Tahimik at maayos na ang pamumuhay ng Bunevacz family sa Los Angeles , California, isang taon mula nang umalis sila ng Pilipinas noong December 6, 2007.
Nagkaroon ng pagkakataon ang writer na ito na makasama ang mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez, pati na ang kanilang mga anak sa L.A., noong Thanksgiving Day.
Larawan ng isang masayang pamilya ang mag-anak at hinangaan namin sila dahil ni minsan, wala silang sinabing masama laban sa mga tao na naging dahilan ng pagbabago ng takbo ng kanilang buhay.
Ayon kay Jessica, pinatawad na nila ang mga dating
kaibigan at business partner na nag-akusa sa kanila ng mga kasalanan na anila'y hindi
nila ginawa. Inisip na lang nila na nakatakda na mangyari ang lahat dahil may
mas malaki at magandang oportunidad na naghihintay sa kanila sa ibang bansa.
Paulit-ulit ang pasasalamat ng Bunevacz family dahil sa mga magagandang biyaya na natatanggap nila.
Tapos na ang shooting ng commercial na ginawa ni Jessica at ng kanilang bunsong anak ni David na si Breanna para sa isang malaking food company. Pumayag ang production staff na makunan ng litrato ang shooting ng mag-ina para may souvenir sila.
Natapos na rin ang shooting ni Grant para sa isang international movie. Pumayag din ang production staff ng pelikula na kunan ang shooting ni Grant at ipalalabas ito mamayang hapon sa Showbiz Central.
Si Grant ang anak ni Jessica sa dating aktor na si Benedict Aquino. Legally-adopted na siya ni David kaya Joseph Grant Bunevacz na ang kanyang ginagamit na pangalan at Joseph Grant ang screen name niya sa Hollywood.
Nagugulat sina David at Jessica sa bilis ng mga pangyayari. Ni sa panaginip, hindi nila inakala na magiging artista ang kanilang mga anak at may talent ang mga bata sa pagkanta at pag-arte.
Hindi nawawalan ng audition na pinupuntahan sina Breanna at Grant dahil sila ang madalas na ipinadadala ng Hollywood agency na nagpapalakad sa kanilang showbiz career.
Kung maririnig ninyo ang singing voice ng 5-year-old daughter nina David at Jessica, tiyak na bibilib kayo dahil maganda at hindi sintunado ang boses ni Breanna. Gustung-gusto ni Breanna na umarte at idol niya ang Hannah Montana star na si Miley Cyrus.






12
det_navi
December 21, 2008
19:25 PM anu ba naman tong si jessica. international movie ng anak? ilusyunada talaga ang girl na ito. hayyy
18:01 PM mga papaitan andyan nanaman kayo... Ang ganda kasi ng lovelife at career ni Angel kaya yung mga naiingit dyan nag aampalaya nanaman...
hahahaha, korek ka diyan!...before these 2 start bragging ANOTHER VENTURE that they are invloved in, bumalik na muna sila sa Pinas at harapin ang mga kaso nila duon...and yes, dito sa states puro talaga mga auditions...and that's the agency's job to call you for auditions..that's what they are getting paid for di bah?...it doesn't mean na kung ikaw palagi ang pinapunta sa mga auditions, ikaw na ang pinakasikat...JUICE KO, napaka ilusyonada naman ng mother na 'to no?..why do they give interviews like these and pretend that we don't know anything...as if, paniwala na ang mga tao sa kanila...kung nakakalusot ang mga ILLUTIONS nilang ganito sa Pinas, wow give us some credit naman na nasa abroad kc hindi ganun kakitid ang mga utak namin 'no?? KAWAWANG MGA BATA!!