Isang malaking tagumpay ang naganap na premiere night ng pelikulang When I Met U ng GMA Films at Regal Entertainment kagabi, February 10, sa Cinemas 9 and 10 ng SM Megamall, Mandaluyong City. Ang When I Met U ang ikalawang pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.
Pagkatapos ng premiere sa SM Megamall, nagkaroon ng after party ang buong cast sa Hierarchy bar sa The Fort, Taguig City. Doon ay tuloy pa rin ang lambingan nina KC at Richard na tila wala silang ibang kasama dahil sa walang katapusang yakapan, bulungan, at panakaw-nakaw na halik sa isa't isa.
PINAGBIYAK NA BUNGA. Masayang-masaya si KC dahil katabi niya sa premiere night ang kanyang ama na si Gabby Concepcion. Throughout the showing of the film ay magkawahak-kamay ang mag-ama at panay ang bulong ni Gabby kay KC na kamukhang-kamukha niya ang anak.
"Nakakatawa si Papa kasi kapag naka-close-up ako sa screen, sinasabi niya na, 'Uy, kamukha kita talaga!' Tapos noong may kissing scene na kami ni Chard, sinabi ni Papa na, 'Parang ako yata yung hinahalikan ni Richard!'" malakas na tawa ni KC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Patuloy niya, "But I am so happy that my papa was able to make it. I know that he has so many things to do, but he promised na makakarating siya, no matter what. He doesn't want to miss daw the premiere night of my second movie with Chard."
MEGASTAR MISSES PREMIERE. Marami naman ang nanghinayang na hindi nakadalo ang ina ni KC na si Sharon Cuneta. Pero ayon kay KC, matagal na raw na nagpaalam ang kanyang ina at ang kanyang stepfather na si Senator Kiko Pangilinan na may importanteng lakad sila out of town. Naintindihan naman daw 'yon ni KC.
"Wala namang problema sa akin because naka-schedule talaga 'yon. Nagkataon na sumabay siya sa premiere night. Sabi nga ni Mommy na she really wanted to be at the premiere night, pero talagang committed na siya sa lakad na 'yon with my dad, Senator Kiko. Nag-promise naman sila na we will all watch the movie sa opening nito. Kahit ilang beses pa raw nilang panoorin just to make it up to me," paliwanag ni KC.
Ni-reveal din ni KC na nagbabalak ulit ang kanyang ina at si Senator Kiko na magkaroon ng baby ulit.
"They are planning it and I am praying that God will bless our family with a new family member," sabi ni KC. "Matagal na nilang pinag-uusapan 'yan and they've finally decided to give it a try. Kaya I'm really praying for it to happen."
THIRD TEAM-UP. Matatagalan naman daw bago masundan ulit ng panibagong pelikula ang tambalang KC at Richard. Pero naniniwala si KC na darating ang panahon na muli silang pagsasamahin.
"Ayoko ngang isipin na this will be our last. Magkakaroon lang kami ng break from one another because we'll be doing different projects. Hopefully, we can do another one very soon.
"It's been a wonderful experience to have worked with Chard in two movies. Wala na akong mahihiling pa siguro. Nasabi ko nga sa kanya na mami-miss ko siya, but we will always be in touch with another. Yun ang hindi mawawala sa aming dalawa," pagtatapos ni KC.
Trailer courtesy of GMA Films and Regal Entertainment






Nagamit na kasi si Richard at GMA for KC ni Sharon at ABS. Bakit nga naman kailangan pang suportahan sa premierre na ito? Wala na naman kasunod kasi sa ABS.
What a very stupid alibi I heard para sa pinakamamahal na anak na si KC. The fact na last year pa compare sa first premierre, nakaschedule na ito para hindi lagyan ng Red Mark ang date na yan nila Sharon.
Ay ang tao talaga, pag gustong lumusot kahit anong alibi na lang, makapagdahilan lang.
pero asahan nyong may mga nega pa ring sarap batukan ang magsasabing FLOP ito hahahaha...
awww, nakakaaliw talaga si kc. oo, kahit sino pang maging kapareha niya, kahit ano'ng movie or teleserye pa siya, full support ako basta si kc!
lalapearl
sis di pwede pag news ang dos kse GMA film eto kaya blackout.kasama yan sa usapan kse nung ftft wla din sa abs e.site site lang di ba.due respect sa network ni chard.i will update you.wala pang news sa insider ko e kse sunday ngayon sa pinas so may trabaho sa show ng dos...basta keep you posted.....kayong mga kc diva relax lang.ako din di na makapagantay.basta ang last update sa akin more than 30mil na daw ang kinita mega manila pa lang.di pa counted province and abroad.ayan.wait lang tayooooo....
moirae
lalapearl
welcome back.sa mega manila malaki na ang hatak ng movie.wait till the international screening kse meron sila sa guam.but sa manula pa lang malaki na ang kita.sa province di pa nabibilang.so ang basis ng kita after matapos talaga ang movie.basta i am happy sisters na kumita ang movie ni kc for the 2nd time...masaya siya and she is thankful.grabe nga daw ang praises niya kay god.nagattend yan ng church nila ang napaiyak siya sa pasalamat na nakikilala na siya bilang kc not becuase anak siya ni mega.basta tayo kc diva's support lang kahit sino.ang sabi ng source ko kumita ang pelikula kaya si biaya tuwang-tuwa.meron dito hindi ako pinatulog.hahahahha.sakit ng ulo ko tuloy.hahahahhahaa.joke lang...wav u mga diva's....