Walong taon na ring kasal si Agot Isidro sa asawa nitong isang kilalang advertising man, si Manu Sandejas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng supling. Ito ang lagi na'y naitatanong kay Agot at mukhang mas bothered ang ibang tao dahil mukhang ito na lang ang kulang para makumpleto ang kanilang pamilya.
"Mga aso na lang ang inaalagaan namin, at sila ang mga anak namin!" natatawang sabi ni Agot nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anggulong ito.
"Seriously speaking, all the more na attentive kami sa nararamdaman ng bawat isa. Very much aware kami sa sitwasyon namin, at kailangang mas maging supportive kami sa isa't isa, kaya laging bukas ang communication lines sa amin. Happy ako dahil masuwerte ang gaya ko na hindi nababawasan yung attention na ibinibigay sa akin ng mister ko through these years, despite the fact na wala pa kaming anak. Para nga kaming laging nagha-honeymoon," kuwento ng aktres.
LIKE NEWLYWEDS. Si Agot tuloy ang "baby" na napapagdiskitahan ni Manu. Marami ang nakakakita kina Agot at Manu sa isang mall sa Alabang, at kahit sa Greenbelt, na namamasyal na para bang bagong kasal, laging magka-holding hands.
"Kasi, ganoon kami talaga," banggit ni Agot. "We're happily married. Nagkakaintindihan kami. Pati ang kakulangan namin, natanggap na namin. Pupuwedeng pag-usapan namin ang options, mag-ampon kami. Pero sa ngayon, ang importante, yung pagsasama namin. Sa ngayon, hindi namin nararamdaman na may kulang.
"Kung sa tingin namin, gusto naming subukang magkaanak uli, bakit hindi? We can try. Gusto lang namin yung sa natural na pamamaraan. May nag-suggest na i-try namin ang Invitro [fertilization], pero mas gusto namin yung normal at natural na pamamaraan ng pagbubuntis. Kaya, so far, wala sa options namin ang bagay na 'yan," naipagtapat ni Agot.
Maaaring sa ngayon ay okey lang sila, pero sa ganitong sitwasyon, may tendency raw na manghinawa ang lalaki, lalo kung hindi naman siya nabibigyan ng anak.
"Anuman kasi ang pinagdaraanan namin, maraming salamat na lang sa concern ng ibang tao. Pero ang pinakamahalaga sa amin, yung pagsasama namin, na kahit ganito ang sitwasyon, napoprotektahan pa rin namin yung relasyon.
"Ayaw naming maging negative, at isipin yung hindi maganda. Wala naman kasing problema. So far, we're okay. Kaya mas mabuting ang maging center na lang ng lahat sa amin, sa guidance ni Lord, mapanatiling masaya at maayos ang pagsasama namin ni Manu," paliwanag ni Agot.
NOT A POSSIBILITY. Hindi nga lang nakasagot agad ang aktres nang usisain namin ang magiging reaksiyon niya, kung sakali ngang magkaroon ng anak si Manu sa ibang babae.
"Ah, as in magka-affair siya sa ibang babae, at magkaanak?" balik-tanong ni Agot. "Naku, that's another story! Hindi naman yata ako papayag ng ganoon!
"It's not being selfish, pero ano ba kasi ang tama? Lagi naman kaming nag-uusap, yung sana sabihin niya kung yun ba talaga ang makapagpapasaya sa kanya sa pagsasama namin. Kung hindi naman, bakit niya gagawin yun? At bakit ako papayag?" katwiran ni Agot.
Mukhang open-minded naman ang mister niya sa sitwasyon ni Agot at nagpapaka-busy nga ito, portraying mom to Jake Cuenca in the new ABS-CBN teleserye Tayong Dalawa.
Kumbaga, tuloy ang buhay kay Agot. Kahit nga nakarating sa kanya ang balita na isa raw sa dahilan ng napapabalitang paghihiwalay nina Beth Tamayo at Johnny Wong, isang rich businessman na matagal na ring kasal kay Beth, ay yung wala rin nga raw kasi silang anak.
"Nakakalungkot naman kung isa pa yun sa naging dahilan," nasabi na lang ng aktres. "I'm not in the position to judge. Pero sana nga lang, yung ganoong sitwasyon, hindi umabot sa aming mag-asawa, na magkakahiwalay kami dahil wala kaming naging anak.
"In a way, napapag-isip ako, pero ayoko namang magpaapekto dahil diyan. Sabi ko nga, lagi kaming nag-uusap ng mister ko. Laging bukas ang puso niya para sa akin at nararamdaman ko 'yun.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
64 middleton_davywales
63 pepito25
62 sapulasaputi
61 tisay2
60 sweetposh
at sana malapit na kze she's not getting any younger..
59 palachika08
58 palachika08
57 marimarnatix
THANKS for your thoughts amp; suggestions. siguro nga stress lng, been working for almost 14 years, si hubby naman mejo stress din sa business namin. nag babakasyon naman kami pero mga few days lng, quick trip lng ika nga... hayaan mo, isasama ko yan sa mga MUST DO ko ngayong 2009. THANKS again!
BTW, any idea how much ang IVF?
56 bloosompink
55 cesyoltin
eight months later after giving birth, she got pregnant again for her second child.
54 tfcdubainumberone
i really like agot! de kalidad na artista!!
sana mgkababy ka na!! =
53 roscotney
52 roscotney
51 smurfet8
50 alexangel
i'll pray that God bless you with a child.
49 gummibear_38
48 jazzband
47 mimimay
46 mikase
45 asidik
My two friends married vowing not to have children, but they made a mistake--out came a pretty little child. Happy na rin sila. But they said early on right after they got marriedto us friends that they wanted no children. So, if they didn't have pretty li'l child, they were resolved to be happy together lang. To be with someone is a decision, yun lang.
more comments