Nagpalabas ng utos sa mga artista ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, na bawal na silang magpunta sa mga lugar na matao tulad ng mga Internet café at bars. General ang pagbabawal na ito, ngunit mas nasentro ang Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon City, dahil dito pinakamadalas na nagpapalipas-oras ang mga artista; hindi lang taga-GMA-7 kundi pati mga taga-ABS-CBN na rin.
Ayon sa nakausap ng writer na ito, pinagbawalan ng GMA Artist Center ang mga artista nila na mamalagi sa ganitong mga public places para maiwasan ang mga tsismis sa kanila, tulad ng drugs at kung anu-ano pa. Anim na buwan daw na suspension ang mahuhuling sumusuway sa pag-uutos.
Isa sa pinakamadalas na nagpupunta sa Station 168 ay ang StarStruck 2 Ultimate Male Survivor na si Mike Tan, na huli naming nakita noong isang linggo. Sa story conference ng Marino ng ATD Entertainment kahapon, February 18, kami muling nagkausap.
"Miss n'yo na kami doon?" pabirong tanong ni Mike sa amin nang kamustahin namin siya.
Wala raw problema si Mike kung pagbawalan silang mamamalagi rito. Para sa kabutihan na rin naman daw nila ito kung makakatulong itong makalayo sa mga tsismis sa kanila.
Tinitiyak din ng young actor na walang katotohanan ang pagkabit ng tsismis ng drugs sa Internet café dahil napaka-public naman daw nito para gawin ito ng mga nagpupunta roon. Isa pa sa mga dahilan kung bakit madalas si Mike sa Station 168, malapit lang din daw kasi ito sa gym nila sa kanto ng Tomas Morato at Timog.
Sa ngayon, "connected" pa rin naman si Mike sa mga kaibigan niyang naiwan sa Station 168 sa pamamagitan ng Facebook at WOW interface. Doon na lang daw sila "nagkakausap" ng mga naging kaibigan niya sa nasabing Internet café.
"Kaya lang, iba naman kasi kapag katabi mo ang mga kalaro mo, mas exciting," sabi ni Mike.
Bukod kay Mike, card-carrying members din ng Station 168 ang mga StarStruck boys na sina Mark Herras, Rainier Castillo, Dion Ignacio, at Alvin Aragon ng Batch 1; CJ Muere, Kevin Santos, Kirby de Jesus, at Chris Martin ng Batch 2; ang namaalam nang si Marky Cielo at si Jeric Rizalado ng Batch 3; at sina Mart Escudero at Paulo Avelino ng Batch 4.
Nagagawi rin paminsan-minsan dito ang StarStruck graduates na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili; at Rich Asuncion; pati na rin sina Prince Stefan, Stef Prescott, Aljur Abrenica, Megan Young, Vivo Ouano, at Johan Santos.
Dumaraan din paminsan-minsan kapag very late at night si Mark Anthony Fernandez. Noong nasira ang computer connection sa bahay nila, sa Station 168 din nag-Internet noon si Rhian Ramos.
Sa mga Star Magic artists, regular sa Station 168 sina Jason Abalos, Charles Christiansen, at Janus del Prado. Dumaraan din paminsan-minsan ang barkada nina AJ Perez at Chris Gutierrez, at dati ring naging regular noon si AJ Dee na madalas nang nakikita sa isa pang Internet café sa kahabaan ng Tomas Morato.
Station 168 din noon ang naging lugar na hintayan nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez noong sila pa; at pati na rin sina JR Siaboc at Irish Fullerton ng Pinoy Dream Academy.
Ito rin ang naging "halfway house" ng mga manunulat at iba pang trabahador sa showbiz para magkaroon ng connectivity. Regular dito ang Malaya editor, MTRCB member, at Manunuri member na si Mario Hernando; ang mga showbiz press na sina Ambet Nabus at Vinia Vivar; pati na rin ang scriptwriter-director na si Paolo Villaluna; at scriptwriter-manager na si Dennis Evangelista.





umintindi nga kayo! sinabi nang iba kapag katabi mo ang kalaro/kalaban mo kaysa online lang kayo nagkakasabay! kahit na sinong mga player ng computer, yan ang sasabihin.
its normal to have a place to hang around specially after working. hindi naman sila naiiba, pag-artista nga lang ang trabaho nila.
hahaha. nagtaka at naghanap ka pa. e di saan pa kundi andun sa kaban ng GMA para ma-ibandera ng mga kapuso na bilyones ang kita nila sa fiscal year 2008.
on-topic, kahit saan pa sila ay meron at meron pa ring kabulastugan. susme, kahit nga siguro sa mga dressing rooms ng mga artista ay meron. as i see it, walang katuturan yung ban na yan. siguro para sa kanila mas mabuti kung sa bahay nalang nila gagawin yun para walang makakita na makasira ng kanilang image.
i guess.. dito na tlga tumatambay mga artista.. but w/ the news about marky cielo.. na di naman totoo eh pati ung cafe idinamay sa mga ganitong issue..
panawagan sa gma.bigyan ng computer ang talent niyo..kawawa naman.asan ang bonus nung pasko?akala ko ba kahit walang trabaho ang talent siniswelduhan.
Kailan ba napabalita na may drug-marketing sa station 168 o kahit saang cafe for GME to explicitly make this rule? :
kaya di mo masisi yung iba dyan... tambay na lang!!!
eh anjan kasi sila eh. hehehehehe....
One, two or three hours, ok pa... Pag sumobra ka na dyan, addict na yan.
Kahit may laptop at may pinaka the best desktop gaming computer ka sa bahay... Boring pa rin, iba yun nasa matao kang lugar kasama ang mga tropa... More of socializing yun pag nakikita mo ang tropa at naglalaro kayo sa isang lugar.. You feel secured and complete.. Mas masaya yun naeenjoy ninyo na magkakasama pag nananalo kayo sa Dota at kung ano anong games... Masarap din ang feeling pag pinaguusapan ninyo pag natatalo kayo.. The emotions and excitement are there.... Naeexpress mo, kesa type mo sa keyboard lang...
Maganda sana, kaya lang anuman bagay ang sobra... Pangit, kaya nga mga mukha silang addict, nakadilat na kulang sa tulog ang arrive nila due to very long stay in front of computer.
ang pinoy nga naman kung alin ung bawal un ang ginagawa...