news

Mylene Dizon and ex-bf Paolo Paraiso, awaiting their second baby, keep happy status quo

by Glen P. Sibonga posted on January 9, 2009  STATS: 414 Views | 58 Comments

 

"Well, ang reason naman kasi kaya hindi kami nagpapakasal is kasi hindi ko naman siya boyfriend. And I think, and I also feel na... I guess we are not right for each other. I think there is somebody else out there for Paolo. And there's somebody out there hopefully for me," says Mylene Dizon.

Photo By: Glen Sibonga

Thankful ang award-winning actress na si Mylene Dizon na sa kabila ng kanyang pagbubuntis ay nabigyan pa rin siya ng project ng ABS-CBN. Ito ay sa pamamagitan ng primetime teleserye Tayong Dalawa, na magsisimulang ipalabas sa January 19.

"Mabuti nga kinuha ako ng ABS kahit na buntis ako, lalo na't kailangan kong kumayod para sa baby ko, ‘no!" bungad ni Mylene sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Tayong Dalawa.  Nagmistulang awards night itong launching dahil sa pagbibigay-parangal sa award-winning cast ng naturang teleserye, Ito ay ginanap sa Teatrino sa Greenhills, San Juan last Wednesday, January 7.

Hindi ba siya binigyan ng follow-up project ng GMA-7 pagkatapos ng Dyesebel, kaya ngayon ay nasa ABS-CBN na siya ulit?

"Actually, I was still doing Dyesebel when they mentioned this [Tayong Dalawa] project already. And also the director of Dyesebel, si Don Michael Perez, mentioned na he wanted me to be a part of... I think it was Gagambino, but then I got pregnant nga."

Pero bakit pumayag siya sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN?

"Dito kasi puwede akong bumirit, sa Gagambino hindi ako puwedeng bumirit!" biro ni Mylene. "So, I think nawala na yung character ko sa Gagambino. Pero hindi ko rin alam, e. Na-mention lang sa akin. I'm not actually even sure if it's Gagambino nga. He [Don Michael] just mentioned this new show after Dyesebel nga, na he wanted me to be in, e.

"But this one [Tayong Dalawa], noong nag-birthday ako last September dumating si Deo [Endrinal, business unit head ng ABS-CBN], tapos sabi niya, ‘O, anong plano mo?' Tapos sabi ko, ‘Hindi ko alam, Deo. Hindi ako ready. Ayokong magpahinga, ayoko!' Dedma lang itong si Deo, wala namang sinasabi sa akin. Aba'y biruin mo nga naman, may isini-secret pala itong si Deo! Hindi sinasabi sa akin! Pa-ngiti-ngiti lang siya noong gabing ‘yon. Yun pala that time, alam na niya ang plano niya sa akin."

BREAK FROM KONTRABIDA ROLES. Hindi ba maninibago ang mga tao sa kanya sa Tayong Dalawa dahil mabait ang role niya rito at hindi ang kinasanayan ng mga tao na kontrabida role?

"I played kontrabida kasi for a long time na, e," sabi ni Mylene. "Kapag nagso-soap ako, lagi na lang akong villain. It's very refreshing to start again a new soap wherein hindi ako yung laging galit. Pero it still requires a lot of hard work to be playing my role as Loretta [mother of Kim Chiu]. Nakakapanibago sa umpisa, pero I think ano lang naman ‘yan, e, habang nagga-grind yung taping, nasasanay na lang ulit ako, nakakapag-adjust na rin ako. I think both are very difficult. Kasi halimbawa, after this bigyan na naman ako ng role na nagsusungit, alam ko mahihirapan na naman akong bumuwelo diyan, e."

Paano yung shots para hindi mahalata ang tiyan niya, especially hindi naman buntis ang role niya sa Tayong Dalawa?

"Nagsusuot ako ng maluluwag na mga damit, mga polo. Buti na lang yung role ko rito ay hindi fashionista kaya puwedeng dukha-dukhaan. At saka dinadaan na lang sa mug shots, ganyan," ani Mylene.

Hindi ba siya nahihirapan sa taping?

"Ang mahirap kasi yung hindi pa rin nawawala yung puyat. Pero pinangakuan naman ako ng cut-off [time]. So, ito ngang mga past taping days maaga-aga na rin akong nakakauwi. And I get to rest naman sa taping. Ang mahirap lang is puro iyakan. Kasi nga yung role ko rito laging umiiyak. Ang role ko nga is Loretta, ang nanay ni Kim Chiu, na hindi marunong lumaban at iiyak na lang."

Hindi ba makakasama sa baby yung lagi kang umiiyak?

"Hindi naman. Kasi hindi naman yun ang tunay na pakiramdam ko as a person. Hindi naman yung tipong paggising ko, depressed ako, pagtulog ko, depressed ako. Actually, sa set, tawa lang kami nang tawa. Wala kaming ginawa kundi tumawa. Joke time nang joke time lang lagi. Iiyak lang sa eksena, and then pagka-cut, joke ulit. Pati si Tita Anita [Linda], dyino-joke namin," kuwento ng aktres.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

58 Comments

  • 58  fairakolagi

    01/10/2009 | 06:41 PM
    Eccentric, Weird, Strange couple!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  ms_kikay

    01/10/2009 | 02:33 AM
    i like her attitude. tama nga lang bakit magpapakasal ka eh deep inside you know you're not good for each other. don't worry about what other people think basta you amp; Pao understands each other. a lot of people do it so no big deal di ba. goodluck sa 2nd baby niyo. may you be more happier.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  margiegloria

    01/10/2009 | 01:11 AM
    Egg donor? Babymaker?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  mingyi315

    01/09/2009 | 10:57 PM
    ang gulo mo naman enday.....
    magdadalawa na anak nyo pero walang love?ano yun.........
    hay ang buhay nga naman.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  aringkingking

    01/09/2009 | 10:55 PM
    well, it's their life and seems like they wanna be free to do what they wanna do and who they wanna do for all they care. tama ba ako? lolz

    so, yung sperm donorship... never mind lolz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  marielle2000

    01/09/2009 | 09:00 PM
    At least tinuloy nya, di sya nagpa abort tulad ng ibang artista dyan. Congrats Mylene and Paolo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  showbizbuddy

    01/09/2009 | 08:03 PM
    Bahala si Mylene sa buhay niya at mga anak nila. Sana lang, huwag na niyang ipagmalaki ang pinaggagawa nila kasi baka gayahin sila ng kababayan natin na wala namang ipapakain o isusustento sa mga pangangailangan ng anak. 85 million na ang population natin, utang na loob- mag-childbirth control naman tayo noh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  lupine

    01/09/2009 | 07:27 PM
    so complicated
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  h0tmama

    01/09/2009 | 07:05 PM
    sabihin na lang natin iba ang concept ni mylene sa pamilya... i dont want to sound righteous pero may pag ka twisted. pero ok lang that's what she wants eh. honestly nakakalito talaga. ang gulo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  pinaswheremyheartis

    01/09/2009 | 06:57 PM
    nakakawindang ka Mylene! taga-saang planeta ka ba? ni sa Hollywood ay walang ganyan na makipagtsuktsukan sa quot;kaibiganquot; mong lalaki lang at mabuntis ng 2 times pa. di ka dapat maging huwaran ng kabataang Pinoy o kahit anong nationality. Day, dream mo pa rin na mahanap mo ang true love mo? doubt it. sinong papatol sa babaeng 2 ang anak, tumatanda na, at out of this world ang pagiging liberated! gagawin ka lang FUBU like sa ginagawa ninyo ni Paolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  bzzdak

    01/09/2009 | 06:45 PM
    question ko lang kay mylene, what if one day biglang magbago si paolo at hindi na ito sumagot sa mga tawag niya or magpakita sa kaniya? i think by that time she will realize how important that person is in her life...like what she says lagi naman daw andyan si paolo sa tabi niya pero kung dumating ang araw na magkaanak si paolo sa ibang babae how will she feel?..
    ewan ko ang gulo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  roscotney

    01/09/2009 | 06:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  holyland08

    01/09/2009 | 05:55 PM
    nkk wendang nman ang storya n2, wlang luv s knla pero mg dalawa n anak.. hy nkkloka umikot 2loy pningin ko hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  prettygcm

    01/09/2009 | 05:22 PM
    i like her. pero i can't help but wonder kung nung time na ginawa nila yung 2nd baby, tawag g laman lang ba ang naramdaman niya nun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  sizzlingchikazz

    01/09/2009 | 05:12 PM
    ang importante maging mabuti kayong ehemplo ng mga anak ninyo.. gudluck to you mylene en paolo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  sizzlingchikazz

    01/09/2009 | 05:12 PM
    well... wala namang masama kung nagpapakatotoo lang si mylene. bkt nga sya magpepretend na masaya sya eh kungdi nga naman sya masaya? isa pa, inaalala lang din nya si paolo na baka mas may magpapasaya pa kay paolo at di sya yun..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  babsiechick

    01/09/2009 | 05:04 PM
    quot;because we dont want our children to get affected by yung mga pag-aaway ng mag-asawaquot;

    Di kayo kasal, therefore di kaya mag-asawa, and pls stop justifying what you're doing, bottom line is, di ka magandang example sa kabataan,

    sorry folks, opinion ko lang to...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  kaitlin

    01/09/2009 | 03:23 PM
    at least si mylene isa lang ang tatay. kesa ung iba, 3 or 4 anak, iba't ibang mhin. i'm not saying tama ginawa ni mylene. in a way, tama din na d dapat gaw reason ang pagapakasal dahil buntis. kase if you're not really meant for each other, mauuwi din sa hiwalayan.
    pero dapat, kasal muna bago baby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  gorgeousbebe

    01/09/2009 | 03:05 PM
    sinasabi lang ni mylene yan na ok na walang commitment sila ni paolo pero sa totoo lang gusto nya. eh siguro ayaw ni paolo kc baka pagkinasal sila hindi na siya makaka lapit sa ibang girls..ok na lang sila sa ganyang status para kahit sinong gustuhin nila e make love pwedi..KADIRI..opinion ko lng yan ha..bka awayin ako ng mga PRO Mylene n Paolo.peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  filiporean

    01/09/2009 | 02:59 PM
    Kaloka sleep over kahit d na kau..kahit may gf sya at may bf ka ganun in the end buntis ka nanaman ng walang commitment at ok lang sau ang ganyang set up..Girl ok ka lang?!then whats next 3 baby...Haizzz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About