news

German Moreno pursues quest to name Quezon City the "City of Stars"
by Cesar Pambid posted on January 28, 2009  STATS: 7624 Views | 52 Comments

 

"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod," says German "Kuya Germs" Moreno.

Photo By: Noel Orsal

Nasa limelight muli ang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno. Ito ay dahil sa kontrobersiyang namumuo sa pagitan nila ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista kaugnay sa matagal nang pangarap ni Kuya Germs na gawing karugtong ng Quezon City ang "City of Stars" bilang opisyal nitong pangalan.

Kahapon, January 27, pagkatapos ng oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa opisina ni Vice Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall, ay nagpaunak ng panayam si Kuya Germs sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kung natatandaan n'yo, noong araw pa na konsehal si Dingdong Avanzado, sinimulan ko na ang pagkilos hinggil sa panukalang idugtong sa Quezon City ang phrase na ‘City of Stars,'" panimula ni Kuya Germs. "Napansin ko kasi, na halos lahat ng tungkol sa entertainment ay sa Quezon City nakasentro. Hindi ba, halos lahat ng publishing houses, dito sa Quezon City? Yung mga major studios, dito rin. Tapos ang mga networks, kabilang na ang GMA-7 at ABS-CBN, dito rin sa Quezon City.

"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod.

"Noon pa, marami nang naniniwala sa aking hakbang. Yung mga senior stars, sumuporta sa akin. May mga pulitiko sa Quezon City na tumulong sa aking naihain ito sa konseho. Nang mga panahong yun, okey naman, halos opisyal na," lahad ni Kuya Germs.

Isa raw sa mga proyekto ni Kuya Germs kaugnay ng city-starhood ng Quezon City ay ang paggawa ng Walk of Fame along Quezon Avenue papuntang Memorial Circle. Pero hindi ito natupad.

"Sumuko na ako, okey nasa akin. Basta ang mahalaga, yung pangalan ng Quezon City ay maging Quezon City, ‘City of Stars.' Yun nga, sa Eastwood ako napadpad. May mga tao kasing humimok sa akin na sa Eastwood ko na raw gawin yung Walk of Fame. Akala ko, susuporta sila sa gastos. Yun pala, sarili ko lang. Sige na, okey na, naipagawa ko naman. Sa bulsa ko galing ang gastos.

"Masaya na ako at kahit paano, natupad nga yung pangarap kong maging parang Hollywood na yung mga sikat na artista ay magkaroon ng sariling Walk of Fame, na puwedeng makatulong sa interes ng mga tao na dalawin ang Eastwood," saad ni Kuya Germs.

VICE MAYOR BISTEK. Ngayon nga, heto at tila nauwi pa sa samaan ng loob ang matagal nang pangarap ni Kuya Germs. Kinausap daw kasi niya si Vice Mayor Herbert Bautista hinggil sa panukala. Pero ang sagot nito sa kanya ay wala pa siyang panahon, hindi pa raw niya puwedeng isingit sa kanyang schedule at malamig sa panukalang gawing "City of Stars" ang Quezon City.

"Siyempre, sumama ang loob ko," pag-amin ni Kuya Germs. "Ikako, artista pa naman siya, iniisip ko, isang magandang hakbang ito na magaganap sa kanyang pamunuan. Pero ang nangyari, siya pa itong malamig ang pagtingin sa proyekto. Parang tingin ko, ayaw na niyang ipasa ito.

"Nakalulungkot isipin na sa mahabang panahon ng pagkilos ko, ngayon pa ito magkakaroon ng sagabal. At ito ay sa itinuturing ko pa namang kaibigan na isa ring artista."

METROPOLITAN THEATER. Meron pa raw isang matinding pangarap si Kuya Germs na gusto niyang tuparin. Ito ay ang restoration ng Metropolitan Theater sa Plaza Lawton sa Maynila. Bago pa raw naging vice mayor si Isko Moreno, kumikilos na si Kuya Germs.

Para raw sa kanya, isang historical landmark ang Metropolitan Theater na hindi dapat pabayaan lang. Kaugnay nga nito, gumawa ng mga pagkilos si Kuya Germs para matupad ang pangarap niya.

"Nakarating daw kasi sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumikilos ako kaya ipinatawag niya ako sa Malacañang noon. Kinausap niya ako at sabi niya, maglalabas sila ng budget para ipagawa na ang Meropolitan Theater. Siyempre, labis ko yung ikinatuwa," kuwento ng beteranong TV host.

Tinupad naman daw ni Pangulong Arroyo ang pangako niya. Naglabas daw ito ng P50 million pesos para sa proyekto na ipinadaan sa National Commission For Culture and Arts (NCCA).

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

52 Comments

  • 52  yeah_sure

    02/21/2009 | 08:20 PM
    sobra nabigyan na si piolo ha grabe ka marami pang iba eh lahat stars nasa ABS kaya. sobra.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  juakin

    02/16/2009 | 06:16 PM
    ano ba yang c germs dumi talaga sa industriya...

    puk pok ... lahat halos ng nasa walk of fame nia na pinagmammalaki e taga 7 lang...

    talagang may kinikilingan

    nakakabore ka dumi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  cozuwerethere

    02/15/2009 | 01:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  sexybutterfly9999

    02/14/2009 | 03:20 PM
    bollywood, hollywood, at tayo?



    GERMYWOOD! hahahahah!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  sexybutterfly9999

    02/14/2009 | 03:16 PM
    sorry pero anu po yung M.T?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  arnel_cap@yahoo.com

    02/14/2009 | 01:45 PM
    What happened to the money that was allocated for the project? Shouldn't there be an investigation? Shame on you atienza!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  adoboworld

    02/14/2009 | 02:46 AM
    Well Kuya Germs now you know who your real friends are. Noong sikat na sikat ang Germspecial nakalimutan mo ring tumanaw ng utang na loob kay Ate Guy na ilang taon mong nakasama sa Superstar. Dinedma mo rin sya. Kaya ayan masakit diba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  2is1

    02/14/2009 | 12:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  2is1

    02/14/2009 | 12:19 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  trinanico

    01/29/2009 | 02:40 PM
    kuya germs pwede mag concentrate ka na lang sa show mo.. wag mong idamay ang quezon city sa kalokohan mo! ang baduy pag ginawang Quezon City,City of Stars! lagi ka na lang nag eemote about utang na loob, siguro naman mas madaming mas importanteng ginagawa si herbert kesa yang kalokohan na yan! wala ka ng ginawa kundi patanawin ng utang na loob ang mga artista!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  filinshanghai

    01/29/2009 | 02:01 PM
    Mod. paki lagyan ng HOT topic ito. Dapat i tackle sa NEWS ang budget na nabanggit dito for M.T. Ilagay sa hot seat ang dapat ilagay. Para naman makita ng tao kung saan napunta ang pera katuld ng fertilizer scam.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  filinshanghai

    01/29/2009 | 01:59 PM
    Leaning towards Sec. Atienza ... nasan ang pera para sa pagpapagawa ng M.T.? Grabe super young pa ako nung nakita ko yun na maayos at nagagamit ng di ka worry na sumandal sa wall :-
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  filinshanghai

    01/29/2009 | 01:55 PM
    Di naman basta ganun lang ang pag palit ng pangalan o dagdagan ang name ng lungsod. Street nga mahirap palitan dahil sa money at time involve dyan noh. Papalitan mo din ang mga MAPS na printed na, etc. Puede ba itulong na lang nyo ang pera na ilalaan dyan sa mahihirap. Maganda ang hangad mo pero paki lagay sa lugar. Tumulong sa mahirap at pag wala ng mahirap, saka na lang i pursue ang project mong ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 39  tearhere

    01/29/2009 | 12:24 PM
    Grabe tlga corruption d2 sa Pinas,wag ka na magtaka Kuya Germs sa pagkawala ng pondo,ganyan tlga d2 sa bansa natin..C Herbert nman,cguro wla nman syang msma intention,sa laki ng QC tapos sya pa Vice eh tlga mrmi trabaho yan,di nya tlga uunahin yan project nyo Kuya Germs.I guess he only felt that there are things w/c shud be prioritized first kesa yan project nyo.Although mgnda,kaya lng may mga bagay na dapat unahin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  BigBirdie1970

    01/29/2009 | 12:12 PM
    YES, KUYA GERMS for 2010!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  Darlings

    01/29/2009 | 12:02 PM
    Super laos na talaga si Lola Germs. I used to like him during That's E and GMA Supershow but ngayon he is becoming so annoying.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  jigz207

    01/29/2009 | 11:23 AM

    bakit hindi na lang STAR CITY ang gawing CITY OF STARS ? wala lang maiba lang hehehehe

    ==========

    ho ho ho.. agree ako dito.. but personally, kung ako man ay taga quezon city, parang okay na, na baguhin pa.. or dagadagan yung pangalan ng lungsod namin.. mamaya bigyan pa yan ng budget ng local government.. sayang naman..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  edric

    01/29/2009 | 10:54 AM
    kalorki nga kung sino ang pinaglalagay nya sa mga stars ng walk of fame pero wala ang mag asawang pops and martin,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  palachika08

    01/29/2009 | 10:08 AM
    i think wala naman masama sa mga project ni kuya germs...he only wants the showbusiness here to be known...nagmamalasakit lang si kuya germs...hindi tulad ng ibang politicians dyan na ang hinihintay lang ay pukpukin para kumilos...at metropolitan theater deserves a face lift...cultural heritage natin yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  agusanonko

    01/29/2009 | 07:46 AM
    sino bayong 2starlet nayon? na binabangit..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About