"Matindi pa nito, may bed scene ako dito sa isang babae. Pero napakaganda ng istorya ng pelikula, kaya napapayag na rin akong gawin ang ilang eksena na tiyak na pananabikan ng lahat," says Mocha about her bed scene with another woman in Sumpa.

Photo: File photo

Kilala si Mocha bilang lead singer ng all-girl singing group na Mocha Girls. Kamakailan ay ini-release under Viva Records ang second album nila na may titulong Mocha Girls Deliciosa.

Bukod sa pag-promote ng bagong album, abala rin ang grupo sa kanilang kauna-unahang pelikula na ipalalabas sa Enero. Ang nasabing pelikula ay may pamagat na Sumpa, na isang sexy-horror movie na pinagbibidahan ng aktor na si Mark Gil at ng Star Circle Quest talent search product ng ABS-CBN na si Joross Gamboa. Si Mocha ang lead actress sa pelikula.

Aminado ang sexy singer na kaba at excitement ang naramdaman niya habang ginagawa nila ang pelikula. 

"Pinag-isipan ko talagang mabuti ito. First time ko kasing sumabak sa matinding bed scene kasama si Joross at magpakita ng maseselang parte ng katawan ko," saad ni Mocha sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Matindi pa nito," patuloy niya, "may bed scene ako dito sa isang babae. Pero napakaganda ng istorya ng pelikula, kaya napapayag na rin akong gawin ang ilang eksena na tiyak na pananabikan ng lahat."

Kasama rin sa Sumpa ang miyembro ng Mocha Girls na sina Hershey, Grace, at Bez.  At full support ang tatlo kay Mocha sa ginawang pagpapa-sexy sa pelikula. 

Ito ang maiden cinematic offering ng Yellow Media mula sa direksiyon nina Carlos Agustin at Melvin Brito.

Bukod sa sexy-horror movie na ito ni Mocha, may poster calendar din ang morenang singer-actress para sa 2009. Naglalaman ito ng sexy at daring pictures ng dalaga na siguradong gagawa ng ingay pagpasok ng taon.