Hindi man pinalad ang Ploning na makapasok sa Oscars, masaya at nagpapasalamat pa rin si Judy Ann Santos sa mga nangyari. Ito ang ilan sa mga pahayag nga ni Juday sa taped interview sa kanya ng Startalk during a break from her Flawless pictorial.
"Salamat po sa tiwala at ako po ay nagpapasalamat dahil hinayaan n'yo kaming ituloy ang laban na ito kahit alam naman nating lahat na suntok talaga ito sa buwan. And I'm very proud. I'm very proud dahil pupuwede naman pala nating gawin. Pupuwede naman pala tayong mag-unite for a simple cause.
"Yung mapag-unite mo ang buong Pilipinas, award na yun. Mas higit pa sa Oscars yun para sa amin. Siguro, sabi rin ni Lord, ‘Hindi na, ayusin mo muna ‘yang sarili mo. Diyan ka muna mag-concentrate sa bagong buhay na tatahakin mo.'"
GETTING READY TO SETTLE DOWN. Isa nga raw sa mga inaasikaso ni Juday ngayon ay ang bagong bahay na titirhan nila ni Ryan Agoncillo pagkatapos ng kasal nila.
"Mas nandoon kami sa pagpaplano kung papaano namin mabibili ang bahay. Kung papaano namin mababayaran. Pabuo pa lang. Kasi, noong makita namin ang bahay, medyo may finishing pang mangyayari, e. At saka, yung mga tiles kinakabit pa. Yung kitchen, hindi pa buo. Actually, hindi pa talaga buo! Mabubuo siya, hopefully, by March or April.
"Kung mangyari yung kasal ng April, maaaring by April, may mga gamit na dun. Hindi naman pupuwedeng pagkatapos ng reception, saan na tayo tutuloy? Hindi puwede yung ganoon! Kailangan maayos ang buhay namin pagkatapos ng kasal."
Pagkatapos ba ng kasal, makakasama na rin nila ang adopted daughter na si Yohan?
"Of course, si Yohan kasama. At saka, yung bahay naman namin sa Commonwealth, ano talaga yun, kumbaga, I promised to myself na time will come, ibibigay ko sa mommy ko yun. Ipapa-renovate ko rin ang bahay. Kasi, gusto kong gawin na mas maluwang yung kuwarto niya. ‘Tapos yung kuwarto ko ngayon sa bahay, gagawin kong dalawang kuwarto para sa mga kapatid ko or sa amin."
MOMMY CAROL. Sa nalalapit na pagpapakasal ni Juday, siyempre hindi raw maiaalis kay Mommy Carol ang kalungkutan.
"Nandoon yung acceptance na, ‘O sige, dahil treinta ka na,' nandoon yung, ‘Puwede ka nang pakasal.' Siyempre, nandoon yung lungkot. Pero, nandoon din yung I have to face it because if I won't, hindi ko mararanasan ang buhay kung paano maging isang asawa, maging isang ina.
"At saka, naituro na rin naman sa akin ni Mommy ang lahat. Hindi rin naman ito ibig sabihin na kapag nagpakasal ka, ide-detach mo ang sarili mo sa pamilya mo. Siguro, it's just about time na isipin mo naman ang sarili mo."
TITO ALFIE'S VIEW. Pero kung ang manager naman daw ni Juday na si Alfie Lorenzo ang tatanungin, iba naman ang paniniwala nito.
"Palagay ko, hindi naman kailangang mag-wedding-wedding pa. Kasi nowadays, ang mas popular, kung sino ang nag-separate na kasal. Just enjoy the moment, whether kasal kayo or hindi. Hindi na kailangan ng wedding."
KEEPING IT SIMPLE. Anyway, Ryan and Juday's idea of their wedding is simple. Kung may budget man daw sila, malamang na idaos daw ito out-of-town. In fact, sa kasimplehan nga ng seremonya, hindi raw yung kagaya ng ibang kasal na maraming tatayong ninong at ninang.
"Totoo po na dalawang couple lang. As much as possible, yung mga kinukuha naming ninong at ninang, ito yung mga taong nakita kami na maging magkaibigan muna bago kami.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
40 gummibear_38
39 chicago60625
38 deserie10
37 fannimarlon
36 kapams_saks
congrats and best wishes for them!
35 madden_girl
34 adoboworld
33 apayagamin1
32 sosingmasa
31 stargate_atlantis
30 liwayway
you are probably right, though, princesszoya. birthing could be what juday was talking about.
29 PrincessZOYA
28 liwayway
good luck, and don't let alfie rub off on you and ryan.
27 trojan
26 jianne
25 joie2dworld
what is so soon? inip na inip na nga si mommy carol.
just be happy na lang for them and their family and friends.
24 caregiverako
23 ABS_sorelosers
nagtatanong lang po ha.. why so soon?
22 busero
GOD bless you!
21 jesromo
idol : Good Luck for Juday :
more comments