Mylene Dizon on Paolo Paraiso: "He's my friend and he's the father of my children."

Rose Garcia
Saturday, January 10, 2009 @ 01:47AM  |  14517 views

 

"Ayoko namang magsalita ng tapos, pero I can say that I really, really care for Paolo and I do love the guy. I love him because he's a great person. He's the father of my children at talagang I know that he will forever love me and my children. But to say na siya na yung pinakamamahalin ko, I cannot say that yet," says Mylene Dizon about Paolo Paraiso.

Photo By: Enie Reyes













Sa ikalawang pagkakataon ay dinadalang muli ni Mylene Dizon ang anak nila ng dati niyang partner na si Paolo Paraiso, pero kapwa nila sinasabi na hindi pa sila nagkakabalikan. Dahil dito, marami ang hindi sumasang-ayon o hindi naiintindihan ang opinyon ni Mylene na mas gusto pa rin niyang hindi sila kasal o hindi sila magsama as couple ng ama ng mga anak niya.

Pero wika nga, sarili niyang buhay yun. Kung may maganda man kay Mylene, kaya niyang panindigan ang anumang desisyon niya sa buhay.

Natawa na lang si Mylene nang tanungin siya sa presscon ng Tayong Dalawa noong Martes, Enero 6, sa Teatrino Greenhills kung paano niya ile-label ang relationship nila ni Paolo.

"You cannot label it and I have a hard time describing it to people," sabi niya. "I think it's nice because we're not thinking of ourselves. We're thinking about our kids. Siguro marami ang nagsasabi, ‘If you're thinking about your kids, then why don't you get married?' You know, marriage is not always a solution to things like this. Kung palagi naman kayong mag-aaway, so hindi rin naman magiging masaya ang mga magulang, paano mo masasabing magiging masaya ang anak mo? 

"I think the best way para mapalaki ang bata na masaya ay yung uumpisahan mo sa honesty na mag-uumpisa sa buhay. Kung truly, masasabi mo sa mga anak mo kung ano ang saloobin mo, kung magiging honest ako, matuturuan ko siya ng honesty, at kung magiging open ako sa kanya, matuturuan ko rin siya na pagkatiwalaan ako at maging open sa akin. Then, kapag honest kami sa isa't isa, mapag-uusapan namin kung magkakaroon ba siya ng problema, later on, sa sitwasyon ng aming pamilya," paliwanag ni Mylene.

FRIENDS, NOT LOVERS. More than the label of being lovers, mas maka-categorize pa raw ni Mylene na "friends" sila ni Paolo.

"We are friends. He's my friend and he's the father of my children," pahayag ni Mylene.

Does that mean hindi niya ito kayang mahalin as the last man she will ever  love?

"Well, I cannot say that yet," maingat na sabi ni Mylene. "Ayoko namang magsalita ng tapos, pero I can say that I really, really care for Paolo and I do love the guy. I love him because he's a great person. He's the father of my children at talagang I know that he will forever love me and my children. But to say na siya na yung pinakamamahalin ko, I cannot say that yet."

Last New Year ay sila raw tatlo ni Paolo at ng anak nilang si Tomas ang magkakasama nang magkaroon sila ng trip sa Hong Kong. Financially ay masasabi raw niyang well provided naman daw sila ni Paolo.

"Every night, the only thing I wish for naman is a healthy baby," sabi ni Mylene. "Alam kong hindi ako bibigyan ni Lord ng hindi ko kakayanin. Alam ko na kung anuman itong magiging anak ko, babae or lalaki or anuman, e, kakayanin ko."

WISHING FOR ANOTHER BABY BOY. Six months and a half na ang ipinagbubuntis ni Mylene ngayon. Umpisa pa lang ng pagbubuntis niya, very vocal na si Mylene na lalaki pa rin ang gusto niyang maging anak. Although, parang naihahanda na rin daw niya ang sarili niya ngayon dahil sa dami na rin ng nagsasabing mukhang babae ang magiging anak niya.

Hindi raw siya nagpapa-ultrasound to know the gender. Mas gusto raw nilang surprise tulad noong kay Tomas.

"Pero bibigyan niya ako ng power na kayanin ko kahit babae!" natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya natatakot na one of these days, ma-in love sa ibang babae si Paolo or vice versa?  

1  2  Next »

Related Articles

46 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name