Bati na ang rumored sweethearts na sina Angel Locsin at Luis Manzano, pero pareho nilang tinanggal ang status sa kanilang Facebook account.
"May mga problema lang ng kaunti na inaayos, pero okay na kami," deklara ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ito ang nakasaad noon sa Facebook ni Luis: Lucky is saying hi to the people checking his status :) hi :).
Magulo rin daw ang utak ni Angel nang palitan niya ang status niya sa Facebook ng "not in a relationship?"
"Wala, ano lang yun, confused lang ako nung time na yun. Nakita nga rin niya [Luis], e, tinanong nga ako. Lahat kasi, tinanggal ko—yung status, yung movies, and yung iba pang nakalagay dun, tinanggal ko."
Si Luis din daw mismo ang naglagay sa Facebook ni Angel ng "wag pong patulan :) tinangal ko lang buong status :) dont worry :)" pagkatapos i-comfort si Angel sa Facebook ng mga ibang artista gaya nina Gina Alajar at Sherilyn Reyes. Mababasa kasi roon na "no longer listed as in a relationship."
Nagsimula kasi ang balita tungkol sa breakup diumano nina Angel at Luis nang umiyak ang aktres sa song number nila ni Piolo Pascual, kaugnay ng promo ng pelikula nilang Love Me Again, sa ASAP '09 noong January 11. Nag-speculate na agad ang ibang entertainment writers na may problema sa pagitan ng magkasintahan at lumabas nga na break na sila.
False alarm din daw ang balitang may third party sa pinag-awayan nila.
"Wow naman!" ang unang reaksiyon ni Angel nang makausap naman siya sa telepono ng isa sa publicist niyang si Vinia Vivar hinggil sa bagong isyu.
Bukod dito, binigyan pa umano ng negosyante ng bahay si Angel. Ayon sa tsismis, anak daw ng negosyante ang guy at usap-usapan daw sa neighborhood ng White Plains ang ibinigay na bahay kay Angel.
"Actually, pupunta nga kami sa White Plains para hanapin ang bahay na yun!" natatawang sinabi ni Angel.
Ni wala raw siyang kilalang anak ng negosyante tulad ng itsinitsismis sa kanya. Hindi rin daw niya kilala kung sino ang tinutukoy sa mga lumalabas na balita.
Ipinagdiinan ni Angel na wala siyang nami-meet na "new friends" dahil sa sobrang busy niya.
"Sinabi ko nga agad kay Luis ‘yang bagong issue na ‘yan. Sabi ko, ‘Uy, may nagbigay daw ng bahay sa akin.' Nagtatawanan na lang kami," kuwento ni Angel.
May bulung-bulungan din na tungkol sa kasal ang pinagtatalunan daw nina Angel at Luis. Nag-o-offer na raw ng kasal si Luis, pero hindi pa raw ready si Angel.






parang naiiba na yung mukha ni angel.. kamukha na nya si risa mananquil yung socialite and model na twin sister ni raya.. there's something about angel na kakaiba... d b dati close sila ni ali sotto? hmmm... nway, personal life na nya yun..
we love you!!!
kung love nyo si dark angel, dapat susuportahan nyo siya at ipagtatanggol kahit nilalangaw ang article sa kanya.
napansin ko lang, nang tumuntong ang 2009 ang dami nang nawalang mga DA fans dito sa pep.
siguro na-realize nilang kahit anong gawin nila, LOBOG na talaga at bali na ang pakpak ni dark angel.
SHAKE NIO TV NIO! wakokok
eto oh patikim..
aabot sa 100Million ang LMA ng star cinema base sa nasaksihan ko at sa mga sinabi ng mga kaibigan ko..
kuya jerms
pilipino star
jan 18 09
hahaha congrats angel
adoboworld
January 22, 2009
05:01 AM
for sure hindi ka nakapanood dahil wala kang pera pam panood. hahaha
minsan lipat mo din yung TV sa ABS tapos antayin mo na ipakita yung mga tao napalabas ng movie house makikita mo nagsisiksikan sila palabas meaning madami talagang tao.
at ito sigurado ako sayo mas malaki yung kita ng LMA sa OTL mo.
.. well kay marian agree ako jan na puro dab comment nbbsa mo sa isyu nia
.. kya angel love your work
.. god bless