Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dating beauty queen na si Janina San Miguel noong November 21, 2008 ay sinabi niya na hindi siya interesadong pumasok sa showbiz.
"Huwag na po sila umasa na mag-aartista ako kasi last option ko na po ‘yon. Kahit ang daming nag-offer, ayoko po, ayoko talaga. Ngayon, mag-i-international model na lang po ako, ‘tsaka mga commercials, okay po ako dun. Pero sa showbiz, ayoko po talaga, kasi alam ko na po ‘yong kalakaran. Alam n'yo naman po ang showbiz, maraming plastik," ang eksaktong salita ni Janina noon. (Click here to read related story.)
Pero dalawang buwan lang ang nakalilipas ay tila kinain na ni Janina ang kanyang mga salita. Kagabi, January 21, ay pumirma na siya ng exclusive five-year contract sa talent management ni Manny Valera.
Sa ginanap na contract signing ay kasama raw ni Janina ang kanyang ama na si Mr. Raul San Miguel at ang kanyang tiyahin na si Ms. Juvy Paylan.
Kaninang hapon, January 22, ay nagpadala ng text message ang PEP kay Janina upang kumpirmahin kung totoo ngang nag-audition siya para sa role ng isa sa mga leading lady ni Richard Gutierrez sa upcoming GMA-7 primetime series na Zorro. (Click here to read related story.)
Imbes na sumagot sa aming text message ay pinatawag na lang niya kami sa landline na ibinigay nito.
Tanong namin agad kay Janina ay kung totoo bang nag-audition siya sa Zorro.
"Opo," sagot naman ng dating Bb. Pilipinas-World.
Dito na rin namin nalaman ang pagpirma niya ng kontrata kay Manny Valera.
"Siya na po kasi ang manager ko ngayon," banggit ng dalaga. Kasama raw sa pinirmahan niyang kontrata ang movies, TV, modeling, commercials, billboards, at iba pa.
Ayon kay Janina, tinawagan daw siya ng assistant ni Direk Manny na si Chino at ito ang nagpakilala sa kanya sa talent manager.
"Ang sabi po nila, nakuha raw po nila yung number ko sa Showbiz Central. Tapos po, ayun, tinawagan na nila ako," ani Janina.
Kuwento pa niya, "Nasa Cuyapo, Nueva Ecija po ako nun. Tapos po kinabukasan, nagkita po kami sa bahay ni Sir Manny; kasama ko po si Papa at si Tita. Marami po silang pinag-usapan para makumbinsi.
"Sinabi rin nila na hindi naman daw makakasira sa pag-aaral ko. Kasi po mag-aaral na po ako sa darating na June ng kursong B.A. Majoring in Marketing, bale tri-sem po. Nag-shift po kasi ako ng kurso, dati po Broadcast Communication po ang kurso ko."
Ano naman ang nakapagkumbinsi sa kanya na pasukin ang showbiz? Sa unang interview kasi ng PEP sa kanya ay sinabi niyang hinding-hindi siya mag-aartista.





princessconso
rt
January 25, 2009
09:31 AM quot;Majoring in Marketingquot; daw o? Melanie, , you may now retire! Or kung may sitcom, Melanie is the mom, Janina the daughter, Allysa the neighbor, Patani the maid.
....lol....nice one...
pinapainit nito ang ulo ko ay!
tsk tsk tsk!
sana girl bago ka nagsabi sa interview na last option mo na ang pag aartista eh pinag isipan mo muna ng mabuti.wala ka nalang naman yatang maisagot nung interviewhin ka ay.wag pasweet girl ha?!kasi di ka na nakakatuwa.
we know bata ka pa,but its not an excuse ok?
cge, iproove mo na lang sa aming lahat na mga expectators mo na kakayanin mo at gagalingan jan sa mundong pinasok mo.you're in good hands with manny valera.wag mo xang papahiyain gaya ng ginawa mo sa Bb.Pilipinas kay mrs. araneta!
GOD BLESS YOU!
seriously kung natuloy siya sa ms. world baka nasa top 10, may dating naman siya, learning is an ongoing process naman ang bata pa niya. look at melanie she won miss international during her time. pareho lang silang galing din sa hirap.
O eto ha hahahaha... I search nio na lang sa you tube ang name nia - Janina San Miguel. Most viewed kaya sia the day after ng pageant.
Masyado siang bata and hindi pa strong ang mga decision nia. She can't be a good role model as a beauty queen. Pero kung mababawi naman ng pagiging ulirang anak, y not?
gudluck nlng neng..
sana nga bgyan kau ng show ng gma dalwa kau ni patani..tz tatay nu si jimmy,naku tiyak ang saya2 non..