Rosanna Roces says controversial scene in "Aurora" will not be cut

Rose Garcia
Tuesday, January 20, 2009 @ 11:44AM  |  11253 views

 

"Definitely, hindi kami magpuputol! Ang gusto nila, parang i-pixilize yung scene. Ano yun, DVD copy? Parang cartoon? Hello! Hindi puwede! Hindi naman ganoong direktor din si Adolf na basta papayag," says Rosanna Roces.

Photo By: Noel Orsal














Pagkatapos ng screening ng indie film na Aurora sa UP Film Center kagabi, January 20, nagpaunlak ng ilang minuto si Rosanna Roces para makausap ng entertainment press.

Nagiging controversial ang Aurora dahil dalawang beses itong binigyan ng X-rating ng Movie Review & Television Classification Board (MTRCB). Kaya ngayon ay may plano ang direktor nito na si Adolf Alix Jr. na mag-submit ng appeal letter sa Malacañang para maipalabas sa mga sinehan ang pelikula.

Pagkatapos naming mapanood ang Aurora, kumpara sa ibang sexy films ay masasabing hindi naman maituturing na sexy o bold ang pelikula na pinagbibidahan ni Osang. Ilang segundo lang ang mashing ng boobs ni Osang ng co-star niyang si Kristoffer King.

Ano ang masasabi ni Rosanna sa bagay na ito?

"Kayo na ngayon ang magsasabi para masabing hindi ginawa ang movie para i-titillate ang mga manonood. Hindi talaga! Walang mati-titillate, di ba? So, parang kayo na ngayon ang humusga kung anong klaseng MTRCB meron tayo ngayon!" diretso niyang pahayag.

During her speech before the screening of the movie, sinabi ni Rosanna na siguro raw ay dahil sa siya ang bida ng pelikula kaya't X agad ang ibinigay na rating ng MTRCB. Was it a joke or seryoso siyang talaga sa sinabi?

"Puwede rin!" bulalas ng aktres. "Kasi, di ba, ang dami kong napanood na mas grabe pa at talagang menor de edad pa nga yung mga nagbo-bold? Lintek ang pumping! E, ito kung makikita n'yo, kakarampot nga lang ang eksena. Noong tumayo si Kristoffer King, diniliman pa ang eksena."

Dagdag niya, "Naka-panty pa ako sa eksena run! Kaya nga nakaganun [nakatakip] ang kamay ko para matakpan ang garter. So, talagang nagpaka-conservative pa ako ng lagay na yun."

Ayon kay Osang, unang beses niyang napanood nang buo ang movie kagabi. Mas nag-worry raw siya sa kung ano ang mararamdaman ng nanay niya.

"E, siyempre, first time na makakita ng suso na nilalamas-lamas!" natatawang sabi ni Osang. "Wala naman! E, siyempre, kapag may hindi maganda, unang-una, magre-react yun!"

Masasabi rin naman na dati pa niyang ipinapakita ang boobs niya.

"Naku, e, kahit ba makita! Luzon, Visayas, Mindanao nakikita na yun, di ba? Kahit nakapikit siguro, kaya na itong i-drawing ng lahat ng tao!" tawa niya ulit.

Mariin ding sinabi ni Osang na ang sigurado raw, hindi raw sila magpuputol ng anumang eksena para lang tanggalin ng MTRCB ang X na rating ng movie.

"Definitely, hindi kami magpuputol! Ang gusto nila, parang i-pixilize yung scene. Ano yun, DVD copy? Parang cartoon? Hello! Hindi puwede! Hindi naman ganoong direktor din si Adolf na basta papayag."

So, hindi sila papayag na magputol ng scene?

1  2  Next »

Related Articles

24 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name