Newcomer Carla Abellana is poised to become one of the hot stars this year as GMA-7 announced that she will play the title role in the Philippine adaptation of the hit Mexicanovela Rosalinda.

Photo: Noel Orsal

Kahapon, February 2, sa trade show ng GMA-7 para sa mga advertiser na ginanap sa A. Venue Main Hall sa Makati City, nagkaroon ng biglaang announcement sa bandang huli. Ipinakilala sa mga bisita ang 20-year-old daughter ng '80s heartthrob na si Rey "PJ" Abellana—si Carla Abellana.

Sa trade show din ginanap ang announcement na si Carla ang magbibida sa ikalawang Thalia soap na binili ng Kapuso network after Marimar—ang Rosalinda, na ipinapalabas ulit ngayon sa GMA-7. Ito pa lang ang pinalabas na impormasyon dahil naging biglaan nga ang lahat.

Isang commercial model din, tapos si Carla ng Psychology sa De La Salle University. Bago ang naging announcement ng GMA-7, pinapirma na rin siya ng Regal Entertainment ng 12-movie contract.

Napabalita noon na pagkatapos ng Marimar, ang Rosalinda ang isusunod na soap ni Marian Rivera sa GMA-7. Pero nagdesisyon ang management ni Marian, at pati na ang Kapuso network, na huwag bigyan ang bagong reyna ng GMA primetime ng magkasunod na Thalia project, kung kaya't ang sumunod na project niya ay ang Dyesebel.

Minsan na ring may nakapagsulat na si Angel Locsin ang magbibida sa Rosalinda sa ABS-CBN. Ngunit mabilis ang naging sagot ng GMA-7 dito na binili na nila ang rights nito kasabay ng Marimar noon.

Diretso ang naging tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kausap namin: Is this GMA-7's way of telling Marian to toe the line para hindi lumaki ang ulo ng dalaga?

"Ay, walang ganoon!" sagot ng aming kausap. "GMA loves, adores Marian very much. Hindi naman kami naniniwala sa mga isinusulat sa kanya. Marian will always be the first choice sa top roles sa GMA primetime. Maganda rin naman kasi na makapag-develop ng bago ang GMA."

Nag-audition din si Carla para sa isang leading lady ni Richard Gutierrez sa Zorro. Naibalita na rito sa PEP na si Rhian Ramos ang isa sa magiging leading lady ni Richard dito.

Kagabi sa trade show ng GMA-7 ay in-announce na rin sina Michelle Madrigal at Bianca King ang dalawa pang leading ladies ni Richard sa Zorro.