PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion clarifies report that she was seen with ex-boyfriend Lino Cayetano

KC talks about her Australian friend.
by Melba R. Llanera
Published Dec 19, 2008
"I think there's a thin line between public service and politics, showbiz is enough politics for me. Iniibig ko ang public service, pero hindi ko ginagamit yun dahil gusto kong tumakbo o gusto kong sumali sa pulitika, not at all," says KC Concepcion.

Bago pa man gawin ang For the First Time ng Star Cinema, isa sa napagkasunduan ng Star Cinema at GMA Films ay ang pagpapahiram ng ABS-CBN kay KC Concepcion para makapareha ni Richard Gutierrez sa GMA Films.

Si Joey Reyes sana ang magdidirek ng pelikulang pagtatambalan muli nina KC at Richard. Pero ilang araw lang ang lumipas ay lumabas ang balita na tuloy ang nasabing pelikula, pero hindi na si Direk Joey ang gagawa nito.

Last December 16, sa awarding ng Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) na ginanap sa Renaissance Hotel sa Makati, kinumpirma ni KC ang nasabing isyu. Ibinalita niya rin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Direk Joel Lamangan na ang magiging direktor ng pelikula nila ni Ricahrd sa GMA Films at Regal Entertainment.

"It's okay because siya naman ang nagsulat ng mga kanta sa Katy: The Musical," sabi ni KC. "So, kahit papaano, nakatrabaho ko siya. Bilang director siguro, there's a better time to work with him. Ipinaalam naman niya sa amin ni Richard na wala siyang issue at all sa mga artista, ang problema yata is between him and the production because of the creative differences. Understood naman yun, ipinaalam naman niya sa amin before pa lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I respect that, Chard respects that naman. Ngayon, ang direktor naman namin is Direk Joel Lamangan. He's somebody I've been looking forward to work with. We met last night with GMA, oky naman yung movie and we're making it sure na it would be a good one also."

Sa isyu ng script changes, kung saan lumalabas na hindi raw mapagkasunduan kung ano ang tatakbuhin ng istorya, kung sino ang aangat na bida, alam at tanggap ni KC na dumadaan talaga sa mahabang proseso ang paggawa pa lang ng isang istorya.

"Lahat naman ng pelikula, hindi n'yo lang alam, na bago pa ‘yan lumabas sa sinehan, ang dami nang pinuntahan ng mga script na ‘yan. Mapa-Star Cinema man ‘yan, mapa-Regal, mapa-Viva, o GMA... Maski saan, may mga changes sa script dahil kailangang maganda talaga," saad ni KC.

THE ROAST TURKEY. Sa mga pinagdaanang problema ng Gutierrez family—ang health problems ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, pati na ang kontrobersiya kay Richard—sinabi ng dalaga na nagkita lang sila uli ni Richard nang mag-meeting sila sa GMA Network Center para sa pelikula nila. Napag-usapan din ang tungkol sa roast turkey na ipinadala niya sa Gutierrez family na mismong si Ruffa na ang nagkuwento na nagustuhan ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkita kami sa meeting, first time na nagkita kami uli," aniya. "Sobra kaming natuwa na makita ang isa't isa uli. Sabi ko nga, Part 2, heto na naman kami uli, magkakatrabaho uli.

"I'm happy na nagustuhan nila yung roast turkey, sobra ang pasasalamat ko kay Florabel, yung friend kong chef. Talagang napakasarap ng turkey na yun because it takes one whole day para lang ma-defrost at one whole day to cook."

LINO LOOK-ALIKE. May lumabas na balita na nakita raw sa isang event sina KC at Direk Lino Cayetano together. Nabuo talaga sa isip ng iba na mukhang nagkabalikan na raw ang dalawa pagkatapos ng mag-iisang taon na rin nilang breakup. KC clarified the issue.

Paliwanag niya, "No, it's not Lino, kamukha lang siya ng friend ko. He comes from Australia. Actually, natatawa nga ako kasi magkamukha talaga sila. Nagha-hangout kami as a group, kasama ko minsan sila Piolo [Pascual] or yung mga taga-For The First Time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We text each other, but nagkaproblema yung phone ko, like two weeks na hindi siya nagwo-work. Hindi ko alam kung nagte-text siya sa last two weeks na yun. We're still in touch, we're friends."

KC'S DAD. Kumpirmado rin ang pag-alis ng bansa ng amang si Gabby Concepcion. May mga espekulasyon na sa dami raw ng mga intriga at problemang kinahaharap nito ngayon ay baka hindi na ito bumalik. Tinanong namin si KC tungkol sa ama at ano ang reaksiyon niya sa kumakalat na balita.

"There are times na hindi talaga kami nagkikita dahil may taping siya and may work din ako. Actually, work ang medyo problema. But whenever there are chances, kahit sa Greenhills, kahit nasa dalawang magkahiwalay kaming kotse, nagkikita kami just to say 'hi'. Depende yun sa kung ano ang gusto niya. Pero siguro tama na siguro munang magpahinga siya after ng lahat ng mga intriga at problema niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PUBLIC SERVICE. Sa isinigawang Clinton Global Initiative Asia, na ginanap noong December 2 and 3 sa Hong Kong, ay binigyan ng certificate of recognition si KC sa mga contribution niya as National Ambassador Against Hunger for United Nations' World Food Program.

Sa pagiging aktibo sa pagtulong sa charitable institutions at dahil nasa dugo ang pagiging pulitiko bilang isang Cuneta, tinanong namin si KC kung may plano rin ba siyang pasukin ang pulitika.

"I think there's a thin line between public service and politics, showbiz is enough politics for me. Iniibig ko ang public service, pero hindi ko ginagamit yun dahil gusto kong tumakbo o gusto kong sumali sa pulitika, not at all."

Six days from now ay Christmas na. Para sa Cuneta at Pangilinan family, isa itong malaking selebrasyon na talagang pinaghahandaan nila.

"It's my sister's birthday last December 16, birthday ng lola ko on December 31, birthday ng Mama ko [Sharon Cuneta] on January 6, so malaking selebrasyon ang Christmas for us because ang dami-daming nangyayari," ani KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think there's a thin line between public service and politics, showbiz is enough politics for me. Iniibig ko ang public service, pero hindi ko ginagamit yun dahil gusto kong tumakbo o gusto kong sumali sa pulitika, not at all," says KC Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results