Na-interview ni Kris Aquino sa isang episode ng SNN (Showbiz New Ngayon) ang Soul Siren na si Nina tungkol sa pagkakautang sa kanya ng dati niyang boyfriend na si Nyoy Volante.
[Year] 2005, ano si Nyoy sa buhay mo? unang tanong ni Kris kay Nina.
"Hindi pa kami item noon," sagot ni Nina. "January 2005...parang I was at the airport with Nyoy, lumapit siya sa akin. And yun, he was borrowing money."
Magkano yung hiniram?
"Six-hundred thousand [pesos]. His mom needs the money daw. Pero siyempre, hindi ko na inalam kung saan gagamitin. Ang pinaka-explanation lang niya, sinabi niya sa akin is they have to come up with the sum of money to invest in some kind of parang stock to get the interest."
Ilang days bago mo ibinigay yung pera?
"That same day. May pinirmahan agad akong withdrawal slip."
May promise ba si Nyoy kung kailan siya babayaran?
"After a week," sagot ni Nina.
Pero hindi naman daw nagawang bayaran ni Nyoy si Nina nung dumating ang araw na ipinangako nito.
"Naisip ko, sabi ko, bakit nga ba hindi ako nabayaran nung time na yun? Parang naging kami na yata after a week or two weeks. Although, nasingil ko naman yung iba. Ang sabi lang kasi sa akin, 'Kung gusto mo i-invest na lang natin ito sa ganyan para magkaroon ng interest.' Sabi nung mom niya sa akin," kuwento niya.
Ang utang ni Nyoy kay Nina ay nadagdagan pa raw.
"Pakonti-konti actually ang hiram niya sa akin. May 30,000, may 50,000..." Hanggang umabot na raw ito sa P1.4 million.
"Kasi mayroon pang dollars, e."
Nung naghiwalay na raw sila ay sinisingil ni Nina si Nyoy.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
101 bruhilda26
100 angelsiege11
sana maayos na yang kaso na yan., sayang din yung pera na yun ni nina.,
anung klaseng tao ba yang pamilya ni nyoy? hahaha
99 simply_meh
98 jhoarivers
lesson: WAG MGPASAMANTALA
97 gossiphungry
96 yobochi
ang lesson cguro d2 wag na magpa utang mga girls s kanilang BF hala nakakahiya ang ganitong ugali ng guy!
cguro pwedi pa ang girl mangutang s guy at biglang iwanan!hahahaha
95 befairy
94 kapamilya_na_pilya
93 walau_we
92 kapamilya247
91 cutie_malditah
nina,keri lng!
90 sammm888
89 tulipspring07
Kaya marami manloloko dyan dahil madali nilang matakasan... Hay naku yung ex-bf ko na 1 manggagantso, sana nga nabaril na yun ng mga abu sayaff para wala na syang maloko pa.
88 aringkingking
di nga ako marunong magpautang. brothers ko kunwari hihiram, ang ending, bigay na. tse lolz
87 eatmydust81
86 man_inda_box
85 tearhere
84 man_inda_box
83 talikodgenic
82 cheekygirl
more comments