PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga clarifies issues that came out during the holidays

Toni laughs off rumors that she is moving to another network.
by Melba R. Llanera
Published Jan 12, 2009
"Siguro kaya may mga issue na ganyan, kasi hindi kami masyadong napagkikita. Hindi rin kami nagpapa-interview. For me kasi, I think sapat na I was honest enough to admit na I have a boyfriend, I'm committed now. Tapos hindi na ako nagpa-interview about it para hindi na nakakalkal," says Toni Gonzaga about reports that her relationship with boyfriend Paul Soriano is on the rocks.

Sa pagbabakasyon ni Toni Gonzaga, kasama ang buong pamilya, sa Amerika last holiday season, samu't saring mga intriga agad ang lumabas tungkol sa TV host-actress-singer.

Una na rito ay pagkakalabuan daw nila ng boyfriend na si Paul Soriano. Ikalawa ay ang napipintong paglipat daw ni Toni sa ibang istasyon dahil sa kakulangan ng mga proyekto na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni kahapon, January 11, sa dressing room ng ASAP '09, ay binigyang-linaw niya ang mga isyung ito.

"Regarding kay Paul," simula ni Toni, "I left na malungkot dahil hindi siya nakasama in States. But I left with a happy heart dahil may babalikan ako pag-uwi.

"Siguro kaya may mga issue na ganyan, kasi hindi kami masyadong napagkikita. Hindi rin kami nagpapa-interview. For me kasi, I think sapat na I was honest enough to admit na I have a boyfriend, I'm committed now. Tapos hindi na ako nagpa-interview about it para hindi na nakakalkal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last Friday, January 9, lang nakauwi si Toni from their vacation. Hindi nakasama sa nasabing bakasyon si Direk Paul dahil bukod sa lakad yun ng buo nilang pamilya, alam ni Toni na may sarili rin namang pamilya na dapat makasama ang boyfriend sa special occasion na yun.

"Galing kami ng L.A., New Jersey, New York," kuwento ni Toni. "Family lang, exclusive for family, it's our first White Christmas... Bonding, updating sa mga nangyayari sa amin, so talagang excited kami nun.

"Actually, gusto sana naming isama siya [Paul]. Kaya lang, siyempre Christmas and New Year is panahon para sa pamilya. Puwede naman kaming mag-spend ng Christmas namin every day."

NOT TRANSFERRING. Tungkol naman sa issue ng lipatan, sinabi ni Toni na masaya at kuntento siya sa itinatakbo ng career niya sa ABS-CBN at maging sa Star Cinema.

"Actually, natawa ako diyan kasi nasa Amerika ako nung makarating sa akin ‘yan," sabi niya. "Sa Internet ko nakita, naghahanap ako ng mga latest kasi siyempre sa E-Live [showbiz-oriented show of ABS-CBN], kailangang updated ako. Isa, dalawang write-ups, akala ko hindi mapapansin, tapos issue na pala. Siguro ganun pag medyo nagla-lie low ang isang artista, iniisip nila na baka lilipat na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako kasi, I'm very happy with ABS. More than enough ang natanggap ko from them, hindi ko in-expect. Kasi nung lumipat ako dito [from GMA-7], ang gusto ko magtrabaho lang, hindi ko in-expect na kahit papaano mabibigyan ako ng magandang treatment, magagandang shows, magagandang proyekto. So I'm very thankful sa attention and trust na naibigay nila sa akin.

"Dito, nakakuha ako ng award nung nag-host ako dito, dito naging ganap akong artista, singer. Ang gaganda ng mga pelikulang ibinigay sa akin ng Star Cinema. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magkakaroon ng sariling pelikula, pero talagang nagtiwala sila sa akin. So, talagang malaki ang utang na loob ko sa kanila."

May offer ba talaga sa kanya ang ibang istasyon?

"To be honest, hindi ko alam," sagot ni Toni. "Siguro kung mayroon man, tanungin na lang ninyo ang mommy ko [Mrs. Pinti Gonzaga]. Ako naman kasi, nagtatrabaho lang ako. Pero yung mga ganyang offers, si Mommy talaga ang nakakaalam."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Toni Gonzaga, Paul Soriano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro kaya may mga issue na ganyan, kasi hindi kami masyadong napagkikita. Hindi rin kami nagpapa-interview. For me kasi, I think sapat na I was honest enough to admit na I have a boyfriend, I'm committed now. Tapos hindi na ako nagpa-interview about it para hindi na nakakalkal," says Toni Gonzaga about reports that her relationship with boyfriend Paul Soriano is on the rocks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results