"Buo na ako, kahit na ano pang sabihing masama sa akin ngayon, kahit ano pang ibalik na naging problema ko before, di na ako maapektuhan kasi at peace na ako with the Lord, at peace na ako with myself, with my family.  I have nothing more to ask for but to have more work right now," says actress Dimples Romana.

Photo: Noel Orsal

Sa kabila ng maagang pagpasok sa buhay may-asawa ng aktres na si Dimples Romana, isa siya sa mga artistang hindi nawala, kundi patuloy pa ring naging visible sa mga teleserye at paggawa ng pelikula, mapa-indie man o mainstream.

 

Hindi naman dapat pagtakhan dahil kung husay ang pagbabasehan ay walang kukuwestiyon sa kakayahan ni Dimples sa iba't ibang roles na ginagampan niya. Her versatility as an actress helps her to make her niche in the business.

 

Sa nakaraang presscon ng pelikulang Love Me Again (LandDown Under) noong January 9, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dimples kung hindi ba siya nakaramdam ng kaba noon na baka hindi na siya tanggapin ng publiko dahil may asawa na siya.

 

"No," mabilis niyang tugon. "Naniniwala ako na ang mga Filipino, matatalino na, alam na nila when you're honest with them. Ako, when I got pregnant, they asked me and I said yes. I also said that I was already getting married. I'm always open about that. When we're having problems, naging honest din ako dun. When you are honest with them, naa-appreciate ng tao yun.

 

"Hindi rin ako natakot. Alam ko kasi kung ano ang mayroon ako, alam ko kung ano ang kaya kong ibigay. So dahil alam ko kung ano ang kaya kong ibigay, alam ko kung saan ako papunta. So, hindi ako nag-doubt ever. 

 

"Isa pa, ABS has been very, very good to me," patuloy niya. "I did When Love Begins, All My Life, I did Lobo... Now, I'm doing Tayong Dalawa. It's so beautiful! I'm so proud of the work I did that I couldn't wait for it to start. It only proves na kung talagang may talento ka and the people in ABS start believing in you, walang problema."

 

WHAT COMPLETES DIMPLES. For Dimples, being married to Engineer Boyet Ahmee and mom to their five-year-old daughter Cal completes her as a person.

 

"Buo na ako, kahit na ano pang sabihing masama sa akin ngayon, kahit ano pang ibalik na naging problema ko before, di na ako maapektuhan kasi at peace na ako with the Lord, at peace na ako with myself, with my family.  I have nothing more to ask for but to have more work right now.

 

"Sa totoo lang, I don't endorse early pregnancy. But to tell you frankly, I feel fulfilled now. I'm complete because the only thing that I also need now is to raise my child as a good, God-fearing person, and also to fulfill my dreams.

 

"Yun na lang because I'm happy already having a family of my own. Wala na akong kailangang plantsahin pa para sa ganitong aspeto," saad ng Star Magic contract artist.

 

Very proud din na ikinuwento ni Dimples na napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng isang responsible, supportive and understanding na asawa na laging buo ang suporta na ibinibigay sa kanya:

 

"I think the key is, my husband is really a good man. Alam mo, ang dami kong naririnig na yung mga kasama ko before, yung ibang mga artista, hindi na pinapayagan ng mga asawa nila to work, which makes me appreciate because yung asawa ko, he lets me do whatever I want to do. He knows how much I love this job, alam niya na gusto kong maging aktres. This is my craft, this is really me. 

 

"Masaya kami kasi naiintindihan niya ako. Kung sinabi niya sa akin to stop, I will because it's my duty as a wife. Asawa ako, babae ako... That's in the Bible, if your husband tells you do this, that's what will I do. I'm just very thankful that my husband is very understanding and supportive."

 

Pero gaya ng ibang mag-asawa ay dumaan din daw si Dimples at ag kanyang mister sa mga problema, gaya ng financial problem at iba pa. Grateful nga lang ang aktres na tinulungan sila ng kani-kanilang pamilya para malagpasan nila ang mga ito.

 

"Of course, we have problems, we had to start from scratch. But my husband is very supportive, my family, si Mama, his family too, talagang tinulungan nila kami mapa-financial man, mapa-spiritual, mapa-emotional...lahat yun tinulong nila sa amin. Hindi kami magiging ganitong ka-secure financially, spiritually, emotionally kundi kami tinulungan ng mga taong ito."

 

LOVE ME AGAIN. Dimples plays the role of Yna in Love Me Again, which stars Piolo Pascual and Angel Locsin. According to Dimples, isa ito sa pinakamasayang pelikula na nagawa niya. And being the opening salvo of Star Cinema for 2009, kampante siya sa quality ng pelikulang ginawa nila.

 

"Sobrang nag-enjoy ako sa movie na ito," sabi ni Dimples. "Sina Piolo and Angel [her co-stars in Lobo], lagi silang masarap kasama. They are the most genuine people I ever met in this business. Para na kaming pamilya dito. Kaya nga pag naririnig kong premiere night na on January 14, nasa-sad ako kasi after this, you move along to another project and I will surely miss them.

 

"Confident ako sa movie namin. With Direk Rory Quintos, with Tito Charlie Peralta as our cinematographger, ano ang ikakakaba ko?" ani Dimples.