Last Friday January 16, ay ginanap ang open audition ng GMA-7 para sa gaganap na dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa Philippine adaptation ng classic swashbuckling hero na Zorro.
Isang source na nandoon sa audition ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na dinagsa ng mga artista, modelo, at aspiring actresses ang naturang audition ng GMA-7. Ito ang dahilan kaya napagdesisyunan ng pamunuan ng Kapuso network na i-extend ang audition noong Lunes, January 19, para ma-accommodate ang lahat ng gustong mag-audition.
Ayon sa aming source, ang ilan sa Kapuso stars na namataan niyang nag-audition ay sina Isabel Oli, Glaiza de Castro, at Ynna Asistio. Si Ynna ay anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro at ngayo'y mina-manage na ni Annabelle Rama.
Bukod sa Kapuso stars ay meron din daw ABS-CBN talents na pumunta sa audition. Kabilang dito ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate na si Niña Jose at ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.
Si Niña ay hindi naman nakakontrata sa Star Magic ng ABS-CBN dahil ang manager niya ay si Manny Valera, na siya ring manager ni Glaiza.
Nagulat kami sa sinabi ng aming source na pati si Alex ay nag-audition sa Zorro. Bagamat wala siyang regular show sa ABS-CBN—kung saan siya nagsimula sa programang Let's Go—ay siya naman ang host ng showbiz talk show ng TV5 na Juicy.
Isa pang source ang nakapagsabi sa PEP na isang top actress ng ABS-CBN ang nagbigay rin ng feeler para mag-audition bilang leading lady ni Richard. Pero hindi ito natuloy dahil binigyan daw ang aktres ng malaking project sa Kapamilya network.
Namataan din ng aming source na nag-audition ang dating Bb. Pilipinas-World na si Janina San Miguel.
Kuwento pa ng aming source, dalawa raw ang hinahanap ni Direk Mark Reyes para maging leading lady sa Zorro—isang mestiza para sa papel na mayaman at isang morena para naman sa papel na mahirap.
Sa ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino sa mga nag-audition ang napili para maging leading lady ni Richard. Next week pa raw kasi nila ito ipapaalam at tatawagan kung sino man ang mapipili.





three things to consider:
1 bagay sa role
2 bagay sa partner
3 pero above all dapat yung pinakamagaling umarte.
so after qualifying for 1 at 2, dapa 3 should be the final determining factor. Syempre walang general concensus but kung magaling umarte, everyone will appreciate. No matter if she's galing GMA or ABS. kaya nga nagpapa-audition, she has to be the best possible option. The missing ingredient that will make this recipe unforgettable. Kung hindi, nagaksaya lang kayo ng oras!
c michelle madrigal hindi bagay sa kanya kasi mataray ang looks nya... kaya nga mahirap na role e yung humble face...
in mestiza-rich girl... si jackie rice, ryza cenon, arci munoz, rhian ramos, or nina jose bet ko.... pero pinakagusto ko si nina kasi para new face maganda sexy at magaling umarte... jackie rice kasi pasaway parin daw til now.... idiscipline muna sarili nya.... rhian taken nya previously sa captain barbell... yung iba rehearse more!!!!
take note... action and suspense teleserye po ito.. hindi fantaserye helo!!!!!!!!!!!!!!!!!
si jackie rice!!!!
walang tatapat sa ganda!!!
morena???
hmmm...
katrina halili...
teka???
pati mga kapamilya ay nag audition???
heheheheh
mga tru-blue GMA lahat! o di ba!
no wonder nagkakandarapa ang mga actresses to team up with him. it's great exposure, dahil certified hit ang mga shows ni richard.