PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Dizon willing to sacrifice showbiz career for politics

But Sunshine is excited about her new soap on GMA-7, "All About Eve."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 20, 2009
"I am giving myself ample time to really think things over and get prepared. Alam ko na hindi madali ang pasukin ang ganyang mundo. Hindi sapat ang experience lang, di ba? You really have to prove to so many people na handa ka at kaya mo ang papasukin mong mundo ng politics," says Sunshine Dizon about her plan to enter politics.

Bukod sa pagiging artista sa pelikula't telebisyon, handa na ang aktres na si Sunshine Dizon na pumasok sa iba't ibang larangan. Kaya nga hindi na ito nakapag-deny na may plano siyang pasukin ang pulitika balang-araw dahil naiibang mundo naman daw ito bukod sa showbiz world na kinalakhan niya.

Wala pa namang nabanggit si Sunshine kung saan at kung kailan niya balak tumakbo for a position in government. Inamin ng aktres na matagal na siyang may imbitasyon na tumakbo for a particular position, pero lagi naman niyang sinasabi na pag-iisipan niya nang mabuti ang lahat.

"Lahat naman tayo may gusto tayong gawing iba naman sa buhay natin," umpisa ni Sunshine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Tulad ko, I've been in showbiz since I was a little kid, and as I mature naman, I would like to try other things.

"Last year, I tried getting into culinary arts and I graduated. Ngayon, I want to take up courses na may kinalaman sa bagong papasukin ko na mundo. Gusto ko naman na handa ako at marami akong nalalaman tungkol sa politics, di ba? Para naman makita nila that I am serious with it and let's see what's going to happen. Matagal pa naman ‘yan, but I want to prepare myself for it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May imbitasyon daw si Sunshine na tumakbo para sa isang posisyon sa Iloilo at meron ding naghihikayat sa kanya rito naman sa Maynila.

"Open naman ako sa anumang possibilities, e," sabi ni Sunshine. "Kaya nga I am giving myself ample time to really think things over and get prepared. Alam ko na hindi madali ang pasukin ang ganyang mundo. Hindi sapat ang experience lang, di ba? You really have to prove to so many people na handa ka at kaya mo ang papasukin mong mundo ng politics.

"Ang rason lang naman kaya gusto ko ring subukan ito is because of public service. I've been doing charity work naman every year with my friends and my family. Since teenager pa ako, nasanay na ako sa pagpunta sa kung saan-saang lugar. Mabubukas kasi ang mga mata mo sa maraming bagay. Doon mo maiisip na you also want to help, hindi lang sa lugar na ito kundi sa iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga kailangan may mga alam din ako sa papasukin kong ‘yan. It's not easy, pero I will do my best to really cope and understand politics."

Kung kinakailangan nga raw na isakripisyo niya ulit ang mawala sa showbiz ay gagawin ni Sunshine basta matutukan lang niya nang husto ang pagpasok sa pulitika.

"Lahat naman kasi ng pasukin ko, I give it my 100 percent attention. Kung kailangan magsakripisyo ako para sa kagustuhan kong ‘yon, then gagawin ko ‘yon. Pero I am not saying kung kailan ako may plano talaga. It could be next year or sa susunod. It's all up in the air right now. Malalaman din naman ninyo kung kailan talaga. Ako na mismo ang magsasabi niyan," aniya.

ALL ABOUT EVE. Pero bago ang pulitika ay may sisimulan nang bagong drama series si Sunshine sa GMA-7. Ito ay ang local adaptation ng hit Koreanovela na All About Eve. Makakasama niya rito sina Iza Calzado, Jean Garcia, Eula Valdes, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, at Richard Gomez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May pelikula pa siyang ipalalabas under GMA Films, ang suspense-thriller na Sundo with Robin Padilla, Katrina Halili, Mark Bautista, Hero Angeles, and Rhian Ramos.

"I'm so blessed this year, kasi nga ang dami kong magiging trabaho," sambit ni Sunshine. "Matagal din kasi akong nagpahinga last year, kasi nga I got sick and may mga personal na mga problema on the side.

"Ngayon, I'm back to work and I wish na yung mga parating sumusubaybay ng mga past soap dramas ko, e, nandiyan pa rin. Maganda itong All About Eve and I am very excited about everything, kasi ang ganda ng cast namin. Parang reunion namin nila Iza, Mark, Ate Jean, and Alfred noong ginawa namin ang Impostora.

"I've also worked with Kuya Goma before sa Captain Barbell and it will be my first time naman to work with Ms. Eula Valdes. Kaya exciting, di ba? Abangan nila ‘yan kasi malapit na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Sunshine Dizon, All About Eve
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I am giving myself ample time to really think things over and get prepared. Alam ko na hindi madali ang pasukin ang ganyang mundo. Hindi sapat ang experience lang, di ba? You really have to prove to so many people na handa ka at kaya mo ang papasukin mong mundo ng politics," says Sunshine Dizon about her plan to enter politics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results