Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng GMA telefantasya na Gagambino sa Pebrero 20, matapang na hinarap ng mga stars nito ang mga intrigang kinasasangkutan nila sa kanilang live guesting sa Startalk kahapon, February 14.
Sa interview ng mga hosts ng Startalk na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo, isa-isang sinagot nina Dennis Trillo, Katrina Halili, Nadine Samonte, Isabel Oli, Glaiza de Castro, Polo Ravales, Krissa Mae Arieta at Benjie Paras ang mga isyung ibinabato sa kanila.
DENNIS STILL HOPES TO WORK WITH HEART. Una nang naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na nga matutuloy ang pagsasamahan sanang project nina Dennis Trillo at Heart Evangelista, ang Sine Novela Presents Muling Buksan Ang Puso (click here for related story). At muli nga itong kinumpirma ni Dennis sa Startalk.
Disappointed nga ba siya? Bakit hindi na matutuloy?
"Hindi ko pa alam talaga kung matutuloy siya o hindi. Pero kung matuloy man o hindi, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makatrabaho siya. Kung hindi matuloy, siguro hindi pa oras. Kung matuloy, e, di mas okey. Nandito lang naman kami sa GMA, e, imposibleng hindi kami makagawa ng project together," pahayag ni Dennis.
Very vocal si Dennis sa pagsasabing crush niya si Heart. Puwede niya kayang ligawan si Heart?
"Well, siyempre alam nating napakaganda niya, talented. Halos lahat humahanga sa kanya. Isa lang ako sa mga honest na nagsasabing humahanga talaga ako. Yung posibilidad, siyempre maraming posiblidad. Pero ayoko namang madaliin na kahit ano. Pero kung posibilidad ang pag-uusapan, hindi malabo syempre."
Gumawa na ba siya ng first step? Nagpadala na ba siya ng flowers, lalo na birthday ni Heart kahapon, February 14?
"Oo nga birthday niya at saka Happy Valentine's Day. Yung sa question, wala pa, e. Kasi bihira pa yung magkasama kami ng matagal talaga. Sa SOP, bihira naman kaming mag-usap. At saka natatameme ako kapag nakikita ko siya, e. Naii-starstruck ako."
Natanong din kung gaano sila kadalas magkita ng anak niyang si Calix.
"Madalas, kapag pumupunta ako sa house nila. Or kapag palipat ako ng location, tapos may matagal na time in between, yun dadalaw ako. Mas madalas kaysa dati.
Nandun ba ang nanay ni Calix na si Carlene Aguilar, kapag dumadalaw siya?
"Minsan nandun. Minsan mga lolo't lola niya lang."
Baka naman si Carlene talaga ang dinadalaw niya at hindi si Calix?
"Hindi naman. Kapag pumupunta ako doon madalas wala si Carlene."






bagay..cute silang tatlo..
dapat mag-yoga silang tatlo..
para swabe ang kilos..
si marvin..ok kumilos..
si dennis tigas saka si gerald..
para apa...dapat lagyan nang ice cream nang lumambot..
pero siempre labs ko silang lahat...
umm slightly ok naman ang story pangbata talaga..
pero teka..
ibaba natin ang standard ... wag itapat sa encantadia..at walang wala ito... or kaya sa mulawin...
pero watch ko siya...heheh
wala lang..
dagdag sa kaisipan para mag-isip..
hahahha
balugababe
February 15, 2009
20:21 PM nga pala katrina, sure ka bang tuloy ang Ms X? Cheka ng mga press paypool tinanggal ka na raw dahil di ka naman daw bankable. Gawin mo na lang ang Ms Y. Y manan-aw!
------------------
hahahahaha...hndi na bankable, tas lalo pang tumamlay ang career dahil sa issue with hayden...
i used to like her kasi prng matapang na mabait ang pagkatao nya pero ung issue about her and hayden ang nksira at nagpababa ng tingin ko s knya...
hayden is a h o t t i e tho...lolz..inggit ako..lolz..just kiddin..
calisa20
February 15, 2009
13:59 PM Jaguar
paano iyan mababago na ang oras ng shower mo pag totoy bato ang ipinalit sa Gagambino.
I can't wait sa Totoy bato ok na rin kahit hindi ko gusto si Manny pacquiao puwede ng pagtiyagaan basta hindi kasali si Aling Dionisia at Jinky
----
napatawa mo ako...lolz
ang kulit ng comment mo...
ni hindi ko pinanood to...dto ko lng nlman s pep n my gagambino pla..lol