Richard Gutierrez dismisses prediction that he will transfer to ABS-CBN this year

Archie de Calma
Sunday, January 11, 2009 @ 09:45PM  |  46542 views

 

"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kung magkakatotoo talaga. Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalis ako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos," says Richard Gutierrez about the buzz that he might transfer to ABS-CBN this year.

Photo By: Noel Orsal














Nilinaw ni Richard Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya kailangang mag-elaborate pa sa kasalukyang estado nila ni KC Concepcion. Magkatambal muli sila sa pelikulang When I Met You, ang   Valentine presentation ng Regal Entertainment at GMA Films. 

"What you see is what you get," pagbibigay-diin ni Richard. "Ganoon naman talaga ang sitwasyon namin ni KC, e. Kung ano kami talaga, yun na yun. I must admit, KC is special to me. Parang sa mga babaeng ka-close ko, kahit maganda ang treatment ko sa iba and I keep my friendship with them, iba yung kay KC. Even during the time na hindi pa siya nag-aartista. At ako naman, hindi pa ako nagbabalik sa showbiz as a grown-up, nagkita na kami at iba ang spark."

Dagdag niya, "I should say that when I met KC, wala akong nakikitang iba sa frame. Siya lang talaga. Parang huminto ang mundo."

Hindi niya akalain na mula nang magkita sila noon sa isang party, magkukrus na nang tuluyan ang landas nila, at ngayon ay magkatambal pa sila sa pelikula.

"This is our second team-up, at bago namin narating ang una at ikalawa, we've gone through a lot," sabi ni Richard. "Hindi biro ang ginawa namin at ng managers namin para sa ganitong deal, na yung dalawang warring networks, just for us, okey sa kanila na magtulungan kahit man lang sa promo at publicity ng pelikula.

"Matagal bago maulit ito. Kailangang mapanood ng marami ang second team-up namin ni KC dahil it will take a year or more bago kami magkasama uli sa isang project. Mami-miss 'yan ng fans, at mami-miss din namin ang isa't isa sa ganoong paraan."

THE REAL SCORE. Malapit na kasi ang Valentine's Day, kaya for the record, gustong malaman ng publiko kung ano na ba talaga ang sitwasyon nina Richard at KC.

"Definitely, hindi kami loveless, that's for sure!" natatawang sabi ni Richard. "Masaya kami together. As friends, yun ang pinaka-important, that we have established something as special as this one.

"Kung ano na lang ang magta-transpire, even after our second team-up movie, actually, that's the most exciting part. There's a lot to look forward to. Para rin sa fans namin ito na alam naming totoong nagmamahal sa amin. Nariyan sila palagi to support us. Actually, gift namin ni KC ito para sa kanila."

How about yung para sa kanilang dalawa?

"Our friendship always springs out surprises. Like right now, we're about to shoot in Palawan. We all know how romantic Palawan is. Sa Star Cinema movie namin, we even went to Greece. Doon, marami ring unforgettable memories.

"This time, tiyak na marami rin kaming ikukuwento pagkatapos ng shooting namin sa Palawan. Inihahabol namin ang movie for a Valentine playdate, kaya sa mga susunod na araw, iikot ang mundo namin sa aming dalawa lang," nangingiting lahad ni Richard.

TURNING KAPAMILYA? Marami ang humuhulang sa taong ito, gagawa ng malaking desisyon ang kampo ni Richard. Baka raw lumipat na rin siya ng ABS-CBN. Ano ang masasabi niya sa hulang ito?

"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kung magkakatotoo talaga," sagot ni Richard pagkatapos mag-isip nang matagal-tagal. "Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalis ako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos.

"Masaya na kasi ako sa ganitong set-up dahi welcome ako sa Dos anytime. Hindi kailangang magpa-exclusive ako sa kanila. Kung kakayanin na mapagbigyan ko sila, gagawin ko. Kaya naman, just like what we have proven ni KC.

1  2  Next »

Related Articles

241 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name