Nagsimula sa isang "love medley" ang much-anticipated reunion concert ng dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, Missing You, sa Araneta Coliseum kagabi, February 6.
Bago mag-alas-nuebe ng gabi ay sinimulan na ang concert. Pero bago magsimula ang concert ay ipinapakita muna sa big screen ang ilang movie clips ng mga pelikulang pinagsamahan nina Martin at Pops; pati na ang TV shows nila, gaya ng Penthouse Live, at iba pang live appearances.
"We miss you! Do you miss us?" ang isa sa mga unang spiels ni Pops Fernandez sa libu-libong manonood na nasa Big Dome kagabi.
Umpisa pa lang, nandoon na rin ang palitan ng jokes nina Martin and Pops. Like, when Martin told the audience na marami nang nagbago. Pops added, "Your shoes is bigger now!"
Ang next number ng dating mag-asawa ay ang mga kantang "Love The One You're With," "If I Were A Boy," '70s love songs medley, na tila medyo boring ang dating dahil wala pang masyadong reaction ang mga tao sa Araneta noong umpisa.
Pero kung may kapansin-pansin man, ito ay ang very tight and sexy opening outfit and short wig ni Pops
Pero bumawi na sila agad sa solo numbers nila with Martin singing Chicago medley and Pops giving her rendition of "Single Ladies."
Mas sexy si Pops sa ikalawa niyang outfit na black tube and very short shorts na fit na fit sa kanya. She used the Bench slogan na "Single is sexy" at saka sunod-sunod na kinanta ang ilan sa mga kanta nina Beyonce at Rihanna.
Ayon kay Pops, "Being single is great. Gaya nga ng sabi ni Maritn, one day, after umiyak ka, pagkatapos nun, okey ka. Matagal pala ang proseso. And what's worst is when you go through the process of trying to heal yourself. Ang daming questions in your mind. Paano na, may magmamahal ba sa akin? At kung meron man, sino ang susunod na magmamahal sa akin? Kasi hindi tayo sure at ang dami nating question on our mind."
After that, Hotlegs helped Pops change her outfit into a white gown na very elegant ang dating. Biro nga niya, "What's a concert with me if I don't dress on stage?"
Pagkatapos nito ay kinanta niya ang "Someday."
SEX MEDLEY. After Martin sang "Narito," sinundan ito ng "sex medley" nila ni Pops. In fairness, ang cute ng naisip nilang concept. Definitely, hindi malaswa, as others may think, dahil sa pamamagitan ng kanta at comic acts nila ito naitawid.
Siguradong hindi pa rin nawawala ang kilig ng Martin-Pops tandem. Sa spiel pa lang ni Martin na kung sakali at wala raw siguro ang mga tao sa Araneta ng gabing yun kundi sila lang ni Pops, what could his temptation be?
After their "sex medley," Martin asked Pops if she has a fantasy like that.
Natatawang sinagot naman ito ni Pops na, "If I have, then I won't tell it!"







Love to know that they cross their paths again w/ their loving kids. That is all it matters. Keep on going Guys!
No matter what, nga... may pinag-samahan kayo diba?
for the record si Pops ang may hawak na kaunaunahang nagconcert sa Araneta at the age of 15 at almost 100,000 sa Rizal Football Stadium attendees halller
Kakatouch. Sana sila pa rin lol!
Jom was right, wala pang kapalit si Pops at Martin
sana may repeat, my cousins were calling me that night just to listen, asking ko may repeat.
sana nga may repeat jom, kahit mas mababa ang ticket prices : mahat kaya ng 6thou