Alam mo, kung ako lang ang tatanungin, mas gusto ko nang bumalik na lang si Riza sa Canada kasi doon, she can go back to university and finish her studies and be normal, with no intrigues...
"Kaya lang, masyado akong nababagabag pag nakikita ko ang anak ko na sobrang stressed at malungkot about all of these intrigues lalo na, wala naman siyang laban. Ayoko na lang isipin na pinagtutulungan siya pero mukhang yun yung nangyayari, eh."
Wala pang dalawang taon simula noong tuluyan nang pasukin ng Miss Earth-Canada 2006 ang showbiz, ngunit sari-saring isyu na ang ibinato sa kanya.
Alin kaya sa iba't ibang bersiyon ng istorya ang totoo? Kung tatanungin ang ilang kaibigan o nakatrabaho na ng Kapamilya star, gaya ng FHM at Dobol Trobol, ay maganda naman ang kanilang feedback.
Subalit hindi rin naman puwedeng isantabi ang "snubbing incident" niya umano with Katrina Halili at iba pang Kapuso talents, pati na rin ang ilang report na nagsasabing may attitude problem daw ang dalaga.
Ano kaya ang kahihinatnan ng kanyang career? Iniwan nga ba siya sa ere ng Viva Artists Center? O si Riza ang nagpabaya sa mga opportunities na dumating sa kanya?




