news

Mark Bautista denies "tikiman" rumor with Rufa Mae Quinto

by Rey Pumaloy posted on January 23, 2009  STATS: 15440 Views | 35 Comments

 

"Oo, nai-invite niya ako sa bahay nila pag may okasyon, pero walang tikiman. Seryoso ako, walang nangyari sa amin," says Mark Bautista about a rumor that he and Rufa Mae Quinto had a one-night stand.

Photo By: Noel Orsal

Isa pala si Sarah Geronimo sa rason kung bakit hindi nagawang ligawan ng singer-actor na si Mark Bautista ang co-star niya sa Status: Single na si Rufa Mae Quinto noong mga panahong malapit sila sa isa't isa ng sexy comedienne.

Pag-amin ni Mark, bukod sa wala raw siya talagang intensiyon na ligawan si Rufa Mae, natakot daw siya kay Sarah ng mga panahong nali-link sila ng sexy comedienne. Sabi nga ni Mark, malakas ang impluwensiya ni Sarah sa kanya lalo na kapag nasisita na siya ng singer.

"Takot ako kay Sarah!" natatawa niyang sabi. "Kuya niya ako, pero ako yung takot sa kanya. Pag kinu-korek ako niyan, sumusunod ako sa kanya. Lalo na kapag nasa abroad kami pag nagsu-show kami. Pag may napansin ‘yan sa akin at sasabihin niya na ganito, sumusunod naman ako. Grabeng manita ‘yan [Sarah], lahat napapansin!

"Yung kay Rufa Mae, hindi naman siya nanita or nagtanong. Basta sinabi lang niya ‘Oy, ang dami-daming nali-link sa iyo, ha.' Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya kaya behave na lang ako," kuwento ni Mark.

NO SHORT-LIVED ROMANCE." Sumusumpa si Mark na walang short-lived relationship na namagitan sa kanila ni Rufa Mae. At lalong hindi kailanman sumama ang loob niya kay Erik Santos noong maging kasintahan nito ang sexy comedienne.

"Wala talaga akong intensiyon na ligawan si Rufa Mae," giit ni Mark. "Hanggang text-text lang kami. Hindi siya inagaw sa akin ni Erik. Hindi naman naging akin talaga si Rufa Mae. Nagkataon lang talaga na nagkasama kami sa concert, nag-guest ako sa kanya. Naging ka-textmate ko siya after the concert, pero wala talagang nangyari. Friendly text lang yun."

Dagdag niya, "Saka, hindi kami puwede. Masyadong malakas ang dating ni Rufa Mae. Intimidating."

Napangiti si Mark at pinamulahan ng mukha sa isyung "nagkatikiman" sila ni Rufa Mae kahit wala silang relasyon noong naging close sila. Nangyari raw ang "tikiman" sa bahay ng aktres noong mga sandaling dumadalaw siya sa bahay nito.

"Wala naman," tanggi ni Mark. "Oo, nai-invite niya ako sa bahay nila pag may okasyon, pero walang tikiman. Seryoso ako, walang nangyari sa amin.

"Alam ninyo, kahit ganyan si Rufa Mae na palabiro, seryoso ‘yang tao at malaki ang respeto ko sa kanya. Napaka-friendly lang niya at saka napakabait na tao kaya minsan nami-misinterpret ng marami."

Inamin ni Mark na hindi ang tipo ni Rufa Mae ang gusto niya. Mas type niya ang mga mas bata kesa sa kanya. Pasok ang mga gaya nina Sarah at Megan Young sa panlasa ng singer-actor.

"Gusto ko kasi yung ako yung kinu-correct. Parang bine-baby kahit ako yung kuya!" natatawang sabi ni Mark.

Balewala kay Mark kung nali-link man ngayon kay Rufa Mae ang isa sa mga co-star nila sa Status: Single na si Jon Avila.

"Okey lang yun. Mas bagay naman silang dalawa, e," nakangiti niyang sabi.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

35 Comments

  • 35  high74

    01/24/2009 | 02:25 AM
    Mark you're really the man. I really admire you for being so honest... Alam kong darating din ang tamang panahon... ikaw na rin naman ang nagsabing ayaw mong pumasok basta-basta sa isang relationship... kailangang pag-isipan ang lahat ng considerations di ba. Alam ko namang hindi ka basta-basta susuko, ngayon pa!

    I miss seeing Mark and Sarah together pero okay lang yun basta wala lang masyadong intriga at besides alam naman natin kung ano talaga ang totoo di ba.

    Go Mark... we are all behind you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  proudlola16

    01/23/2009 | 11:01 PM
    your the best mark!!love you!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  henriettopex

    01/23/2009 | 09:01 PM
    ang gwapo ni papa Mark. sana sakin na lang sya may one-night stand. Haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  blubaby

    01/23/2009 | 07:39 PM
    naku bigyan ba ng malisya ang paninita ni sarah? eh binasted na nga sya eh hehe... kuya lang talaga tingin nya kay mark noh! wag ng uumasa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  sitsitali

    01/23/2009 | 04:23 PM
    mark likes sarah to be a friend. pero mas like nya yata si piolo na maging boyfriend... hehehe. new apple of the eye ni piolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  sitsitali

    01/23/2009 | 04:22 PM
    hindi naman po lilipat si mark bautista sa siete kung walang go-signal ang Viva. talent po sya ng viva at may existing contract pa ang viva with ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  tearhere

    01/23/2009 | 02:54 PM
    But just a thought,I really think it wud be nice if he amp; Sarah end up being more than friends.I mean not necessarily marry each other kse bata pa cla,pero maging mag-BF lng.They luk gud together,nagkakahiyaan lng yan dalawang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  wonderfulme

    01/23/2009 | 02:30 PM
    Aba, at ang idol kong si Sarah eh mahilig pala manita. But I still like you a lot Sarah. From your past interview, you said that Mark is a real Kuya to you and so ok lang na-sitahin mo s'ya. Anyway, it seems that he doesn't mind. Ako rin, sinisita ko ang Kuya ko kung dapat. He!He!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  blue_denim_and_lace

    01/23/2009 | 02:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  chikibabes

    01/23/2009 | 01:58 PM
    ano ba un words TIKIMAN,,huh,,ruffa mae react hehehhehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  azher

    01/23/2009 | 01:55 PM
    under kay kunader sarah..hihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  lalola_1980

    01/23/2009 | 01:40 PM
    grabe nmn itong mga reporter nato mga wlang pakundangan matanong..quot;nagkatikimanquot;
    respetuhin nyo nmn ung mga artista..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  pepreader123

    01/23/2009 | 01:27 PM
    Wow!!! Daming guys nali-link kay Ruffa Mae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  adoboworld

    01/23/2009 | 12:49 PM
    Tama ka Mark wag na si Ate Rufa Mae. Puro promo lang yata ang loveteam ng ABS wala namang totoo. Bawal yata ang ma inlove ng totoo. Bagay naman sila ni Sarah if ever.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  chie334

    01/23/2009 | 12:29 PM
    google him anytime you want too...baliw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  iceprince

    01/23/2009 | 12:27 PM
    gmgwapo ang isang to ha. huwag lang syang lilipat sa siete at papangit lalo ang career nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  BigBirdie1970

    01/23/2009 | 12:01 PM
    Sino naman ang isang ito? Can I google him?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  balugababe

    01/23/2009 | 12:00 PM
    pwede rin silang maging magkapatid ni john lapus sa pelikula. may hawig
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  balugababe

    01/23/2009 | 11:46 AM
    ha? panibagong nalink na naman kay rufa mae...ang angas mo bru! bilib ako sa yo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  bellacaya

    01/23/2009 | 11:29 AM
    cute ng dimples ni MArk, bagay talaga sila ni sarah. I felt pity for ruffa, parang lumalabas she's very promiscuos, flirty,and one night stander. from Sam milby, to the senator,Dennis , at marami pang iba. and now MArk. I think MArk is right, she is just misunderstood, dahil na rin sa pananalita nya and the way sya magdamit. Pity image! But well, she's famous and rich and maganda, ok lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About