Sa ikalawang pagkakataon ay dinadalang muli ni Mylene Dizon ang anak nila ng dati niyang partner na si Paolo Paraiso, pero kapwa nila sinasabi na hindi pa sila nagkakabalikan. Dahil dito, marami ang hindi sumasang-ayon o hindi naiintindihan ang opinyon ni Mylene na mas gusto pa rin niyang hindi sila kasal o hindi sila magsama as couple ng ama ng mga anak niya.
Pero wika nga, sarili niyang buhay yun. Kung may maganda man kay Mylene, kaya niyang panindigan ang anumang desisyon niya sa buhay.
Natawa na lang si Mylene nang tanungin siya sa presscon ng Tayong Dalawa noong Martes, Enero 6, sa Teatrino Greenhills kung paano niya ile-label ang relationship nila ni Paolo.
"You cannot label it and I have a hard time describing it to people," sabi niya. "I think it's nice because we're not thinking of ourselves. We're thinking about our kids. Siguro marami ang nagsasabi, ‘If you're thinking about your kids, then why don't you get married?' You know, marriage is not always a solution to things like this. Kung palagi naman kayong mag-aaway, so hindi rin naman magiging masaya ang mga magulang, paano mo masasabing magiging masaya ang anak mo?
"I think the best way para mapalaki ang bata na masaya ay yung uumpisahan mo sa honesty na mag-uumpisa sa buhay. Kung truly, masasabi mo sa mga anak mo kung ano ang saloobin mo, kung magiging honest ako, matuturuan ko siya ng honesty, at kung magiging open ako sa kanya, matuturuan ko rin siya na pagkatiwalaan ako at maging open sa akin. Then, kapag honest kami sa isa't isa, mapag-uusapan namin kung magkakaroon ba siya ng problema, later on, sa sitwasyon ng aming pamilya," paliwanag ni Mylene.
FRIENDS, NOT LOVERS. More than the label of being lovers, mas maka-categorize pa raw ni Mylene na "friends" sila ni Paolo.
"We are friends. He's my friend and he's the father of my children," pahayag ni Mylene.
Does that mean hindi niya ito kayang mahalin as the last man she will ever love?
"Well, I cannot say that yet," maingat na sabi ni Mylene. "Ayoko namang magsalita ng tapos, pero I can say that I really, really care for Paolo and I do love the guy. I love him because he's a great person. He's the father of my children at talagang I know that he will forever love me and my children. But to say na siya na yung pinakamamahalin ko, I cannot say that yet."
Last New Year ay sila raw tatlo ni Paolo at ng anak nilang si Tomas ang magkakasama nang magkaroon sila ng trip sa Hong Kong. Financially ay masasabi raw niyang well provided naman daw sila ni Paolo.
"Every night, the only thing I wish for naman is a healthy baby," sabi ni Mylene. "Alam kong hindi ako bibigyan ni Lord ng hindi ko kakayanin. Alam ko na kung anuman itong magiging anak ko, babae or lalaki or anuman, e, kakayanin ko."
WISHING FOR ANOTHER BABY BOY. Six months and a half na ang ipinagbubuntis ni Mylene ngayon. Umpisa pa lang ng pagbubuntis niya, very vocal na si Mylene na lalaki pa rin ang gusto niyang maging anak. Although, parang naihahanda na rin daw niya ang sarili niya ngayon dahil sa dami na rin ng nagsasabing mukhang babae ang magiging anak niya.
Hindi raw siya nagpapa-ultrasound to know the gender. Mas gusto raw nilang surprise tulad noong kay Tomas.
"Pero bibigyan niya ako ng power na kayanin ko kahit babae!" natatawa niyang sabi.
Hindi ba siya natatakot na one of these days, ma-in love sa ibang babae si Paolo or vice versa?
"I cannot speak for Paolo," sagot ni Mylene. "You should ask him that. Pero sa akin naman, okey lang naman sa akin at katulad ng sinabi ko, wala akong karapatan kay Paolo. If he falls for another woman, ang hihilingin ko lang is huwag siyang mawawala para sa mga bata. At sana, kahit sinuman ang piliin niyang babae, tanggap ang mga anak niya."
Wala bang pressure sa pamilya nila ang nagsasabing bakit hindi pa sila pakasal or magsama?
"Kung meron man, hindi ko nararamdaman ang pressure. I'm sure, they wish na magkatuluyan na lang kami. But you know, that's the easy way out. Parang, ‘O, sige na nga, to please everybody, ganoon na lang. Para na lang maligayahan kayo, kami na lang.' Pero hindi ganoon yun, e."
TAYONG DALAWA. Mylene plays Loretta in ABS-CBN new primetime series Tayong Dalawa. Siya ang gumaganap na ina ni Kim Chiu sa serye. February pa raw niya planong magpahinga sa work kaya masaya siya na nabigyan pa rin siya ng ganitong project ng ABS-CBN.
"I am the mother of Kim Chiu. Kawawang-kawawa ako rito. Parang I married to Spanky Manikan's family kasi nabuntis ako ni Spanky [Manikan], at pumayag na rin ako dahil yung nanay ko sa probinsiya, may sakit at kailangan talaga namin ng pera. Kaya parang, you know, anything na kumapit na lang ako sa patalim para sa nanay ko," paglalarawan ni Mylene tungkol sa kanyang role.
Okey na ba sa kanyang gumanap na nanay ng isang young star like Kim?
"Okey lang...iniisip ko na lang, nabuntis ako run, twelve lang ako!" tawa ni Mylene.
