Dumating ng alas-dose ng madaling-araw kahapon, January 22, ang petite Pinay singer na si Charice Pempengco sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Northwest Airlines galing Los Angeles, California. Sinalubong si Charice ng kanyang mga kamag-anak, fans, at press.
Muling pumunta ng U.S. si Charice para mag-perform sa pre-inauguration ball ng bagong U.S. President na si Barack H. Obama. Naimbitahan si Charice na mag-perform sa Mandarin Oriental at sa Grand Hyatt Washington Hotel, na parehong nasa Washington D.C., para kumanta.
Bagamat wala roon mismo si President Obama, present naman daw sa pre-inauguration balls na ito ang ilang importanteng U.S. politicians, bukod sa maraming Pinoy na naka-base doon. Ang nag-represent daw kay President Obama ay ang kapatid nitong si Maya Soetoro-Ng.
Inamin ni Charice na kinabahan siya dahil ibang crowd na raw ang kanyang nasa harapan at hindi ang usual na crowd na parati niyang inaawitan sa U.S.
"May kaba po talaga. Hindi po ako makapaniwala na nandoon ako sa special day na ‘yon. Masaya po ang atmosphere. Nagpapasalamat ako sa Diyos at isa ako sa masuwerteng nandoon sa Washington D.C.," sabi ni Charice sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Inawit ni Charice sa pre-inauguration balls ang "One Moment In Time" at "God Bless America." Ayon sa isang review sa isang kilalang U.S. magazine, namangha ang mga nanood kay Charice sa bawat birit ng kanyang boses. Walang makapaniwala na galing ang boses na ‘yon sa maliit na katawan ni Charice.
"I did my best po para mapasaya ko silang lahat sa party na ‘yon," sabi ni Charice. "Nahihiya nga po ako pero noong naramdaman ko na nagustuhan nila ang performance ko, doon po ako nagkaroon ng confidence. Gusto ko pong ipakita ang galing nating mga Pinoy."
Biglaan daw ang pag-uwi ni Charice sa Pilipinas dahil marami siyang mga commitment na gagawin dito. Dapat ay tumagal pa siya sa U.S. para matapos ang kanyang album, pero kinailangan niya nang bumalik.
May balita rin na baka magkaroon sila ng duet ng American Idol 7 first runner-up na si David Archuleta sa isang project. Pero ayon kay Charice, hindi pa raw confirmed ang balitang ito dahil ongoing pa ang negotiations sa mga humahawak sa music career ni Archuleta.






Alam mo,naniniwala ako na hindi si Charice ang pinakamagaling,katulad ng paniniwala ko na hindi si Regine o si Lani,ang pinakamagaling na singer. Hindi mo naman talaga masasabi kung sino talaga ang magaling kanino. Importante ba yon? Sa tingin mo ba nagreact yung mga Canadians ng sumikat si Celine Dion,sa tingin ba nila hindi karapatdapat yung tao kasi naniniwala sila na may mas magaling pa sa kanila,example ko lang yun. Oh kaya si Andrea Boceili,nagreact kaya yung mga Italyano kse hindi sila naniniwala na magaling talaga siya. Ganon kasimple,paniurado naman kahit may lumabas pa na mas magaling kay Charice,isa lang sasabiin nyo na may mas magaling pa sa kanya,kse mas magaling yung pinsan nyo,yung inaanak ng Nanay nyo,yung kapitbahay ng Lolo mo.
Tsaka ano ba yung sinasabi nyo na nagsinungaling si Cha,nakakasawa na. Nagkataon lang talaga na engot kayo.Tsaka,lahat ng achievements niya sa ibang bansa hindi nyo masyadong pinapansin at binibigyan ng halaga,hindi lang talaga siya na kakan
Tama ka diyan,sakit na talaga ng mga Pilipino ang INGGIT. Sawa na rin akong makipag-argumento sa mga taong ganito. Parang kseng NORMAL na lang sa mga Pilipino ung INGGIT mapaMayaman,mahirap may pinag-aralan o wala. Buti na lang kami hindi. Nagiging totoo lang si Charice,hindi siya mahilig magpretend tulad ng iba. Hwag nyo siyang pilitin na gawin ang gusto niyo na gusto nyo HUMBLE kuno,kung sa Pinas pinagpipilitan natin yun,eh ayaw nyo naman sa kanya, sa ibang bansa CONFIDENT ang tingin sa kanya,sa atin kailangan pahumble dapat. Nakakamatay ang inggit. Hwag kayong masyadong mayabang,mga kababayan. Matatagalan pa bago tayo magkaroon ng katulad niya ulit,o baka hindi na. Kaya nga nagustuhan ko siya dahil sa taglay niyang 'angas'.Kung ayaw nyo sa kanya,ehi di wag. Hindi kayo kawalan,kahihiyan sa'ten yun. Totoo naman talaga na hindi marunong sumuporta ang mga Pilipino sa sariling lahi o produkto man. Kay hindi na nakakapagtaka.
wag plastik. magpakatotoo
marami diyang bata ang mas magaling pa kay Charice. napansin lang dahil sa youtube. di kasi common yung bata na kumakanta sa ibang bansa.
yung kinantahan ni Charice HINDI OFFICIAL! hahahaha
10 Balls lang ang OFFICIAL.