Ang malalim na pagmamahal sa pagsusulat ang nagtulak kay Ricky Lee, sa gitna ng kahirapan sa buhay noong nagtapos siya ng high school sa Daet, Camarines Norte, na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging manunulat. Nakipagsapalaran siya sa Maynila.
Ngayon ay kinikilala si Ricky Lee bilang isa sa pinakamahusay na scriptwriter sa industriya. Higit na kahanga-hanga kay Ricky ang kagustuhan niyang makatulong sa mga batang manunulat na kapos sa pinansiyal na kakayahan para ipagpatuloy ang kanilang pangarap at sa mga kapwa manunulat na ngayon ay kapos sa buhay.
WRITERS' STUDIO FOUNDATION. Sinabi ni Ricky sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na isang foundation ang inuumpisahan na nilang itayo para sa mga kapwa manunulat, ang Writers' Studio Foundation.
"Nag-a-apply na kami sa SEC [Securities and Exchange Commission], nagpa-process na. Yung nobelang naisulat ko, yung Para Kay B, after that, may dalawa pa akong nobelang ilalabas this year. Yung part of proceeds ng mga libro na nilalabas ko, mapupunta sa foundation.
"Halos thirty years naman na akong nagtrabaho as scriptwriter, naisip ko na lapitan ko na ngayon lahat ng mga nakatrabaho kong direktor, artista na sa kahit papaanong paraan ay nakatulong naman ako sa kanila. Ibalik naman nila ngayon sa mga writer.
"Eventually, kung makakahanap kami ng tie-up sa mga eskuwelahan, sa ngayon may mga nakausap na akong ibang mga kaibigang artista at direktor na nangakong mag-pledge ng scholarhips. Si Mother [Lily Monteverde] naman, magdo-donate ng office. Saka, di ba, may free workshops ako sa scriptwriting? Magiging parte yun ng foundation," lahad ng batikang manunulat.
Ang focus ng mga gustong tulungang manunulat ni Ricky ay hindi lamang mga batang manunulat na gustong i-pursue ang kanilang kagustuhang maging magaling na manunulat kundi maging yung ibang mga kasamahan na ngayon ay kapos sa trabaho at pagkakitaan.
"Para siyang MOWELFUND for writers. Tutulong siya sa mga scriptwriters na mga bata, mula sa probinsiya, yung mga mahihirap lang, walang pera, gustong mag-aral sa Manila. Gaya ko noon, umalis ako sa Daet para mag-aral ng college, gustung-gusto kong magsulat, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko yung gaya ko rin noon ang situation na gustong magpunta ng Maynila at mag-aral, gusto ko silang matulungan.
"Hanggang ito sa pinakamatatanda nating mga writers. Di ba, marami sa mga kaibigan nating writers ang walang trabaho, pampaospital? Sana hanggang sa kanila makatulong yung foundation. Sa mga gustong magpahatid ng tulong, my e-mail is lagoon@pldtdsl.net," pagbibigay-impormasyon niya pa.
COMMERCIALISM VERSUS ARTISTIC VALUE. Tanggapin man o hindi, kasama sa mga pelikulang ginagawa ngayon ay nakatali sa commercialism o kung tatangkilin ba ito ng publiko. Ikinalulungkot ni Ricky ang katotohanang ito, pero madalas ay nagagawan nila ito ng paraan na hindi pa rin nagsa-suffer ang kalidad ng kanilang isinulat na istorya.
"Nakakalungkot pag may kailangang baguhin. Ngayon, lahat ng projects dumadaan sa ganyan. Sa hirap ng buhay, sa hirap magpakita ng pelikula, lalo silang nakatutok sa ganung aspeto.
"Hindi ko muna iniisip yung masakit kasi nasa movies ako, alam kong part ng mundong ito na may kailangan kang baguhin, e. So ang gagawin ko, iisipin ko mapapaganda ko ba ito kahit di na dating ganun? Magiging maganda maski iba na? Kung convinced naman ako na mapapaganda ko ito sa bagong form niya, dun na ako.
"Yung Aishite Imasu halimbawa, originally, kuwento lang siya nung gay at saka nung guy na gusto niya, yung gay lang ang mas bida. Yung Juday [Judy Ann Santos] character, minor lang 'yan. Apat, limang taon 'yan ibinenta, pero reject lagi kasi gay daw yung bida; gawing lalake, gawin daw babae.
"Nung natuloy sa Regal, nakiusap sila na baka raw puwedeng Juday. Nag-usap kami ni Joel [Lamangan, director of the film], 'Lalabas ba itong pangit o hindi?' Diretso naman kami, puwede pa rin natin gawing maganda pa rin, huwag lang nilang pakialaman yung gay story. So, kumbaga, may compromises na iko-consider mo, good na nai-compromise na ito. May nawala, pero may nai-gain," saad ni Ricky.
STILL THE SUPERSTAR. Kamakailan ay itinanghal ba Best Asian Film of All Time ang pelikulang Himala sa online voting na isinagawa ng CNN.com. Para kay Ricky, na siyang sumulat ng script, ay napalakaking karangalan ang ibinigay nito sa bansa at sa akres na si Nora Aunor. Bilang isang malapit ding kaibigan ng Superstar, naniniwala siya na ang isang mahusay na aktres katulad ni Guy ay laging may puwang sa showbiz.
"Masarap isipin that after 26 years, naghimala pa rin. Napansin siya sa buong mundo pa and maski si Guy, napansin nila uli. Malaking karangalan yun para sa atin.






As for Nora, she is the greatest actress in the Philippines who deserves nothing but the best script, director, technical crews and well rounded producers who will give her another chance to prove her worth.
At sa iyong patuloy na pananalig at pagtulong sa Superstar, maraming salamat!
sa indie naman, meron din naman maganda kahit papaano...
sana meron din kahit sa paying students who would want to pursue a writing career like me. hehe!
:
at marami na tayong movie dito na ganun din ang topic...
pero the way the problems was told in the movie is really brilliant, yung mga mechanism and movie plot to make it cinematic. ang galing... pinilit hindi gawing malaswa or brutal ang mga scene na pero naipakita naman ng mabuti... pagkatapos kong mapanuod yun grabe mas maraming social and political issues ang pinoy na naging movie na pero hindi ganu kaganda ang execution... no wonder pinakyaw nya lahat ang GG then now multiple nom for oscars
pepperlicious
February 6, 2009
11:52
---
ewan ko lang nanonood ka ng foreign films like french, korean, indian. ako naadik sa french films kase kahit simpleng kwento lang about buhay buhay eh talagang napakaganda pagkasulat at pagkagawa
mapera ka pala ha? penge ngang pera!!