Ronnie Liang learns lesson from "crush" issue last year

Melba Llanera
Saturday, January 17, 2009 @ 08:00AM  |  9505 views

 

"Hindi na muna ako magsasalita. Siguro ‘pag nagkaroon na kami ng mutual understanding or relationship ng isang babae. Mahirap magsalita kasi minsan napi-preempt," says Ronnie Liang.

Photo By: Dennis Mendoza













Tahimik at maganda ang itinakbo ng 2008 para kay Ronnie Liang, liban sa naibato sa kanyang isyu noon dahil nabanggit niyang crush niya si Sarah Geronimo. Nag-react kasi ang Pop Princess at sinabing hindi siya naniniwala sa mga pina-publicize na pagkakagusto sa kanya.

Kasunod nito ay ang pag-amin naman ni Sarah na naging inspirasyon sa kanya ang isa niyang kasamahan sa ASAP. Kalaunan ay lumabas ang pangalan ni Rayver Cruz na pinaniniwalaang secret crush daw talaga ng singer-actress.

Sa nakaraang mini-presscon ni Ronnie ay agad na tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba nakaapekto sa samahan nila ni Sarah ang naging issue sa kanila last year.

"Di naapektuhan yung samahan, alam naman nila na sa showbiz may mga intriga talaga. Ang kagandahan kahit nung mga nakaraang Sundays sa ASAP, we always say ‘hi,' ‘hello.' We congratulate each other sa mga awards namin. At the same time din yung mga parents niya, I say, hello din. Pagbibigay-pugay sa kanila.

"Yung mga issues na yun nakatulong pa para maging mas matatag kami as artists dito sa industriya. Mas nakilala pa namin yung isa't isa."

Nasaktan ba siya noong ipahayag ni Sarah ang pagkakaroon nito ng inspirasyon na taga-ASAP?

"Wala namang masama dun, siyempre bawat isa naman nagkaka-crush talaga. Okey lang sa akin yun, sport naman ako saka hindi naman naging kami. Hinahangaan ko lang talaga siya kasi sa talento niya, mabait siya saka mapagmahal sa mga magulang niya.

"Di naman sa nasaktan o nagselos, but nalungkot lang ako dahil kung may hinahangaan ka at ‘tapos may iba palang hinahangaan, siyempre malulungkot ka rin."

Lesson na rin para kay Ronnie ang nangyari. Aniya, magiging mas maingat na siya sa kanyang mga pahayag tungkol sa kanyang damdamin o sa pakikipagrelasyon.

"Hindi na muna ako magsasalita. Siguro ‘pag nagkaroon na kami ng mutual understanding or relationship ng isang babae.  Mahirap magsalita kasi minsan napi-preempt."

Plans for a new album are on the way, ayon kay Ronnie.

"Naging maganda ang 2008 sa akin. Last December 14 nag-gold ang Ngiti ‘tapos nag-number one yung song kong "Iingatan Ka" sa mga radio stations like Love Radio, Yes FM, WRR.  Pinagkatiwalaan uli ako ng Universal. We're planning for a new album this first quarter of the year.

Ipinahayag din ni Ronnie ang wish niyang makagawa ng charity work sa darating niyang birthday.

"This coming January 31, sa birthday ko, kung sa past few years ‘pag nagbi-birthday ako, we usually do shows, this year iba siya.  We're planning to do  charity work sa mga abandoned children.  Hopefully yung mga concerts and show, March or April pa.

1  2  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name