news

German Moreno pursues quest to name Quezon City the "City of Stars"
by Cesar Pambid posted on January 28, 2009  STATS: 7600 Views | 52 Comments

 

"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod," says German "Kuya Germs" Moreno.

Photo By: Noel Orsal

Nasa limelight muli ang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno. Ito ay dahil sa kontrobersiyang namumuo sa pagitan nila ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista kaugnay sa matagal nang pangarap ni Kuya Germs na gawing karugtong ng Quezon City ang "City of Stars" bilang opisyal nitong pangalan.

Kahapon, January 27, pagkatapos ng oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa opisina ni Vice Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall, ay nagpaunak ng panayam si Kuya Germs sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kung natatandaan n'yo, noong araw pa na konsehal si Dingdong Avanzado, sinimulan ko na ang pagkilos hinggil sa panukalang idugtong sa Quezon City ang phrase na ‘City of Stars,'" panimula ni Kuya Germs. "Napansin ko kasi, na halos lahat ng tungkol sa entertainment ay sa Quezon City nakasentro. Hindi ba, halos lahat ng publishing houses, dito sa Quezon City? Yung mga major studios, dito rin. Tapos ang mga networks, kabilang na ang GMA-7 at ABS-CBN, dito rin sa Quezon City.

"Naisip ko, isa sigurong magandang hakbang na parangalan naman natin ang ating mga artista. Since dito sa Quezon City nakasentro ang halos lahat ng activities nila, isa sigurong magandang hakbang gawing ‘City of Stars' itong ating lungsod.

"Noon pa, marami nang naniniwala sa aking hakbang. Yung mga senior stars, sumuporta sa akin. May mga pulitiko sa Quezon City na tumulong sa aking naihain ito sa konseho. Nang mga panahong yun, okey naman, halos opisyal na," lahad ni Kuya Germs.

Isa raw sa mga proyekto ni Kuya Germs kaugnay ng city-starhood ng Quezon City ay ang paggawa ng Walk of Fame along Quezon Avenue papuntang Memorial Circle. Pero hindi ito natupad.

"Sumuko na ako, okey nasa akin. Basta ang mahalaga, yung pangalan ng Quezon City ay maging Quezon City, ‘City of Stars.' Yun nga, sa Eastwood ako napadpad. May mga tao kasing humimok sa akin na sa Eastwood ko na raw gawin yung Walk of Fame. Akala ko, susuporta sila sa gastos. Yun pala, sarili ko lang. Sige na, okey na, naipagawa ko naman. Sa bulsa ko galing ang gastos.

"Masaya na ako at kahit paano, natupad nga yung pangarap kong maging parang Hollywood na yung mga sikat na artista ay magkaroon ng sariling Walk of Fame, na puwedeng makatulong sa interes ng mga tao na dalawin ang Eastwood," saad ni Kuya Germs.

VICE MAYOR BISTEK. Ngayon nga, heto at tila nauwi pa sa samaan ng loob ang matagal nang pangarap ni Kuya Germs. Kinausap daw kasi niya si Vice Mayor Herbert Bautista hinggil sa panukala. Pero ang sagot nito sa kanya ay wala pa siyang panahon, hindi pa raw niya puwedeng isingit sa kanyang schedule at malamig sa panukalang gawing "City of Stars" ang Quezon City.

"Siyempre, sumama ang loob ko," pag-amin ni Kuya Germs. "Ikako, artista pa naman siya, iniisip ko, isang magandang hakbang ito na magaganap sa kanyang pamunuan. Pero ang nangyari, siya pa itong malamig ang pagtingin sa proyekto. Parang tingin ko, ayaw na niyang ipasa ito.

"Nakalulungkot isipin na sa mahabang panahon ng pagkilos ko, ngayon pa ito magkakaroon ng sagabal. At ito ay sa itinuturing ko pa namang kaibigan na isa ring artista."

METROPOLITAN THEATER. Meron pa raw isang matinding pangarap si Kuya Germs na gusto niyang tuparin. Ito ay ang restoration ng Metropolitan Theater sa Plaza Lawton sa Maynila. Bago pa raw naging vice mayor si Isko Moreno, kumikilos na si Kuya Germs.

Para raw sa kanya, isang historical landmark ang Metropolitan Theater na hindi dapat pabayaan lang. Kaugnay nga nito, gumawa ng mga pagkilos si Kuya Germs para matupad ang pangarap niya.

"Nakarating daw kasi sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumikilos ako kaya ipinatawag niya ako sa Malacañang noon. Kinausap niya ako at sabi niya, maglalabas sila ng budget para ipagawa na ang Meropolitan Theater. Siyempre, labis ko yung ikinatuwa," kuwento ng beteranong TV host.

Tinupad naman daw ni Pangulong Arroyo ang pangako niya. Naglabas daw ito ng P50 million pesos para sa proyekto na ipinadaan sa National Commission For Culture and Arts (NCCA).

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

52 Comments

  • 12  brip_ko_hubo

    01/28/2009 | 05:57 PM
    yes i support for the restoration of Metropolitan Theatre sinira kasi ng mga Vilmanians nuon yan eh heheheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  mcz92336

    01/28/2009 | 05:52 PM
    WOW! 50 million? at nawawala ang iba?
    At bakit ba kailangan gumaya sa hollywood? gayagaya putomaya! Maski anong gawin nyo dyan you can never be ballywood or quezon citywood. Ay! pangit pakinggan. Create your own and be yourselves! for heavens sake.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  alexangel

    01/28/2009 | 05:39 PM
    tama naman si kuya germs especially with the restoration of metropolitan theater. its a historical landmark so we should preserve it tulad ng ginagawa sa ibang banasa na pinapahalagahan nila ang kanilang culture and arts.

    yan ang kulang sa atin, maging appreciative lalo sa arts.

    go kuya germs, i will support you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyaakoforlife

    01/28/2009 | 05:17 PM
    Korek po kayo dyan Kuya Germs, City of the Stars na hndi natutulog, dahil Wlang Tulugan...!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • satsatera

    01/28/2009 | 05:17 PM
    diyos ko 50 million pampagawa ng theatre! 5 million cguro kasya na yun, ung 45M bigay nalang sa mahihirap!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lifeisgood2008

    01/28/2009 | 05:05 PM
    for these stars to have meaning and relevance, it should only be given to deserving artist hindi ung sumikat lng nang konti at wala pang napatunayan sa industriya eh give na agad si lola germs, dahil ba sa Kapuso ung mga artista?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • YouKnowWho22

    01/28/2009 | 05:00 PM
    4
    korek ka jan...dapat may criteria para malagay sa walk of fame nya. hindi yung kung sinu-sino lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ranelindubai

    01/28/2009 | 04:59 PM
    Go Lola Germs! We'll support that!
    QC- City of Stars!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • madam01

    01/28/2009 | 04:46 PM
    ok yung panukala ni kuya germs, kaso kung titingnan mo naman ang problema ng bayan, particularly ng quezon city, maiintindihan mo yung priorities ng mga officials kaya luke warm ang pagtanggap sa proposal ni kuya germs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Dhong_05

    01/28/2009 | 04:32 PM
    Walk of Fame should only be given to deserving stars who shines magnificently in their times. Pero sa napapansin ko, parang 2 singko na lang kung magbigay ng tribute si Kuya Germs; kahit di deserving na artista inilalagay niya, parang just to please, kumbaga, may halong pulitika.
    For sure, may committe naman siguro na nagha-handle to scrutinize candidates, pero sa mga nabigyan na, yong iba hindi pa deserving para malagay doon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critix

    01/28/2009 | 04:27 PM
    quot;CITY OF STARSquot; nakz nakz nakz!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critix

    01/28/2009 | 04:27 PM
    nakz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About