PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes admits team-up with Marian Rivera is not pure "working relationship"

Dingdong has no expectations after "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang."
by Rose Garcia
Published Jan 10, 2009
"Alam n'yo, ang importante sa ngayon ay hindi muna namin iniisip yun. Kasi ayaw muna naming bigyan ng complication ang aming samahan ngayon. It's hard to say mutual if I'm the one speaking alone. Basta ako, kung ano yung sinabi ko tungkol sa kanya, yun ang sa akin," replies Dingdong Dantes when asked about the possibility of bringing his relationship with Marian Rivera to another level.

Last Tuesday, January 6, ay nag-first taping day na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa ikatlong pagsasama nila sa telenovela ng GMA-7, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sa launching ni Dingdong bilang pinakabagong endorser ng Goldilocks noong Biyernes, January 9, hindi itinago ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang excitement niya sa bagong serye na halaw sa isa sa mga obra ni Carlo J. Caparas.

"Ang character ko run, ang pangalan ko ay Homer. Isa akong mayamang businessman. Ang buhay niya ay very planned. Obsessive-compulsive siya, organized siya. Tapos, lahat ng galaw niya, de-numero, lahat naka-schedule. In other words, he lives a very boring life. Until dumating ang isang araw, pumasok literally sa kuwarto niya ang isang babae from out of nowhere at magmula noon, nabago ang buhay niya, nagulo," paglalarawan ni Dingdong sa kanyang role.

Ano ang nakikita niyang challenge sa kanyang bagong character?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ano ko run, e, parang nerd na tahimik. Usually, gusto ko yung character ko, medyo enthusiastic na ano, e... Pero parang ang hirap na parang minimal ang galaw. Kakaiba rin naman ang character ni Marian. Very exciting, hindi yung usual na nakikita nating naaapi. Siya yung dito very aggressive."

Kahit nagsimula sa komiks ang kuwento ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at naisapelikula na rin ito noon nina Vivian Velez at ng yumaong aktor na si Eddie Rodriguez, hindi raw naging ugali ni Dingdong ang manood ng orihinal na version ng mga ginagawa niyang adaptations gaya ng Marimar at Dyesebel.

"Hindi ko napanood yung movie, pero na-browse ko yung komiks at naikuwento sa akin," banggit ni Dingdong. "Ako kasi, meron akong parang palaging ginagawa kapag gumagawa ako ng remake na show. I see to it na hindi ko pinapanood yung dati. Aalamin ko lang ang kuwento, kasi ayokong gumaya sa mga dating gumanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko rin kasi na meron akong bagong interpretation, may bagong inputs ako sa character. Mas exciting lang din para sa akin ang ganoon. Kasi kapag pinanood ko, ang tendency noon, kahit papaano, baka gayahin ko. So, yun lang din ang iniiwasan ko."

FINAL TEAM-UP? Masasabi ba niyang very interesting at worth it ang ikatlong serye na pagsasamahan nila ni Marian, lalo pa nga't sinasabing this could probably be their last team-up for a long time?

"Dati naman kasi, akala ko rin naman, last na yung Marimar. Tapos, dumating yung Dyesebel. Kasi kumbaga, last minute, nasabi sa akin, ‘Uy, ikaw na sa Dyesebel ha!' So, ako, 'A, okey!' Sabay after Dyesebel, alam ko, wala na rin. Yun talaga, alam ko, sigurado wala na. Sabay dumating ulit yung Babae...

"So dito, wala na kong expectations. Kumbaga, kung ano na lang ang dumating, thank you, I'm happy for it. Pero kung anuman yung suma-tutal sa lahat ng pinagdaanan kong yun, e, very memorable lahat ng pinagdaanan namin at highlight lahat yun sa akin," pahayag ni Dingdong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaano katindi ang pressure sa kanilang dalawa ni Marian ngayon, pagkatapos maging No. 1 pareho sa ratings ang Marimar at Dyesebel?

"Siguro sa pressure and expectation, palaging nandoon...kahit na noong umpisa," sabi ng aktor. "So, ang sa amin lang, i-maintain lang namin ang aming dedication dito. Huwag lang kaming masyadong maging relax sa performance. I'm pretty sure that the momentum will still maintain its cliché."

Dagdag niya, "Mas magandang may pressure, e, mas natsa-challenge, mas maganda yung ganoon."

RELATIONSHIP WITH MARIAN. Aware si Dingdong na marami ang gustong maniwala na more than co-actors ang relasyon nila ng ka-love team niya na si Marian. Pero sa puntong ito, hindi naman daw talaga niya masasabing co-worker lang talaga ang relasyon nilang dalawa.

Aniya, "Siyempre, hindi naman puwedeng puro working relationship lang. Siyempre, merong understanding yun. Ako, throughout the month na magkasama kami, ang understanding namin sa isa't isa, e, talagang solid. Yung respect, concern, at trust ay palaging nandoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong understanding?

"The respect, understanding, at trust..."

Walang love?

"Siyempre, gaya ng pagmamahal sa lahat ng tao, lahat ng kaibigan at espesyal na tao."

So, walang special na love na puwedeng mauwi into something?

"Alam n'yo, ang importante sa ngayon ay hindi muna namin iniisip yun. Kasi ayaw muna naming bigyan ng complication ang aming samahan ngayon. It's hard to say mutual if I'm the one speaking alone. Basta ako, kung ano yung sinabi ko tungkol sa kanya, yun ang sa akin."

Pero puwedeng mauwi sa ganoon?

"Of course, ako, I'm not closing my door and, of course, I will never close my door," tahasan niyang sabi.

NO REGRETS. Tinanong ng PEP si Dingdong kung nakakaramdam ba siya ng pagsisisi sa anumang nagiging desisyon niya, like last year.

"Wala...walang-wala...wala talaga," maagap niyang sagot. "Kumbaga, buong ano yun, e, buong-puso kong ginawa ang mga dapat kong gawin. No regrets."

Looking forward daw si Dingdong sa 2009. Bukod sa bago nilang primetime series ni Marian, may naka-lineup din daw siyang pelikulang gagawin na si Direk Joyce Bernal din ang magdidirek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ano lang yung participation ko, e, minor lang," banggit niya. "Pero kumbaga, excited ako kasi isa ito sa mga exciting at malalaking project ni Joyce Bernal at nandito ako, kasama ako rito."

Bagong producer daw ang magpo-produce ng movie, pero parang mainstream din daw ang dating ng pelikula, ayon pa kay Dingdong.

"Ang alam ko, more or less, before Holy Week, dapat ay okey na siya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam n'yo, ang importante sa ngayon ay hindi muna namin iniisip yun. Kasi ayaw muna naming bigyan ng complication ang aming samahan ngayon. It's hard to say mutual if I'm the one speaking alone. Basta ako, kung ano yung sinabi ko tungkol sa kanya, yun ang sa akin," replies Dingdong Dantes when asked about the possibility of bringing his relationship with Marian Rivera to another level.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results