Walang naging problema sa set ng Tayong Dalawa sina Cherry Pie Picache at Ms. Helen Gamboa, kahit na magkakontra ang mga characters na ginagampan nila sa bagong teleserye ng ABS-CBN that will start airing on January 19.
"She's a very pleasant lady, napaka-grasyosa," pahayag ni Cherry Pie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tayong Dalawa sa Annabel's resto sa may Tomas Morato Ave., Quezon City noong Sabado, January 3.
''She takes care of all of us, hindi lang yung sa cast, kundi pati na rin ang masisipag na production staff. Kaya naman we all describe her na napaka-gracious. Wala kaming problema. Pagdating naman sa trabaho, objectively, napakasarap din naman niyang katrabaho.
"Kahit nagkaroon siya ng hiatus from her craft sa industry, yung pagbalik niya, makikita mo yung fire, yung passion, yung pagmamahal niya sa trabaho. How she loves her craft and how she misses acting. Tapos nire-refine pa ang mga eksena. Yung eksena naming sampalan, ginawa namin nang mabuti," saad ni Cherry Pie about Ms. Helen.
Nagugulat lang si Cherry Pie na napupunta sa kanya ang mga ganitong klaseng role, kung saan may eksenang sampalan siya with a veteran actress. Sa Iisa Pa Lamang ay nasampal niya si Ms. Susan Roces. Dito naman sa Tayong Dalawa ay si Ms. Helen naman ang kanyang sinampal.
Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Cherry Pie si Helen, samantalang ilang beses na rin silang nagkasama sa pelikula ni Ms. Gina Pareño.
Even out of work, sinabi ni Cherry Pie na all of them look forward to the taping. With Agot Isidro and Mylene Dizon also in the cast, mas matinding bonding pa raw ang nangyayari.
MULTI-AWARDED ACTRESS. Isa si Cherry Pie sa mga most awarded-actresses sa kanyang generation. Last year ay dalawang best actress trophies ang nakamit niya mula sa Golden Screen Awards at Gawad Urian para sa pelikulang Foster Child. Hindi pa ba siya napapagod makatanggap ng acting awards?
"I think isa 'yon sa pinakamasarap na matanggap ng isang artista. Kasi you are being appreciated for the hard work you do, kaya naman masarap matanggap ng award. On acting, I really do it for my passion at kung magkakaroon ng awards, ‘yon ang isa sa pinaka-fulfilling na moment," sabi ng award-winning actress.
The past two years, hindi lang dito sa local shores, kundi maging sa international film festivals ay nagkamit din ng parangal si Cherry Pie.
"Actually, medyo napapagod na rin ako!" pabirong wika niya. "Medyo nae-embarrassed na ako. Sinasabi ko nga, okay na ako sa prestige, gusto ko rin naman ng cash ngayon. Sana ma-compensate ng cash yung prestige na nakukuha ko. Pero nae-embarrass na rin ako.
"Pero I also say na siguro, I should just accept the blessings because I know na itong part na ito ng career ko, mahihirapan na dumating ulit. The years 2007 and 2008 were very good years for me, so parang nanamnamin ko na lang ulit ang blessings.
"Unlike, si Miss Gina Pareño, for the longest time na nasa showbiz, sino ho ba ang makapagsasabi na yung nare-reap niyang awards ngayon ay darating at her age? Kaya on my part, I will just cherish the moment."
Hindi rin issue kay Cherry Pie na nominasyon lang ang kanyang makuha, hindi ang
award mismo. O kaya naman ay hindi siya nano-nominate for a film kung saan sa
palagay niya she did a good job.