Ryan Agoncillo hosts Talentadong Pinoy anew

Rommel R. Llanes
Wednesday, January 28, 2009 @ 09:32PM  |  48 views

 

Actor, TV host, photographer, drift-car racer and superbike rider Ryan Agoncillo hosts Talentadong Pinoy again.

Photo By: Courtesy of TV5













Nagbibigay ang Talentadong Pinoy (TP), hosted by Ryan Agoncillo, ng magandang opportunity for a career in show business ang iba't ibang "talentadong" kababayan.

Heto ang ilan sa kanila na pinalad na magkaroon ng career matapos na ma-expose ang kanilang talent sa show:  

Jessa Mendoza—ang sampaguita at fishball vendor na matapos sumali sa TP bilang singer ay kabilang na ngayon sa cast ng youth-oriented show na Lipgloss.

Elmo Rodriguez—ang three-year old dancer na hindi man nanalo sa show ay nasa Kiddie Kwela na ngayon.

Mark Mangaliman—tinaguriang "the man with 60 voices" dahil sa galing niyang manggaya ng boses ng iba't ibang tao at hayop. Ngayon ay official voice talent na ng Shock Attack ng TV5 din.

Carl Acosta—ang five-year old frontman ng Freestyler Dance Troupe na ngayon ay nabigyan na ng role sa stage play na Joseph The Dreamer ni Audie Gemora. Si Audie ay isa sa mga judges ng TP at sobrang na-impress sa galing ni Carl kaya binigyan niya ito ng break sa kanyang stage play.

Gutierrez Acrobatic Family—break sa abroad naman ang naging kapalaran ng three-week TP contender na ito. Hinatid pa nga sila ng production team ng TP sa airport noong lumipad nila patungong Taiwan, kung saan nakatanggap sila ng offer.

Pero kung talent din lang ang pag-uusapan, hindi naman kulang dito ang mismong host ng show na si Ryan. Bukod sa pagiging mahusay na host,  aktor at photographer, talent din ni Ryan ang Drifting o Car Drift Racing at Superbike (800 cc and up) Racing.

Magkaroon kaya ng pagkakataon sa TP na mai-showcase naman ni Ryan ang mga talent niyang ito?

"Well, sana, sana mabigyan ng chance. Kung sakali. Pero we want to keep it about the contestants. It's not about me. It's all about the contestants," sagot ni Ryan na host ng 7 pm Saturday night show ng TV5. 

Sa car drifting, kailangang i-maintain ng isang driver ang balance at direksyon ng isang kotse habang nag-e-execute ng animo lumulutang o dumudulas na maneuver sa race track. Ani Ryan, pinag-aralan daw niya talaga ito at kasabay pa niyang nag-aral noon ang fiancée niyang si Judy Ann Santos. Pero sinabi ni Ryan na hindi na raw nagdi-drifting ang soon-to-be Mrs. Agoncillo.

"Hindi na," sabi pa ni Ryan. "Minsan, pumipitik. Sometimes she borrows my car, nagdi-drift. Pero hindi na masyado, hindi na kasi praktisado, e."

Watch Ryan's interview by clicking here, and watch him talk about Juday more by clicking here .

1  

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name