"She's no longer connected," ang sabi ng sumagot sa telepono nang tumawag kaninang hapon, January 5, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Belo Medical Office sa Medical Plaza Building, Makati City, para hanapin si Princess Velasco.
Si Princess Velasco ang "missing piece" sa puzzling breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Si Princess ay dating manager sa Belo Medical Clinic at girlfriend siya ng best friend na doktor ni Hayden.
Lumitaw ang pangalan ni Princess dahil sa mga impormasyon na natanggap ng PEP matapos ipalabas ng Startalk noong Sabado, January 3, ang kanilang exclusive interview kay Hayden. Nadamay ang pangalan ni Princess dahil na rin sa mga pahayag ni Hayden at sa rebelasyon ni Butch Francisco sa Startalk na sangkot din sa breakup nina Dra. Belo at Hayden ang girlfriend ng isang doktor.
Ito ang pahayag ni Hayden sa Startalk na naging dahilan upang mabuo ang misteryo ng pagkakatuklas ni Dra. Belo sa pagiging unfaithful niya at sa discovery ng mga video sa kanyang computer laptop:
"Hindi naman po yun dahil sa isang problema lang. Ang dami na rin problema. May showbiz. May family. Problema namin ni Vicki. Problema namin ng mga kaibigan ko. Ang nangyari po kasi, may pumasok ng condo ko at kinuha na yung mga gamit. Kinuha yung hard drives ko, kinuha yung mga journals ko."
Before or after the incident?
"During...basta, pinagkaisahan na nila ako. Yung mga barkada ko, supposedly. Parang conspiracy. May ginawa akong mali sa kanya, ngayon, bumawi siya sa akin."
Paano raw nakuha ang susi?
"Binigay po ni Vicki... Kaaway ko po dahil kasalanan ko..."
Anong kasalanan yun?
"Hindi ko po puwedeng sabihin, secret po..."
Ayon sa mga impormasyon na nakalap ng PEP, niligawan at nakarelasyon diumano ni Hayden si Princess kahit alam niya na girlfriend ito ng kanyang best friend na doktor. Nalaman daw ng naturang doktor ang ginawa ni Hayden at nagkumpisal din daw si Princess kaya ipinagtapat nila kay Dra. Belo ang mga kasalanan ni Hayden.
Ang kaibigan daw ni Hayden ang nagsabi kay Dra. Belo na ebidensiya ang mga video sa laptop ni Hayden.
Sa kuwento ni Hayden sa Startalk, ipinagtapat niya na ibinigay ni Dra. Belo sa kanyang mga kabarkada ang susi ng condo, kinuha ang mga hard drive at journals niya. Ang mga video at journals ang nagsilbing ebidensiya kaya tinapos ni Dra. Belo ang kanilang relasyon at naging ugat ng suicide attempt ni Hayden.
"My Princess" ang tawag ni Hayden kay Dra. Belo. Dahil sa mga bagong impormasyon na natanggap ng PEP, lumabas na isang Princess din ang ugat ng kanilang paghihiwalay at naging susi upang malantad ang mga sikreto ni Hayden.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
78 kapusono1
haha oo nga naman!
77 remyr12
76 DimplesAndPanda
75 manilaphils
Babaero pala tong si Dr. Hayden. Well, ok na yan Dra. Vicki kesa manlalaki si doc Hayden hehehe.
Dapat pala bago binigyan ng condo ba or bahay pinalagyan na ni Dra. Vicki ng camera sa buong bahay haha.
74 palengkera
what goes around certainly comes around!
katrina's is yet to come back and bite her where it hurts.
-----------------------------------
61
merlion_25
January 5, 2009
20:59 PM Okay lang yon. May James Yap-Vicki affair namang pwedeng ipamukha si Hayden kay Vicki Belo. Kaya nga biglang umalis si Kris A. as endorser and without a VALID/CREDIBLE reason/s at all. And to think na super bestfriends ang dalawa dati. What comes around, goes around. So true and so real.
73 ink_01
72 ink_01
71 ganda_babae
70 ink_01
69 diablita
hayzz...kya ako wala akong masyadong keber sa mga istilo ng mga nanloko, nagpaloko. pare-pareho lang kayong may-akda ng isang nakakahiyang eskandalong ito.
68 kaili
67 shery
66 balugababe
65 orbitrules
being a DOCTOR is much better than being an ACTOR...
use you upper head not the lower one!...
64 merlion_25
63 caramiel
62 l8stchez
y single out Kat? eh kasi cguro, of all the girls on d video e sya yun sikat at sobrang unexpected na mag traitor kay VB.look at her now, from head to toe,sana man lang naisip nya if it wasn't bcoz of what VB did to her face and body e d sya maging 2x fhm's 1.
but still,Hayden is so eeiiiwwww...
61 bhabynueve
60 makatilabi23
59 merlion_25
more comments