PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin clarifies report that Star Cinema wants to buy her contract from Becky Aguila

Angel talks about her sizzling love scene with leading man Piolo Pascual.
by Glen Sibonga
Published Dec 22, 2008
Angel Locsin on rumors that she is now being handled by Star Cinema's Malou Santos: "Iyon ang isa sa mga ikinagugulat ko kung saan nanggagaling yung mga ganyang isyu. Nahihiya rin naman ako kay Tita Malou, pati doon sa ibang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou. Pero hindi. Si Tita Malou lang talaga pinaka-naging contact namin noong lumipat kami. Siyempre, sa kanya kami nakikipag-coordinate. Pero si Tita Becky pa rin ang nagha-handle ng schedules ko.&am

Excited at very happy si Angel Locsin dahil ipalalabas na sa Pilipinas—sa January 15, 2009—ang first movie niya with Piolo Pascual at una niya ring pelikula under Star Cinema, Love Me Again (Land Down Under), directed by Rory Quintos. Nauna na kasing ipalabas sa Los Angeles at San Francisco ang movie nila last December 6 and 7. First time ding mangyari sa isang Filipino movie na nag-premiere sa ibang bansa bago sa Pilipinas.

Ang Love Me Again, na opening salvo ng Star Cinema sa 2009, ay kinunan sa magagandang lugar ng Bukidnon at Darwin, Australia. Ang cowboy movie na ito ay tungkol sa dalawang magkasintahang sina Arah (Angel) at Migo (Piolo) na hinamon ng tadhana, panahon, at distansiya ang tatag ng anilang pag-iibigan.

SIZZLING LOVE SCENE. Isa sa matinding napag-usapan during the presscon ng Love Me Again, na ginanap sa Annabel's restaurant last December 20, ay ang mainit na love scene nina Angel at Piolo. Kaya naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel kung wala ba silang naramdamang ilangan nang ginagawa nila ang love scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa umpisa, pero habang tumatagal okay na," sabi ni Angel. "At saka na-guide naman kaming mabuti ni Direk Rory, kaya kahit paano nakahugot na rin ako para magawa nang maayos yung eksena."

Gaano ka-sexy yung love scene?

"As in sexy. Meron pa kami ritong sayaw-sayaw na sexy. Fun siya."

Ayon kay Angel, two days ang shoot ang love scene. Bakit inabot ng ganun katagal?

"Sa dami din ng angles na kinunan," sagot niya. "At saka iba yung ginawa ni Direk, e. Actually, may kinunan kaming eksena noong umaga, tapos yung sa love scene, inabot na ng kinabukasan."

May mga pinutol daw sa love scene nila ni Piolo batay na rin sa desisyon ng Star Cinema, kahit na nga ipinaglaban ito ni Direk Rory.

"May na-trim nga doon sa love scene, maybe because nahabaan sila. Pero still, intact pa rin yung eksena, intact pa rin yung story," ani Angel.

Sinabi ba sa kanila kung gaano katagal yung natira sa na-approved na love scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na, e. Actually, curious din ako kasi doon sa two nights na ‘yon, gaano katagal yung natira doon sa love scene namin."

Ano ang naramdaman nila ni Piolo noong ginagawa nila yung love scene?

"Hayun, nagpi-feeling pro [professional] kami, para matanggal yung hiya. Nakakahiya rin naman sa partner mo na ginagawa niya kung ano yung kailangan sa eksena, tapos ikaw mag-iinarte-inarte ka, di ba? So, naging pro lang kaming dalawa."

Sa tingin ba niya tinablan ba si Piolo sa love scene nila?

"Ewan ko dun. Siya na lang ang tanungin n'yo!" natatawang sagot ni Angel.

E, siya ba ay tinablan?

"Ang masasabi ko, yun ang pinakamahabang eksenang ginawa namin, paulit-ulit. Yun ang pinakamaraming takes kasi yung kamay ko, nanginginig daw, sabi ni Direk Rory. Siguro sa tense. Tapos hahawak ka pa sa abs ni Piolo... ay!" tili niya.

Kaninong abs ang gusto niyang hawakan, ang kay Piolo o kay Luis Manzano?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Oh my God, hindi ko masasagot ‘yan! Naka-Arah [role ni Angel sa movie] mode pa ako ngayon, e. Kapag naka-Angel mode na ako, tanungin n'yo ulit ako!" biro ni Angel.

PIOLO'S GOOD QUALITIES. Ano ang magagandang qualities ni Piolo?

"Si Piolo, walang masamang tinapay ‘yan, e. Napakabait. Kapag may bonding kunwari, o bagay na naiilang siya o hindi siya comfortable, yuyuko lang ‘yan. Hindi siya magko-complain. Hindi siya magrereklamo kung ano man. Pagbibigyan niya."

As a friend, ano ang sweetest na nagawa ni Piolo para sa kanya?

"Noong nasa Darwin [Australia ] kami, kahit ang dami na niyang gamit, binibitbit pa rin niya yung mga gamit ko. E, ako nakikipag-agawan ako, kasi amazona ako, e. Pero hindi niya ako hinahayaan na kunin. Pagkita ko pa lang doon sa maleta ko sa likod, kinukuha niya agad. Bitbit niya ‘yan lahat, kahit tatlo pa yung maleta ko. Pero hindi ko naman siya ginawang taga-bitbit. Siya naman yung nagkusang magdala ng gamit ko and I appreciate it so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOVERNOR VI'S APPROVAL. Speaking of her rumored boyfriend Luis Manzano, may lumabas na balita na inimbitahan daw siya ni Batangas Governor Vilma Santos, ina ni Luis, para mag-Christmas kasama sila. How true?

"May plano kami after Christmas, pero inaayos pa, e. In-invite niya ako talaga, even my dad in-invite din niya. So, sa Christmas sa bahay lang ako kasama si Daddy," sabi ni Angel.

Grabe ang papuri sa kanya ni Gov. Vi. Ang bait-bait daw niya at hindi siya plastik. Ano ang masasabi ni Angel dito?

"Wow! Napa-flatter ako. Siya rin naman ang bait-bait sa akin, e. Yung sa pagiging plastik, ako kasi hindi ko itinatago ang nararamdaman ko, e. Pag masaya, masaya. Pag malungkot, malungkot. Pag galit, galit. Siguro kasi napakagaling na niyang artista... Kasi kapag magaling kang artista, magaling kang mag-observe e. So, siguro yung ang nao-observe niya sa akin."

Botong-boto rin daw si Gov. Vi sa kanya para kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwang isipin na may taong katulad niya na nagugustuhan ako. Thank you."

Bakit parang itinatago nila ni Luis ang relationship nila?

"Hindi naman sa itinatago," sabi ni Angel. "Hindi lang siguro kami willing na pag-usapan talaga. Kasi kapag magkasama kami, we're very happy."

Ano ang reaksiyon ni Luis sa love scene nila ni Piolo?

"Hindi pa niya napapanood, e."

Pero alam niya ba?

"Oo naman, sinabi ko sa kanya. At saka pareho naman kaming artista. Siyempre, galing din siya sa pamilya ng mga artista kaya nauunawaan niya ‘yon. Siyempre pag trabaho, trabaho."

Ano ang reaksiyon ni Angel na kay Gov. Vi na mismo nanggaling yung confirmation about her relationship with Luis?

"Hindi naman confirmation. Wala namang confirmation talaga, e. Pero napapa-smile na lang kami," sabi ng aktres.

Ano ang gift ni Luis sa kanya this Christmas?

"Hindi ko pa alam."

E, siya ano ang gift niya kay Luis?

"Ako meron na ako. Nabili ko siya sa States. Kakadating ko lang kasi galing New York. Kung ano yun, sa akin na lang. Hayaan n'yo na ako, ibibigay ko na lang. Basta something na maa-appreciate niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaano na sila katagal ni Luis?

"Hindi namin pinag-uusapan ‘yan. Hindi talaga ako sumasagot kapag tinatanong ako ng ganyan. Basta happy ako."

HAPPY WITH ABS-CBN. Kung happy ang lovelife ni Angel, happy rin daw siya sa kanyang career sa Kapamilya Network. Wala raw pagsisisi on her part na lumipat siya sa ABS-CBN from GMA.

"Happy...very happy. Kasi lahat ng ibinibigay nila sa akin yung gusto ko talagang gawin. Hindi ako nape-pressure... hindi ako napapagod. Tama lang."

Sa paglipat din ni Angel sa ABS-CBN ay saka siya nanalo ng acting award. Ano ang feeling na aktres na siya ngayong nanalo ka sa Star Awards as Best Actress in a Single Performance sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya?

"Siyempre, nakapakasarap ng feeling. Aktres na, di ba? First acting award ko ‘yon kaya talagang ipinagpapasalamat ko talaga."

Ang ganda ng treatment na ibinibigay sa kanya ng Star Cinema. Ano ang feeling about this?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapasalamat ako siyempre dahil isang malaking karangalan na mabigyan ka ng ganitong kalaking proyekto. Tapos si Direk Rory pa ang direktor, plus si Piolo pa ang kasama ko. Kaya nagpapasalamat talaga ako."

Totoo ba ang lumabas na balita na gusto raw bilhin ng ABS-CBN at Star Cinema ang kontrata niya kay Becky Aguila.

"Meron bang ganun? Ako na lang ang bayaran nila!" may halong biro na sabi ni Angel.

So, gaano katotoo na si Malou Santos na raw ng Star Cinema ang manager niya at parang lumalabas na booking agent na lang si Tita Becky?

"Iyon ang isa sa mga ikinagugulat ko kung saan nanggagaling yung mga ganyang isyu. Nahihiya rin naman ako kay Tita Malou, pati doon sa ibang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou. Pero hindi. Si Tita Malou lang talaga pinaka-naging contact namin noong lumipat kami. Siyempre, sa kanya kami nakikipag-coordinate. Pero si Tita Becky pa rin ang nagha-handle ng schedules ko," paliwanag ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RESOLVING ISSUES WITH MOTHER LILY & MS. WILMA. Kumusta na ang naging problema niya sa Regal Films?

"Okay naman siya. Wala naman ng problema," sagot ni Angel.

Nagkausap na ba sila ni Mother Lily Monteverde?

"Well, sina Tita Becky [Aguila, Angel's manager] pati yung abugado namin ang nag-aayos. Wala naman ng problema. Okay na naman. And si Mother Lily, okay naman siya, e, mabait naman siyang kausap."

Itutuloy pa ba niya yung plano niya na makipag-usap nang personal kay Mother Lily, pati na rin sa GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante?

"Oo naman! Tuma-timing lang tayo, e. Medyo sensitibong bagay kasi, e."

Pero matagal na ang nakalipas, wala pa bang tamang timing hanggang ngayon?

"Nagpadala ako ng flowers kay Mother Lily. Si Mother naman, mabait naman si Mother, e."

May lumabas na balita na nagkita raw sa isang event sina Becky at Ms. Wilma. Sabi raw ni Becky na, "Patawarin mo na ang alaga ko." Na sinagot naman daw ni Ms. Wilma ng, "Huwag kang mag-sorry sa akin. Kay Angel ka mag-sorry." Ano ang comment ni Angel dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nasabi ni Tita Becky sa akin ‘yan," sabi ni Angel. "Pero sa Belo masquerade party noon [last August], nagkita kami ni Tita Wilma. Niyakap ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Sabi ko, ‘Sorry, tita.' Tapos niyakap ko pa rin siya. Siyempre, naiintindihan ko naman yun, di ba? Basta sa akin, trabaho lang naman kasi, e. It's work naman."

Nasaktan ka ba sa naging reaksiyon sa kanya ni Ms. Wilma?

"Siyempre. Pero...wala e, ganun talaga e. Naiintindihan ko naman."

Bibigyan niya ba ng regalo si Ms. Wilma ngayong Pasko?


"Siguro sa akin na lang yun kasi hindi maganda na sa papers unang mabasa. Mas sincere pag mas private. Sa akin na lang yun."

MORE PROJECTS. Pagkatapos ng Love Me Again, may susunod na ba siyang pelikulang gagawin under Star Cinema?

"Yes, with Aga [Muhlach] po. Next year na po namin masisimulan ito," pagbabalita ni Angel.

How about a new teleserye after Lobo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Next year po may bago na kaming gagawin."

With Piolo ulit ba ito?

"Hindi po muna. I think it's with Sam [Milby] and Diet [Diether Ocampo]."

Ano ang Christmas wish niya para sa sarili niya?

"Siyempre, more good projects at saka good health."

Ano naman ang regalong gusto niyang makuha this Christmas?

"Simple lang. Gusto ko ng E-Pass sa SLEX. Kasi kapag wala kang E-Pass, pipila ka pa, di ba? So, para tuluy-tuloy na, yun ang naisip ko, E-Pass."

Ano ang New Year's resolution niya?

"Wala. Kasi siguro sa pamilya namin, hindi namin nakaugalian yung magkaroon ng New Year's resolution. Basta ang sinasabi lang ng tatay ko na, ‘O, next year pagbutihan mo pa.' Kaya tumatatak sa akin na next year mas pagbubutihan ko pa yung ginagawa ko," pagtatapos ni Angel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on rumors that she is now being handled by Star Cinema's Malou Santos: "Iyon ang isa sa mga ikinagugulat ko kung saan nanggagaling yung mga ganyang isyu. Nahihiya rin naman ako kay Tita Malou, pati doon sa ibang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou. Pero hindi. Si Tita Malou lang talaga pinaka-naging contact namin noong lumipat kami. Siyempre, sa kanya kami nakikipag-coordinate. Pero si Tita Becky pa rin ang nagha-handle ng schedules ko.&am
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results