Never natukso ang award-winning hunky actor at producer na si Allen Dizon na mag-produce ng tinatawag na gay films, pelikulang sa kabaklaan umiikot ang tema. Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na paghataw sa takilya ng mga ganitong klaseng pelikula.
"I have nothing against gay films, pero sa dami ng gumagawa, bakit pa kami makikisabay?" sabi ni Allen sa story conference ng pangalawang pelikula ng kanyang ATD Entertainment, Marino, na ginanap sa isang restaurant sa T.M. Kalaw, Manila kahapon, February 18.
Patuloy niya, "Kaya kami natagalang mag-decide sa next project. We want to be different. Gusto ko, maayos ang production values at socially-relevant ang tema, gaya ng Marino at Dukot (Desaparecidos). Independent films, pero mainstream in production values, stars, and promotion."
May baklang character, pero hindi kabaklaan ang unang pelikula ng ATD na Paupahan; pati na rin ang Marino. Ang Marino ay mula sa panulat at direksiyon ng Ateneo graduate at Cinemalaya alumnus na si Paul P. Sta. Ana.
Ani Allen, "First course ko sa college ang Marine Engineering sa PMI [Philippine Marine Institute]. Kahit one semester lang ako dun, marami akong natutunan sa buhay-seaman. Kung hindi ako nag-artista, baka seaman ako."
Maituturing na powerhouse cast ang Marino, pang-mainstream sa laki at best of both worlds—GMA-7 at ABS-CBN stars. Ka-partner ni Allen ang nagbabalik-GMA-7 na si Ara Mina. Dalawang bidang babae pa ang kasama nila, ang Kapamilya stars na si Krista Ranillo at ang Tanduay 2009 image model na si Bangs Garcia.
Sa mga kalalakihan naman, nasa cast din sina Emilio Garcia, Marco Alcaraz, Philippine Idol finalist Jan Nieto, at StarStruck 2 winner Mike Tan ng GMA-7; at ang Pinoy Big Brother housemates na sina Victor Basa at Rico Barrera from ABS-CBN. Kasama rin sina Jaja Jaboom Gonzales, Benjie Felipe, Holy Reyes, Lui Manansala, at ang anak ni Allen na si Nella Marie Dizon.
Kukunan ang nasabing pelikula sa mga bayan ng Paombong at Malolos sa Bulacan; sa Bangkok, Thailand; at ilang karagatan sa Asya.
Si Jan ang aawit ng theme song ng Marino na "Bakit Kailangang Lumayo?" na isinulat ni Ogie Alcasid.
Pagkatapos ng Marino, isusunod na ni Allen ang Dukot (Desaparicidos) sa direksiyon ni Joel Lamangan. Sinusubukan nilang kunin ang serbisyo ni Iza Calzado bilang partner ni Allen.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
34 apolloadama
just make sure you put your money where your mouth is, Mr. Dizon. I'm not entirely sold.
33 bambicoke
32 kiyemestrykc
31 busero
30 balugababe
pictorial nila yan sa pelikulang Marino where they played seamen, naconfuse din ako nong una
tapos pareho pa silang tsinito, kala ko mali na naman ang PEP hahaha
29 apayagamin1
28 sitsitali
ewan ko ba rito sa pinas at puro gay themes na lang. e sa ibang bansa, kapag indie films, they tackle a lot of human concerns, issues, topics that are beyond homosexuality and sex acts.
27 apayagamin1
26 balugababe
-------------
tinatanong pa ba yan eh ang sesexy ng mga bidang babae
25 winshill
24 satsatera
23 mrfreeze
22 balugababe
o legit na tanong yan ha, kasali naman si bangs sa movie eh
21 balugababe
pero talaga natawa ako sa aral na napulot mo, ituro natin yan sa kabataan ha...
napaisip tuloy ako sa cheka ni abel hahaha
20 satsatera
19 balugababe
18 jaguar_meets_joffrey
17 abel_pinoy
At any rate, panalo si Allen compare sa ibang bold stars na kasabayan niya.
16 jaguar_meets_joffrey
15 balugababe
more comments