Sa naunang interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren Legaspi at Carmina Villarroel tungkol sa kanilang pagiging celebrity family endorsers ng SM Supermalls Green Bag, nagbitaw ng pahayag si Zoren na tapos na raw ang kanilang "kasal" at "sikreto" lang diumano ito. (click here to read related story)
Dahil hindi direkta at malinaw ang sagot na ito ni Zoren, nag-followup ang PEP sa kanya at tinanong kung seryoso ba ang binitawang pahayag niya na "kasal" na nga raw sila.
"Lagi ko naman kasing sinasabi na kasal na kami. Wala lang kasing naniniwala, e. Hinahanap kasi nila yung formal agreement. So, kung hinahanap nila yung formal agreement, ipapakita namin yun very soon.
"Yeah, ever since from day one, yun naman talaga ang sinasabi ko. Pero people are looking for the formal agreement."
Tinitimbang naman ng PEP kung seryoso nga o nagbibiro lang ang aktor sa pahayag nito. Gayunpaman, tinuluy-tuloy pa rin ng PEP ang pagtatanong dito.
Maya-maya ay nilinaw na ni Zoren ang kanyang naunang pahayag.
"You know, it has not happened yet. Kasi ang... nagkakalituhan tayo. Wala pa ngang formality pero we feel that we are already [married]. So, yung formality na hinahanap ng mga tao will be done very soon."
At kung mangyari na nga ang sinasabing "formality," which PEP takes as a church wedding, kailan naman kaya ito at saan gagawin?
"Basta... baka kasi sa New York yung wedding... Hindi loko lang," sabay tawa pa ni Zoren na obviously ay nasa joking mood pa rin.
Pero diin ni Zoren, "married" na talaga sila.
"In spirit, in essence. So, talagang mag-asawa na kami. And you know for the fact na nine years, wala naman kayong nababalitaang meron akong iba or meron siyang iba. It only just proves na talagang we're bonded together. Don't worry yung hinahanap ng mga tao will be very soon," paglilinaw ni Zoren.
FAMILY MOVIE STILL NOT POSSIBLE. Very busy sa kanyang career si Carmina, how about Zoren ano ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon?
"Right now, I will be producing a film. Trial muna itong gagawin ko. It's a comedy."
Kasama ba si Carmina sa movie na ito?
"Hindi, e. Gusto ko kasi kapag idinirek ko si Mina, I want it to be very special."
Yung kambal, papasok na ba sa showbiz very soon?
"Ayaw niya [Carmina], nagagalit. Mahirap kasi talagang mag-artista."
So, hindi pa possible na magsama silang apat sa isang movie?
"Meron nga sana akong isang project sa Metro Manila Filmfest na kaming apat. Pero ayaw ni Carmina. Nagagalit. Kinalmot nga ako rito, e," biro pa ni Zoren sabay pakita ng pisngi na animo meron talagang ipinapakitang kalmot ni Carmina.
Kailan daw papayag si Carmina?
"So far, ayaw talaga. Commercial lang muna," tapos ni Zoren.
To watch the video of this inteview, visit PEParazzi. Click here .