Soul Siren Nina reveals in her interview with Showbiz News Ngayon that her ex-boyfriend Nyoy Volante and his mom issued bounced checks as payment for over a million pesos that they borrowed from her.

Photo: Noel Orsal

Na-interview ni Kris Aquino sa isang episode ng SNN (Showbiz New Ngayon) ang Soul Siren na si Nina tungkol sa pagkakautang sa kanya ng dati niyang boyfriend na si Nyoy Volante.

[Year] 2005, ano si Nyoy sa buhay mo? unang tanong ni Kris kay Nina.

"Hindi pa kami item noon," sagot ni Nina. "January 2005...parang I was at the airport with Nyoy, lumapit siya sa akin. And yun, he was borrowing money."

Magkano yung hiniram?

"Six-hundred thousand [pesos]. His mom needs the money daw. Pero siyempre, hindi ko na inalam kung saan gagamitin. Ang pinaka-explanation lang niya, sinabi niya sa akin is they have to come up with the sum of money to invest in some kind of parang stock to get the interest."

Ilang days bago mo ibinigay yung pera?

"That same day. May pinirmahan agad akong withdrawal slip."

May promise ba si Nyoy kung kailan siya babayaran?

"After a week," sagot ni Nina.

Pero hindi naman daw nagawang bayaran ni Nyoy si Nina nung dumating ang araw na ipinangako nito.

"Naisip ko, sabi ko, bakit nga ba hindi ako nabayaran nung time na yun? Parang naging kami na yata after a week or two weeks. Although, nasingil ko naman yung iba. Ang sabi lang kasi sa akin, 'Kung gusto mo i-invest na lang natin ito sa ganyan para magkaroon ng interest.' Sabi nung mom niya sa akin," kuwento niya.

Ang utang ni Nyoy kay Nina ay nadagdagan pa raw.

"Pakonti-konti actually ang hiram niya sa akin. May 30,000, may 50,000..." Hanggang  umabot na raw ito sa P1.4 million.

"Kasi mayroon pang dollars, e."