"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kung
magkakatotoo talaga. Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalis
ako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos," says Richard Gutierrez about the buzz that he might transfer to ABS-CBN this year.
Richard Gutierrez dismisses prediction that he will transfer to ABS-CBN this year
Sunday, January 11, 2009
09:45 PM
Nilinaw ni Richard Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya kailangang mag-elaborate pa sa kasalukyang estado nila ni KC Concepcion. Magkatambal muli sila sa pelikulang When I Met You, ang Valentine presentation ng Regal Entertainment at GMA Films.
"What you see is what you get," pagbibigay-diin ni Richard. "Ganoon naman talaga ang sitwasyon namin ni KC, e. Kung ano kami talaga, yun na yun. I must admit, KC is special to me. Parang sa mga babaeng ka-close ko, kahit maganda ang treatment ko sa iba and I keep my friendship with them, iba yung kay KC. Even during the time na hindi pa siya nag-aartista. At ako naman, hindi pa ako nagbabalik sa showbiz as a grown-up, nagkita na kami at iba ang spark."
Dagdag niya, "I should say that when I met KC, wala akong nakikitang iba sa frame. Siya lang talaga. Parang huminto ang mundo."
Hindi niya akalain na mula nang magkita sila noon sa isang party, magkukrus na nang tuluyan ang landas nila, at ngayon ay magkatambal pa sila sa pelikula.
"This is our second team-up, at bago namin narating ang una at ikalawa, we've gone through a lot," sabi ni Richard. "Hindi biro ang ginawa namin at ng managers namin para sa ganitong deal, na yung dalawang warring networks, just for us, okey sa kanila na magtulungan kahit man lang sa promo at publicity ng pelikula.
"Matagal bago maulit ito. Kailangang mapanood ng marami ang second team-up namin ni KC dahil it will take a year or more bago kami magkasama uli sa isang project. Mami-miss 'yan ng fans, at mami-miss din namin ang isa't isa sa ganoong paraan."
THE REAL SCORE. Malapit na kasi ang Valentine's Day, kaya for the record, gustong malaman ng publiko kung ano na ba talaga ang sitwasyon nina Richard at KC.
"Definitely, hindi kami loveless, that's for sure!" natatawang sabi ni Richard. "Masaya kami together. As friends, yun ang pinaka-important, that we have established something as special as this one.
"Kung ano na lang ang magta-transpire, even after our second team-up movie, actually, that's the most exciting part. There's a lot to look forward to. Para rin sa fans namin ito na alam naming totoong nagmamahal sa amin. Nariyan sila palagi to support us. Actually, gift namin ni KC ito para sa kanila."
How about yung para sa kanilang dalawa?
"Our friendship always springs out surprises. Like right now, we're about to shoot in Palawan. We all know how romantic Palawan is. Sa Star Cinema movie namin, we even went to Greece. Doon, marami ring unforgettable memories.
"This time, tiyak na marami rin kaming ikukuwento pagkatapos ng shooting namin sa Palawan. Inihahabol namin ang movie for a Valentine playdate, kaya sa mga susunod na araw, iikot ang mundo namin sa aming dalawa lang," nangingiting lahad ni Richard.
TURNING KAPAMILYA? Marami ang humuhulang sa taong ito, gagawa ng malaking desisyon ang kampo ni Richard. Baka raw lumipat na rin siya ng ABS-CBN. Ano ang masasabi niya sa hulang ito?
"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kung magkakatotoo talaga," sagot ni Richard pagkatapos mag-isip nang matagal-tagal. "Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalis ako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos.
"Masaya na kasi ako sa ganitong set-up dahi welcome ako sa Dos anytime. Hindi kailangang magpa-exclusive ako sa kanila. Kung kakayanin na mapagbigyan ko sila, gagawin ko. Kaya naman, just like what we have proven ni KC.
"Besides, committed pa rin talaga ako sa GMA-7, and I still have a new series, yung Zorro. Kaya paano ako makakaalis sa GMA-7? At saka sabi ko nga, kahit may mga problema noon, walang hindi naaayos. Nakikipag-usap kami nang maayos sa kanila kaya hindi lumalaki kung nagkakaproblema man," pagwawakas ng aktor.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
- TNS National TV Ratings (Feb. 2-7): A miraculous finale for May Bukas Pa HOT
-
Couples
Bong Revilla and Lani Mercado remain together despite the trials in their marriage
Lani: "Dapat alam mo kung ano ang dapat ipaglaban mo at kung ano ang hindi mo dapat ipaglaban."
-
PEP Finder
Cindy Kurleto happy with her life in Peru but misses Manila
The former Eat..Bulaga! mainstay is saddened by news about Francis Magalona's demise.
-
Indie
Mon Confiado plays gay psychotic killer in Pilantik
This suspense thriller was supposed to be topbilled by Bb Gandanghari.
-
Features
Shalani Soledad says she has a good relationship with Kris Aquino
The lady councilor thinks Kris's current issue with husband James Yap will not harm Sen. Noynoy Aquino's presidential bid.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Nostalgia marks Willie Revillame's 49th birthday celebration
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
- Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation
Advertisement


