Aminado ang Pinoy Idol champion na si Gretchen Espina na nasaktan din siya sa naging pahayag noon ng Philippine Idol winner na si Mau Marcelo. Ayon kasi kay Mau ay hindi deserving si Gretchen na manalo. (Click here to read related story.)
Pero ayon kay Gretchen, iginagalang niya ang opinyon ni Mau.
"May sarili siyang opinyon. Nirerespeto ko ‘yon. Pero aaminin ko, tao rin naman ako, nasasaktan din naman ako. Nandun na ‘yon, pero I do respect people's opinion.
"I already heard opinions like that. Kahit naman po siguro kahit sinong singer na sumali ng competition at nanalo, masasaktan kapag may mga ganyang isyu na lalabas, e. 'Hindi ka deserving. Nanalo ka lang dahil ganyan-ganyan,'" pahayag ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols last Sunday, December 14, sa Danny's Grill sa Timog Avenue, Quezon City.
Okay lang ba sa kanya na magkaroon sila ng showdown sa kantahan ni Mau?
"Okay lang," sagot ni Gretchen. "Sa akin kasi, ayoko siyang isipin na showdown. Mas gusto ko siyang isipin na singing with someone else. Hindi showdown, e. Mas bagay sigurong tawagin na showcase of talents. Ako kasi, honestly, sa competition kasi ng Pinoy Idol, I wasn't thinking na, 'I'm gonna beat you.' I'm not like that. Hindi po ako ganun. Sa akin kasi, just show your talent."
So, okay lang sa kanya na makatrabaho si Mau kahit na sinabihan siya na hindi siya deserving manalo?
"Okay lang. I believe... I want to believe na at a young age, professional naman po ako pagdating sa trabaho and yun naman po ang importante para magtagal sa industriya, di ba?"
WORKING WITH RAMIELE. More than the issue, mas gustong pag-usapan ni Gretchen ang tungkol sa concert nila, topbilled by Ogie Alcasid, na gaganapin sa December 20 at 21 sa Aliw Theater.
"Excited na po talaga ako!" bulalas ni Gretchen. "This is my first big concert after winning Pinoy Idol. Tapos topbilled pa ni Kuya Ogie at makakasama ko rin ang mga Idols. Kasama pa si Ramiele [Malubay] ng American Idol at ang Menaya."
Ano ang feeling na makakasama niya sa concert si Ramiele, na finalist naman ng American Idol—ang counterpart ng Pinoy Idol?
"It's really an honor, not only sa akin, but for all of us Idols. Ako kasi, sinusubaybayan ko talaga yung American Idol. Si Ramiele... We met earlier.Actually, mabait siya. I'm enjoying the time with her right now. I'm very, very excited doon sa mangyayaring concert."
Magkakaroon ba siya ng duet with Ramiele?
"Sa original list, meron. Pero I don't know yet sa final kung mapu-push through. Hopefully, sana meron para masaya, enjoy. But for sure, meron kaming group number with her and Kuya Ogie."
DEBUT ALBUM. Kinumusta rin ng PEP kay Gretchen ang ginagawa niyang debut album under Sony-BMG Music. Last time na nakausap namin si Gretchen during the first presscon ng naturang concert, sinabi niya na dalawang kanta na sa 12 tracks sa album ang natapos niyang i-record. Ano na ang update sa album niya?





