Bininyagan ang anak ni Paolo Ballesteros na si Keira Claire noong Martes, February 3, sa Christ the King Parish sa Greenmeadows sa Quezon City, pasado alas-tres ng hapon. Ginanap naman ang reception sa St. Mark and St. Matthew Hall ng naturang simbahan.
Ang mga celebrity ninongs and ninangs ng anak ni Paolo sa dati niyang girlfriend na si Kaye ay sina Diana Zubiri, Ruby Rodriguez, Ciara Sotto, Uma Khouny, Robert Ortega, at ang lady boss ng TAPE. Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar.
Hindi naman nakarating ang iba pang mga celebrity ninong at ninang na sina Marian Rivera (matalik na kaibigan ni Paolo), Toni Rose Gayda, at Allan K.
Ang iba pang mga celebrity guests na namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ang mga kasamahan ni Paolo sa Eat Bulaga! na sina Pauleen Luna, Lougee Basabas, at Daiana Menezes.
Si Keira Claire ay ipinanganak noong November 29, 2008 sa Northwestern Memorial Hospital sa Chicago, Illinois. Pero nagdesisyon sina Paolo at Kaye na rito sa Pilipinas binyagan ang kanilang anak. Incidentally, kaarawan din ni Paolo noong kapanganakan ng kanyang anak kaya magka-birthday sila.
Ayon kay Kaye, santol at spaghetti ng Jollibee ang pinaglihian niya, na parehong mahirap hanapin sa Chicago, kung saan naka-base at nagtatrabaho ang dating kasintahan ni Paolo.
Kasalukuyang nandito sa Pilipinas si Kaye in time for the binyagan at babalik na siya sa Chicago on February 19.
Pinag-uusapan pa nila ni Paolo kung paano ang magiging set-up nila with their daughter; kung maiiwan dito sa Pilipinas sa pangangalaga ni Paolo, o kung isasama ito ni Kaye sa States.
CLICK HERE for more photos.







kapamilya247
February 6, 2009
08:36 AM
----
Oi vaklushi di kaya ikaw yung sinasabi mo? Puro imbento nga ang mga comments mo e kala mo naman may maniniwala sa iyo bwahahahahhahah
well goodluck kay paolo
yun pala si paolo nakabuntis na ng girl! sopla lahat ng mga nagduda sa kanyang gender! paano kasi, sa abscbn, maraming closet queens dyan! abscbn talaga maraming kaberdehan na nangyayari! di gaya sa gma7, nabibilang lang sa daliri ang mga vaklush, kung vaklush man, e obvious naman talaga at hindi na kailangan magpanggap.
di gaya sa dos, maraming nagpapanggap! tanungin nyo na lang si sweet! alam nya ang mga vaklusi na nagtatago sa abscbn at hindi raw yun mabilang sa dami nila!!
alam na alam mo ang sked ng taping ni Yanyan ah.
Congrats Paolo! d man wid the b_lls