Nasa U.S. si LJ Moreno nang mapanood niya ang Pinoy Fear Factor, kung saan siya ang pang-anim na natanggal sa mga el particpante. Ayon kay LJ, bagama't matagal na nila itong ginawa, hindi raw niya maiwasang hindi pa rin malungkot nang mapanood ito.
"It's so funny because I'm in Los Angeles now. Pero nang mapanood ko nga yung elimination episode ko, na-sad pa rin ako," kuwento ni LJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal) througn the Internet.
Na-eliminate si LJ sa challenge na "inverted bungee jump." Pero nawala man siya sa Pinoy Fear Factor earlier than the six remaining participantes, worth it daw para kay LJ ang mga naging experience niya sa naturang reality show na kinunan sa Argentina.
"It was really amazing!" bulalas niya. "I thank God every morning for allowing me to be part of the show. Ang dami kong natutunan and I made some really good friends, all of us became really close, especially the last seven participantes and Jose [Sarasola]."
Si Jose ang pang-apat na na-eliminate sa kanila.
Ayon kay LJ, they were not allowed to be seen together bago mag-start ang Pinoy Fear Factor. Pero nang ma-reveal na raw ang mga participante ay dun na sila todo-gimik talaga.
Ang last challenge, kung saan siya na-eliminate, ang pinaka-hindi raw makakalimutan ni LJ.
"Yung stunt noong na-eliminate ako, up to now, I still catch myself re-enacting it in my head and trying to hold my breath, because the stunt was patagalan ng hininga habang nakabitin nang patiwarik under water! Plus the part that I had to do the stunt twice, kasi di ako nalagyan ng nose clip!"
Next week ay pauwi na rin daw siya ng Pilipinas, pero more than a month din daw siyang nakapagbakasyon at nakapag-travel sa iba't ibang lugar sa States.
"Vacation lang talaga! I went to Hawaii for a week noong December 15. Then, nag- LA to spend the holidays with my brother and mom, then Las Vegas for New Year tapos San Francisco, and some day trips to other places.
"Super ine-enjoy ko lang yung time ko, because it's my first time here in six years na single ako! So, I'm free to go anywhere na walang iniisip," lahad ni LJ.
Speaking of being single, kasama si LJ sa pelikulang Status: Single ng Viva Films, na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Rufa Mae Quinto. In real life, one year na raw unattached si LJ. Her last relationship was with Talk ‘N Text player Jimmy Alapag.






favoeite ko sya sa pff....
astig si supermanuel......
hayaan mo na ang dalawang naninira sayo
inggit lang yon sayo
ganon talaga pag may loser
Team Kapamilya ako.......
grabeh na ang mga stunt ng PFF pahirap ng pahirap,hindi dapat palagpasin bawat episode.
GMA PINOY tv parin
Sia pa naman ang gusto ko sa mga girls.Pero napapansin ko na din Jana after niang mawala. Minalas sia sa last stunt nia. Kasi ung energy nia naibuhos na nia lahat sa una pa lang.Me tech prob man, di na nia fault. Pero still sayang tlg. I believed in her more than Savana. Sayang talaga. Pero I like her attitude ha, she said na talagang hindi lang para sa kanya un. Unlike Doc Elmer and Jose na LOSER attitude. Siraan ba muna si Manuel.Porke't nangunguna sa stunt at nakakabreak ng mga FEAR FACTOR records. Hindi naman marumi maglaro si Manuel, so bakit bitter sila?